Chapter 8: This time?

1.5K 87 4
                                    

Ash:

    NAIWAN nga kami ni Em. Ang lahat ng bisita ay nasa labas na ng compound. Ako na ang bumasag ng katahimikan.

    "Tulog pa si Isha?"
    "Oo, kasama ang ama."
    "Aaah…sa'n na ba nakatira si Boyet ngayon?"
     "Sa bahay pa rin naman nila pero nagbabarko na kasi siya."
    "Ahhh.. Hindi ba siya kinukuha ng magulang ni Boyet?"
    "Di na rin kaya, matatatanda na rin."

Silence.

   "So kamusta ka na? Bukod sa single ka din until now?" tanong ni Em. Alam ko namang may idea na siya sa lovelife ko, sa daldal ba naman ni Rein. Ayoko na lang ulit ungkatin.

    "Okay naman. I can say na nakamove on na ako sa mga failed relationships ko. Hindi pa nga siguro time. Sa Dubai ako nagwowork. Nurse din gaya mo. Hindi ka na umalis ano?"

     "Di rin kinaya eh. Nagpaubaya na lang ako sa kambal. Pero hayan, wala pang dalawang taon, nabuntis si Yella. Ewan ko ba. Di naman nila responsibilidad si Mama pero aasahan ko pa ba siya eh magkaka-baby na rin siya?"

    "Ganyan talaga. Masuwerte lang sila, andyan kang ate nila."

    Maya-maya ay lumabas si Boyet ng kuwarto. Pinakilala ako ni Em at mukha ngang hindi ako namukhaan ni Boyet.

   "Ah Em.. Hindi na ako magtatagal. Maaga pa ang byahe ko bukas. Yung pandagdag para sa bata, naideposit ko na pala kanina sa account mo. Pagpasensyahan mo muna ha."

    "Okay lang. Alam kong nagsisimula ka rin lang."

    "Sige, ipaalam mo na lang sa nanay. Magpapaalam na rin ako sa kambal sa labas."

    "Sige ikaw bahala," sagot ni Em. Hindi niya iniwas ang mukha niya ng tangkaing halikan siya ni Boyet sa pisngi. Nag-iwas ako ng tingin, may kaunting kurot. Pag-kaalis ni Boyet ay tinabihan agad ako ni Em sa sofa.

    "Pasensiya ka na. Di ako nakaiwas."
    "Maycee… wala ka dapat ipaliwanag ano ka ba? Understood na 'yon. Tatay siya ng anak mo."
    "He never do that at wala kaming relasyon. Tatay lang siya ni Isha."
     "Why don’t you give him a chance?"
     "I tried naman pero wala eh. Kaibigan o kapatid lang talaga. Isang taong katulong kong magpalaki kay Isha. Ay saglit nga, puntahan ko muna si baby. Iiyak 'yon pag nagising na walang ibang nakikita."

    Sumunod ako kay Em. Tama nga na kagigising lang ni Isha at paiyak na. Mother's instinct nga talaga.

    "Pa'no yan Em? Ano'ng oras pa 'yan ulit makakatulog? Eight-thirty na?"
    "Mga ten siguro gano'n. Aantukin din 'to agad."

     Sabay kaming napalingon ng pumasok ang tagapag-alaga ni Isha.

    "Ate, ako na kay isha. Tawag ka na ho nina Ate Allie sa labas."

     "O sige. Naka-ayos na 'yung mga dede niya sa kusina. Dito ka na lang din muna magstay. May mga naninigarilyo na kasing mga bisita sa labas. Masama sa bata."
     "May sakit siya Em?"
     "Minsan inaatake kasi ng asthma 'tong tabachinang 'to. O sige na Day, buksan mo na lang sa Disney Junior."

   Palabas na kami ng kuwarto nang pumasok naman si Allie. "Ano ba mga beshies? Tara na, nagsalang na ako ng mga kanta sa labas. Readyng-ready na si Rein sa labas. Hinahamon na nga ni Leila."

    "Leila? Pano naman napunta si Leila dito?" pairitang tanong ni Em.
    "Eh nakita ko na lang kasama ni Yella eh."
    "Baka naman buong baranggay inimbita nila? Magsara na nga kamo ng gate!"
   "Galet ka te? Highblood?"

    Lumabas na nga kami ng kuwarto at naiwan si Isha at Yaya Dayen. Naabutan naming patapos ng bumirit si Leila ng I don't Wanna Miss a Thing. Pambato lagi ng baranggay namin si Leila noon sa mga fiesta eh.

      Inaya kaming umupo bandang gate ni Allison. "Dito na lang tayo para maharang ko ang papasok at nagagalit ang may-ari ng bahay."

   "Baliw ka Al," sabi ni Em. "Ikaw na nga kumanta do'n at sawang-sawa na ako sa boses ni Leila."

   "As you wish."

   "Basta  huwag ka lang bumirit at baka mapaanak ka ng di oras," biro ko.

     She started to sing as my heart keeps on beating abnormally. Bigla akong nailang dahil katabi ko si Em.  Pumunta harap si Allison at kinuha ang mic.

    "Mga kabaranggay!" simula niya.

    "Gusto ko lang icongratulate muna sina Yella at ang mapapa-ngasawa niya. At sana, healthy ang magiginng baby niyo. Di pa ako nanganganak may kalaro agad anak ko, hahaha!
Gusto ko rin iwelcome ang mga mahal na mahal kong kaibigan. Im happy to see you Rein after three years at salamat sa pagdalaw lalo na kay Ashang! Ash I love you!"

    Napangiti ako sa sinabi ni Allison. Si Al ang joker sa 'ming apat at bihira 'yan mag-express ng feelings.

    "Sana magstay ka pa dito kahit ilang araw dahil miss na miss kita, hahaahh! So… kakanta na ako. Alam kong umay na kayo sa min ni Leila pero gusto kong kumanta eh, bakit ba? Ang kakantahin ko ay…. Basta. Wala lang, gusto ko lang kantahin 'to."

    Nagtawanan kaming lahat. Nagsimula ang music. Hindi ko alam kung nang-iinis lang talaga itong si Allie. Kakalbuhin ko 'to eh.

   She started to sing as my heart keeps on beating abnormally. Bigla akong nailang dahil katabi ko si Em.

             "Maybe This Time"

Two old friends meet again, Wearin' older faces
And talk about the places they've been

Two old sweethearts who fell apart somewhere a long ago
  ♫ How are they to know
Someday they'd meet again
And have a need for more than reminiscin' ♪

-------

   "Parang nananadya si Allie ah," bigla kong nasambit. Umaakma kasi yung lyrics eh. Sumagot si Em ng "Oo nga eh, baliw talaga 'yan."

   ♪Maybe this time, It'll be lovin' they'll find
    ♪Maybe now they can be more than just friends….
    ♪ It's the same old feeling back again
     It's the one they had way back when

     They were too young to know when love is real ♪

-------

      Oo tama ang kanta. Sa part na bata pa kami ni Em noon para masabing tunay 'yung pagmamahalan namin. Same old feeling? Hindi ko alam.
Basta masaya lang ako na nakita ko sya at makakasama sa mga araw na nandito ako sa Mindoro.

    ♪ ♫ But somehow, some things never change
    And even time hasn't cooled the flame ♪
    It's burnin' even brighter than it did before ♪
    ♪  It got another chance, and if they take it…♫

  ♪   Maybe this time ,It'll be lovin' they'll find
    Maybe now they can be more than just friends
    She's back in his life,  and it feels so right
    Maybe this time, love won't end ♪

 -----

    Natahimik kami pareho ni Em matapos ang kanta ni Allison. Tumagos sa akin ang kanta.

   Maybe this time? Hindi ko pa naiisip ang bumalik. Masyado pang maaga para sabihin.

   Maybe this time that we’ve grown older at kaya na naming magdesisyon para sa sarili namin?

   She's back in my life? Back nga ba para ipagpatuloy ang nakaraan o huwag naman sanang back in her life para saktan siyang muli?

*********************************

Shan
July 22, 2017

Hanggang Kailan Maghihintay?  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon