Chapter 16: goodbye Kiss?

1.5K 78 33
                                    

SHINE'S POV:

       PARA naman akong napahiya sa sinabi ni Em kaya parang wala lang na tumayo ako.

      "Sorry, sorry," paumanhin ko.
      "Okay lang. Pareho lang natin namiss ang isa't-isa."
      "Ako na mauna gumamit ng banyo?" sabi ko pagtayo ko at nag-unat.

      Nilapitan ko siya na nasa tapat ng built-in cabinet. May kinukuha siyang damit. Nanatili ako sa likod niya. Nang humarap siya ay naging magka-tapat kami.

    "O?" sabi niya sabay iwas ng  mukha.
    "Puwede magrequest?"
    "Isang yakap lang? 'Yung walang malisya?"
    "Ha?"

   Nilahad ko ang braso ko at niyakap ko si Em. "Uhmmmm…. Goodmorning! Thank you sa pag-alaga sa akin kagabe."

     Dinikit ni Em ang noo niya sa noo ko. "Wala  po 'yun, basta ikaw."

     "Pero Em pag wala na ako, huwag mong gagawin sa iba 'yun ah?"

   "Ang mag-alaga ng may sakit?"
   "Ang mag-patulog dito sa kama mo na katabi ka. Ako lang sapat na."v
   "Hahahaahh! Baliw ka Ashang! Sige na, maligo ka na."

    ------------

      Hinatid ko na si Em sa office niya.

     "Ah Em…." tawag ko sa kanya paglabas ng elevator.

    "Hmm?"
    "Lunch tayo?"
    "Sure. Wala ka bang gagawin?"
    "Wala naman."
    "Sa'n ka mag-stay?"
    "Sa office ni Balot. Maybe we can join them nina Penny?"
     "Naku, nakakahiya. Sorry Ash, di ako makakasama. Top management 'yon."
    "Sa labas naman eh. Atsaka guest naman kita."
   "Tingnan na lang natin."

    Pumasok na siya sa clinic. Ako nama'y pumunta na sa office nina Balot.

      "Hay Grabe! Nagpakita rin ang loka-loka! Sa'n ka ba nanggaling? Hinahanap ka ni Penny."

      "Sorry Balot, nagkasakit ako kagabi. Di ko na nahawakan cp ko."

      "Sus! May sakit pero nakuhang ihatid dito ang ex?"

      "Pa'no mo naman nalaman? Dinaldal na naman ni Penggay no? Huwag nga kayo, baka maudlot pa."

      "Ano ba plano mo? Eh diba next week aalis ka na uli?"

      "Yeah. One step at a time. 'Lam mo Balot, ang mga bagay na binigyan ka ng second chance, kailangan mong ingatan. Slowly but surely."

       "Oo sa kakuparan mo, maiiwan ka naman. Hay naku ka sige. Sa'n mo pala kami ililibre?"

       "Libre? Huh! Kayo ang manlibre no. Asa'n na ba si Penny?"

      "Bumili ng french fries at parating na si Pugo."

      "Ay si Pogi darating?"

      "Oo no. Ipasyal mo nga at dami naming gawa. May sakit ang yaya eh."

     "Iwan mo na lang dito, aalis na ko pagka-lunch natin."

     Tumambay na lang ko sa canteen kaysa kulitin si Balot. Dadaan pa sana ako sa clinic para silipin si Em pero maghihintay na lang ako ng lunchbreak. Hindi na rin ako sumabay kina Balot kasi baka mailang si Em. Matiyaga akong naghintay hanggang lunch break. Hinintay ko na lang siya sa isang resto sa labas ng building nila.

     "Hello Em, asa'n ka na? Order na ako ha para hindi sayang 'yung breaktime mo."

      "Okay sige pero saglit lang ha. May hinihintay lang akong prescription kay Doctor Jeyz para sa isang pasyente. Sunod ako."

Hanggang Kailan Maghihintay?  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon