EM'S POV:
MATAPOS naming maghiwalay ni Shine thirteen years ago, nagsimula akong bumangon muli at nabuhay ng wala siya. Siguro nga, first love never dies kaya't kahit gaano pa katagal siyang nawala, napaka bilis natibag ang pader at panahong nagdaan sa pagitan namin.
Parang heto pa rin akong si Maycee na pinanabikan ang bawat sandaling makapiling siya.
Wala kaming pormal na usapan pero sa ilang araw naming magkasama kami, nando'n pa rin ang init, ang kuryente, 'yung 'something' na di ko maipaliwanag. Kaya imbis na labanan ko ang nararamdaman ko, pinabigyan ko ang sarili ko.
Tumugon ako sa halik ni Shine dahil 'yon ang inutos ng puso ko.Ngayong anim na araw na ang nakalipas, nanatili lang akong naghihintay kung kailan siya mag paparamdam. Nararapat ba akong umasa? O aasa na naman sa wala?
Dapat ba akong mag assume na mayro'ng kami or dala lang 'yon sa biglaan naming pagkikita? Ewan ko, ewan ko ang sagot.Bumalik sa pagka normal ang trato ni Shine sa akin sa tuwing tumatawag siya sa cellphone, or sa social media. I don't know pero may nararamdaman akong iba.
Friday midnight ay nag videocall siya sa Fb. Ito na naman ang puso kong hindi man lang magpanggap at naeexcite masyado kaka-kabog.
Ngumiti siya ng magliwanag ang reflection ng mukha namin."Hi!" bati niya.
"Hello," parang nahihiya ko pang sagot.
"Pauwi ka na? Alang pasyente?"
"Hmmm… wala. Kung mayro'n hindi kita sasagutin tsaka alas dose na po ng madaling araw."
"Sagutin mo na kasi ako."
"What?! May ligawan bang nagaganap dito? Nasa'n?"
"hmpf!"
"Ano? Kumusta ka dyan?"
"Puyat. Nag inom. Birthday ng cluster head namin eh."
"May babae?"
"O naman, puro kami babae. Lalim eyebags ko o," sabi niya at nilapit ang mukha niya sa camera."Huwag ka nga! Laki ng muka mo!"
"Di bale na, love mo naman diba?"
"Dami mong alam Ashang! Lasing ka no?"
"Di ah! Nakainom lang."
"Sus! Bakit ka tumawag?"
"Bakit bawal na ba?"
"Ako unang nagtanong."
"Namimiss kita eh. Sorry kasi masyado akong naging busy sa ospital. Kadarating ko nga lang dito sa Dubai, trabaho agad kaya sinamantala ko muna ang party na 'to.""hmmm.. Huwag ka na lang uminom kung magmamaneho ka pa pauwi. Alam ko namang mataas ang tolerance mo sa alkohol."
"Hindi nga, tapos na. Ilang shots lang kanina."
"Ah okay."
Matagal walang nagsalita sa amin. Pareho lang kaming nakatignin sa screen. Ako, sa mata niya. Siya, sa labi ko. Sinadya kong galawin ang lips ko.
"You're such a tease Maycee."
"Oh bakit? Ano'ng ginawa ko?"
"Alam mo ang ginawa mo."
"Ahahahahah!! Sige na, matutulog na ako."
"Mamaya na, gusto pa kitang pagmasdan. Naiinis ako sa distansiya natin ngayon."
"Ash lasing ka. 'Yung mata mo kusa ng pumipikit."
"Kiss muna babe…"
"Babe? Kiss mo'ng mukha mo! Tumigil ka na ngang kaka-ganyan mo. Umuwi ka na."
"Laters. Kiss nga kasi muna."Alam kong lasing si Ash. Dahil mula ng umalis siya, never niyang ginawa 'yang mga paglalambing niyang 'yan. Hindi normal, not so Ash. Kung mag-lambing 'yan ay puros yakap lang, never ang manghingi ng halik.
"Ayoko. Ayokong masanay Ash, please tumigil ka na."
"Fine. Bahala ka na nga, sige na bye!"
"Galit ka na niyan?"Sasagot pa sana siya nang may makita ako sa likuran niyang babae na may dalang kopita at bigla siyang hinalikan sa pisngi. Nawala siya bigla sa screen at tanging kisame lang ang nakikita ko. Akala niya siguro'y nai-out niya na ako pero dinig ko ang usapan nila.
"Babe… c'mon lets drink more. Bakit ka ba nagsosolo dito, tara na. The night is young."
"Alora c'mon, ayoko na okay? Sige na."
"okay. Pero pa'no mamaya?""Ano'ng pa'no?" naiiritang sagot ni Shine. "Alora stopped it! Baka may makakita sa atin dito, mauna ka na nga."
"Shine…" malanding pagkakasabi no'ng Alora. "Alam kong matagal ka ng walang babae. Puwede ako, let's enjoy tonight."
Biglang nagpanting ang tainga ko. Buwisit! May pahalik halik, sweet sweetan pa 'tong Shine na 'to, may kalandian naman pala sa party!
Nakikipag one night ba si Shine?
Bumilis ang pintig ng puso ko. Mabilis ko ring nilog-out ang Fb ko, tumayo para uminom ng tubig.
Parang lumobo ang ulo ko at para akong mahihilo. Tama ba? Tama bang isugal ko na naman ang puso ko?Bumalik ako sa kuwarto at humiga. Pinatay ko ang cellphone ko dahil ayaw ko munang guluhin nya ang isip ko. Gusto kong mag-isip.
Okay, malayo siya, walang kami. Malinaw naman. Walang kami equals no right. No right equals no hurt. No hurt means normal life, normal beating of heart, no worries.
Back to start, must be no Shine. No Shine means no Em. No Em, No Isha.Isha, doon ako biglang natauhan. May anak nga pala ako. Dahil kay Shine nakakalimutan ko ang main purpose ko kumbakit ako lumuwas ng Maynila. Nandito ako para sa anak ko, at hindi para pag-ningasin ang lumipas na pag-ibig.
Natulog akong mabigat ang puso. Sobrang bigat. Kinabukasan ng Sabado ay nakakapag-takang maaga pa rin akong nagising kahit madaling araw na akong nakatulog.
Wala akong pasok sa trabaho kaya minabuti ko na lang maglinis ng kuwarto. Shine's occupying my thoughts and seems that small pins are pricking my heart. Inisip ko si Isha. Siya lang dapat ang lagi kong iisipin.
After kong maglinis ay naligo na ako at nagbihis. Inisip ko na naman kung ano'ng susunod kong gagawin. Hindi puwedeng mabakante ang utak ko.
Naisip ko na lang pumunta ng grocery para sa one week kong personal supplies at pagkain na rin. Naalala kong may pinapabili pala sila for Isha na gamot at isabay sa ko sa kababayan naming uuwi bukas.Binuksan ko na ang cellphone ko at tinawagan ang kapatid ko. Natetempt akong buksan ang Fb at messenger ko. Haaay! Sige na nga. Pag ka log-in ko ay bumulaga agad ang message ni Shine.
"Hi! At last! Gising na prinsesa ko." Gusto ko siyang barahin pero hahaba lang. Sinubukan kong huwag magreply at alam naman niyang active na status ko.
"Yuhhoooo!!! Busy? Kagigising ko lang. Kasi kanina ko pa hinihintay mag log in ka, nakatulog ako."
Gusto ko sanag sabihin na natural, masarap matulog kasama ang babae mo!
"Mukhang masarap ang tulog mo." 'Yan na lang nireply ko.
"Sakto lang."
"Sakto lang? hindi masarap?"
"Masarap ang alin? Wala pa nga akong almusal."
"Sige, aalis kasi ako. Mamimili."
"Ah okay. Everything's fine?"
"Oo naman. Cge na, alis na ako."
"Can we chat for a little longer?"
"May gagawin pa kasi ako."
"Later?"
"Tingnan natin."
"Okay."Mabigat sa loob kong nilog-out ang messenger. Dapat ko bang sabihin kay Shine ang nalaman at nakita ko kagabi?
Hindi ba't assuming ako at isipin niyang affected ako? Sinusubukan ko namang deadmahin pero hindi ako matahimik.
Siguro iiwas na lang ako, yung parang wala lang.
-------
××××××××××××××××××××××××÷
Pareho pala kami ni Em na hindi matahimik, hahahah!
Shan 11-22-17
Vote comment suggest.
Naantok pa ko..
BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan Maghihintay? (Completed)
RomanceGxg ( june 2017-Apr. 2020) A typical "Maybe this time" story. They were separated when they were young. Thirteen years had passed, they met again. Is there a chance to start the fire or will they just leave things as it used to be?