Chapter 27: Patient Tsan

1.2K 64 2
                                    


SHINE'S POV:

-----
         Kinakabahan akong pumasok ng clinic ni Maycee. Parang nakakita ng multo si Em at inaasahan ko na 'yon.
Inobserbahan ko kung ano'ng reaksyion ang dadaan sa kanyang mata. Inaabangan ko ng palalayasin niya ako.

        "Ash?" salubong ang kilay niya ng ulitin niyang sambitin ang pangalan ko.
       "H-hi ulit," nangingiming sagot ko.
      "Hindi dito ang opisina nina Ms. Evance."

        Marahan akong umupo sa harap niya. Bahala na, paninindigan ko na 'to.

      "Hindi naman ako nagkamali, dito talaga ako pupunta. M-magpapatingin kasi ako. Puwede ho ba?"
      "Ano na namang kalokohan 'to Sunshine?"
      "May masakit nga kasi sa akin kaya ako nandito."
      "At bakit dito? Empleyado ka ba?"
      "Oo naman!"
      "Kailan pa?"
      "Last week?"

       Natigilan si Em. Nawalan ng isasagot. Bakit gano'n? Parang hindi ko maramdaman na namiss niya ako?
Few minutes ay may kumatok. Akala ko nagawan na ng paraan ni Jeys na wala ng magiging pasyente ngayon si Em?

     "Hi," sabi ng isang lalaki na pumasok agad. Hmmm… guwapo siya. Biglang lipat agad ng atensiyon ni Em sa damuhong 'yon.
           
      "Oh Stan.."
     "Ahm… hindi ka kasi nagre-reply sa text ko. Nasa field kasi ako ngayon kaya gusto ko sana malaman ano'ng oras kita dadaanan mamaya?"

     Di ko inalis ang tingin kay Em. Sasama kaya siya? Sino ba 'tong Stan na 'to? Forty days lang ako nawala ah!
Tiningnan ni Em ang wristwatch niya atsaka sumagot.

     "Magkita na lang tayo ng seven?"
     "Okay see 'yah!"

      Tahimik na sinara ng lalaki ang pinto. Nagsukatan kami ng tingin ni Em. Dami kong gustong sabihin pero walang lumalabas sa bibig ko.

      "So Ms. Guevarra, ano ho ba ang masakit sa 'inyo?" Tanong niya. Saglit akong nag-isip at tinuro ko ang dibdib ko.
   
     "Dito po nurse, masakit ang puso ko. May gamot po ba kayo sa masakit kong puso?"
    
      Sumilay ang ngiti sa labi ni Em kaya't medyo gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko. How I long to see those sweet innocent smile. A familiar abnormal heartbeat happened again.

       "Stop with these nonsense Sunshine. Ano ba ang pakay mo?"
       "Di pa bang obvious na Ikaw?" Hindi siya nakasagot. Nagkusa na akong magkuwento.
       "Nagresign ako kinabukasan ng ibreak mo ako. You know the one month effectivity. About Jack, I'm sorry. Alam kong kahit ano'ng paliwanag ko, hindi mo matatanggap.
Kinausap ko siya ng masinsinan. Em, nakaraan ko si Jack, nakaraan kita pero ikaw ang present ko bago siya ulit dumating. Ikaw ang present ko na nanaiisin kong maging future na rin."

       "Bakit ka nagresign? Maganda na ang trabaho mo ro'n at…. Tahimik na rin ako dito."
       "Em please, nagsusumamo ako."
       "Shine, may mahalagang tao akong hinihintay ngayon. Bagong head sa Collection. Kaya please? Masyado mo akong binibigla, lagi na lang."
       "Yon pa ang isa kong hiling Em…"
       "Ha?"
       "Ako 'yung pasyente na 'yon."
       "Ang inendorse dito eh…. Tsan, Gimi."
       "Oo nga… Gimi A. Tsan. As in Give me a chance."

         Natawa na naman siya.  "Ikaw mga pakulo mo eh no? Kumuha ka pa ng mga galamay mo."
        "Eh sino naman 'yong Satan na 'yon?"
        "Ash, Stan. Hindi Satan, ano ka ba?"
       "Taray mo pa rin. Ako na lang date mo mamaya."
        "Puwede ba Ash? Tumigil ka? Ilang buwan kang walang paramdam tapos haharap ka sa akin at sasabihing idate kita ngayong gabi? Ano ba talaga tingin mo sa akin, ha?"
       "Em, alam mong hindi ako magaling sa mga ganito, kahit noon. Mga paraang Ash na alam kong all-out na pero hindi sapat. Tell me what to do Em. I want you back."
        "Hindi gano'n kadali 'yon. Umalis ka na lang muna. Hayaan mo muna ako, hindi pa ako ready pag-uspan ang mga bagay na sinasabi mo sa 'kin."
       "So may pag-asa na si Patient Tsan?"
       "Bahala ka na nga! Kahit kailan pasaway ka."

Hanggang Kailan Maghihintay?  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon