Chapter 21: Say Yes?

1.3K 81 14
                                    

SHINE'S POV:

    Dito na nga nakatira si Jackie sa apartment ko. Unang araw ay sa kuwarto ko siya natulog since pang-gabi ang duty ko.

     Kinabukasan pag-uwi ko ng umaga, day -off niya. Naabutan ko siyang nagluluto ng agahan. Nanakam ang tyan ko sa niluluto niyang sinangag.
Naalala ko noong mga araw na magkasama pa kami. Paborito ko ang Tapsilog niya.

    "Hmmmm…. Ambango niyan ah! Ang aga mong nagising? Alam ko puyat ka kagabi?"

       Hinila ko ang upuan at inayos ang placemat. Kumpleto na ang mga gamit para sa dalawa. Mukhang pinaghandaan niya ang pagdating ko.
Katulad noon na sobra siyang maalaga at masilbi sa akin.

    "Parang hindi mo naman ako kilala," sagot niya habang hinahango sa kawali ang sinangag. Ang bango. "Kahit puyat ako o hindi, early riser talaga ako. Hala madam, kain na ng makapag-pahinga ka na."

   Nahimigan ko ang pag-aalala. Kailan nga ang huling beses na may ganitong nag-aasikaso sa akin?

   "Tara, sabayan mo na ako," sagot ko.

    "Hmmm… wait lang. Gano'n pa rin ba ang type mo sa kape? Sweet and creamy?"

    "Oo," tipid kong sagot. Ilang taon na ang nakalipas pero naalala pa rin niya ang mga mumunting bagay tungkol sa akin.

   Masaya kaming kumain. Tumaba ako noon talaga noong live-in pa kami. Pumayat lang ulit matapos ang lahat.

     "Hindi ka pa ba mag-aasawa Ash? Kailangan mo ng mag-aalaga sa 'yo."

     "Hahaha! Wala 'yan sa isip ko. Atsaka, I'm perfectly fine being single. Nag-eenjoy naman ako at kaya ko ang sarili ko."

     "I'm sorry, I really am Ash."

     "Ooops! Enough sa drama. Past na 'yon okay? Ni hindi ko na nga naalala 'yung sa atin. Hindi sa puro sakit lahat, pero nakamove on na ako. Kung hindi'y hindi kita kayang patuluyin sa bahay ko."

     "Okay I got it. Pero… wala pa rin bang someone special?"

 
  Napahinto ako sa pagsubo ng hotdog at napatingin ako sa kanya.

    "Hmmm.. mayro'n actually."
    "So.. Who’s the lucky guy?"
    "Jaaaack! Kailan pa ako nagkagusto sa lalaki?!"
    "Hahahah! Owkeeey.. So, is she someone I knew?"
    "Hmmm… not really. Nabanggit ko yata sa 'yo noon. Remember Em?"
    "Em? Hmmm.. Di ko maalala. So… someone from your past?"
    "And hope to be my future."
    "You're sounding so hopeful ha."
    "Dapat lang. And also Jack, naalala ko lang, puwedeng humingi ng pabor?"
     "Sure."
    "Ahh…. Pa'no ba? Kasi…. Well, I know hindi ko kailangan pakialaman ang social media account mo pero kasi… nabanggit kita sa kanya. Hmm… kung puwede lang sana
kung di naman maiwasang magpost ng… mga bagay na involve ako, baka puwedeng hindi public? Nakikita kasi niya."

    "Ha?"
    "Ganito kasi… I'm… I'm trying to, to win her back."
    "Aaaah 'yon lang ba?"
    "I know it may seem absurd but you see, gusto ko magpagood shot. She is actually jealous of you. I mean, kinuwento kita pero di ko namang sukat akalaing magtatagpo tayo. Pero it's okay, I can handle it naman, baka lang kako…"
    "Don't worry Ash, buburahin ko lahat para sa 'yo. Naintindihan kita."

   Napabuga ako ng hangin. "Whooo! Salamat Jack! Salamat," sabi ko sabay napahawak ako sa kamay niya. Sabay kaming napatingin sa kamay namin at siya rin ang unang bumawi. May nafeel ba ako? Wala.

   "You deserve to be happy Ash. Ang kapal naman ng mukha ko na matapos ng pagtanggap mo sa aki'y nakakagulo pa ako. Na-overwhelm lang ako, sorry."

Hanggang Kailan Maghihintay?  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon