Chapter 34: Hiding

1.2K 57 5
                                    


SHINE'S POV:

      KAHIT namahay ako ng bahagya ay nakatulog naman ako. Naramdaman ko ang halik ni Em sa noo kong puno ng pag-suyo. Mahal na mahal ko siya at nasa punto na ako ngayon na ayoko ng mawalay pa sa kanya. Dumilat ako at  nignitian siya.

      "Hi! Goodmorning," sabi ko sabay pout as if I'm asking for a kiss. Di naman ako nabigo.

      "Good morning!" bati niya rin ng nakangiti. "Kumusta tulog? Okay ba kahit masikip?"

      "Okay lang naman. Kahit naman saan okay lang. Dapat nga mas masikip pa rito e."

      "Hah? Bakit naman?"

      "Para magkapatong na lang tayo?"

     "'Hahahah!" Tawa niya sabay pisil sa ilong ko. "Cute cute mo talaga Ash."

      "Kahit tumanda na ako? Alam ko noon cute ako eh. Dead na dead ka nga sa akin."

      "Mukha mo! Tara na nga at kumakain na sila sa labas."

     Sabay na kaming tumayo at nagligpit. Bago lumabas ay niyakap ko siya ng mahigpit.

      "Em… I love you…" bulong ko sa tainga niya.

      "I love you too."

     "Puwede bang… mamaya na lang ako kasi nahihiya ako e. Parang, parang mainit ulo ng Nanay mo sa akin."

     "Ssssh… it's okay. Bisita ka rito. Hindi kita ikukulong dito. C'mon," sagot niya sabay pisil sa kamay ko.

     Paglabas ng kuwarto ay nag-aalmusal na silang lahat maliban kay Isha na tulog pa.

       "Magangdang umaga ho," nahihiya kong bati. Hinila ni Maycee ang isang upan saka ako umupo. Gitna siya namin ng Nanay niya. Inalok niya ako ng sinangag at hotdog at mabilis niyang nilagyan ang pinggan ko.

       "Ako na, ako na," saway ko sa kanya. "Ako na sige na," ulit ko.

      "Ay Nay kayo? Okay na sa inyo 'yan?" tanong ni Em sa nanay niya.

     "Ayos na ako Anak. Mamaya ay samahan mo kay Doktora. May mga ibibigay daw na libreng gamot."

     "Okay sige po."

     "Tapos na ako. Papahinga lang ako at maliligo na ako Yuri. Maligamgam na tubig lang."

     "Sige Nay," sagot ng kapatid ni Em na nasa tapat ko.

      Pinasok ni Yuri ang Nanay niya sa loob ng kuwarto. Lihim na pinisil ni Em ang kamay ko sa ilalim ng mesa.

     "Pasensya ka na kay Nanay."
     "Galit siya sa akin. Haaay! Sino nga ba naman matutuwa na ang panganay niyang anak e.."
     "Stop it Shine okay? Tapos na 'yon."
     "Pero heto na naman ako sa buhay mo."
     "Ssshhh… tama. Leave it to me, okay? Kalma ka lang."

       Umalis nga si Maycee kasama ang Nanay niya. Treinta minutos ay nag paalam naman ko kay Yuri na dadalawin ko muna ang mga kaibigan ko. Kay Allison ako napunta at nadatnan ko siyang nagbe-breastfeed sa baby niya.

        "Mabuti naman nadalaw ka Ash. Kamusta na? Si Em?"
       "May check up kasama Nanay niya."
       "O eh bakit naman parang Biyernes Santo mukha mo eh magpa-Pasko na?"
      "Haaay Allie! Ang hirap magmahal. Ewan ko ba."
     "Problema?"
     "Wala naman. Okay naman kami ni Em."
     "So kayo na uli?"
     "Yeah."
     "Tingnan mo nga naman. Sa hinaba haba ng taon, kayo rin pala."
     "Tingin mo ba?"
     "Aba dapat lang. Maghihiwalay pa ba kayo? Tanda niyo na. Unless…. Hindi kayo seryoso?"
     "Seryoso ako. Ang kaso lang nag eexpect kasi ako na sana walang gulo, walang sagabal. Chill lang, gano'n."
      "Ash, hindi na kayo bata saka sa'n ka ba nakakita ng relasyong puro chill chill lang? Lahat pagdadaanan."
    "Inaalala ko kasi 'yung Nanay niya. Naillang ako. Alam kong ayaw niya akong nakikita."
     "Pagpasensiyahan mo na si Tita, matanda na eh. Mahalaga kung ano kay Maycee."
     "Haay sana nga."
     "Eh ikaw? Si Em na ba talaga? Ayaw mo ng ganito? May anak, asawa?"
     "I can have a family without getting married. Masaya ako kay Em, siya lang sapat na."
      "Mahal ka talaga ni Maycee. Imagine, years ago nang umalis ka hindi 'yan nakipag-relasyon. Hindi naman sila ni Boyet noon, nadisgrasya lang.  May mga nanligaw oo pero the moment na dumaan ka rito, I still see the love in Em's eyes. Ako kaya kinikilig sa inyo."

Hanggang Kailan Maghihintay?  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon