HANGGANG KAILAN MAGHIHINTAY?

1.3K 67 8
                                    


MAYCEE'S POV:

     HINDI ko maintindihan ang sarili ko kumbakit ako nagkaganito. Hindi ko naman na pinansin 'yung kay Alora, pero no'ng nakita ko 'yung status no'ng Jackie, nag ngitngit ako.
Tapos malalaman ko pang nasa kotse siya ng a certain Eric?

     Pero bakit nga ba ako nagrereact? As if naman dapat kong pakilaman ang buhay niya? Sino nga ba naman ako? Dakilang ex lang naman na nakita niya after thirteen years. Haaay! I acted so childish. Kainis! Assumera na, demanding pa eh wala namang karapatan.

    Lumipas ang maghapon na off ang cellphone ko after kong makausap ang anak ko. Inaamin kong nagseselos ako. Saan ba? Sa mga nakaraan ni Shine na wala naman akong kinalaman? Kaya ko bang makipaglapit sa kanya kung maya't-maya para akong nawiwindang kung sino na naman ang kasama niya? Karapatan ko ba?

     Hindi maganda 'tong nangyayari sa akin. Masyado lang ako na-overwhelm.

    Ginawa ko ang mga dapat gawin sa maghapon. Kahit mabigat ang pakiramdam ko  ay tinapos ko lahat ng chores. Hindi ako kasi mapakali ganitong hindi kami maayos ni Shine. Pakiramdam kong may kulang sa akin.

    Maaga akong nahiga sa kama. Hawak ko lang ang cellphone ko at nagdadalawang isip kung magla-log in sa messenger. Deep inside I know I need to talk to Shine so after ten minutes in battling with myself, nag log in ako.

      I saw her online. Wala rin siyang private message. Ano kayang nasa isip niya? Galit na ba siya sa akin? Ang gaga ko kasi! Naghintay pa ako ng ilang minuto. Bakit kaya hindi rin siya nag ppm? Hmpf, baka may kausap na naman "to? Alin? Isa sa tatlo kanina o bago na naman?

     Haaay! Ito na naman ako parang tanga! Naghintay pa ako ng ten minutes at medyo inaantok na ako. Naisip kong mag Pm na lang to say goodnight. Teka, tama ba 'yun? Matapos ko siyang babaan kanina, goodnight lang sasabihin ko kaya ako nag message?  Tsk! Bahala na nga!

    "Ash…"

      Walang limang segundo ay nagreply agad siya. "Sinong Ash?"

      Natigilan ako sa nabasa ko. Obviuosly, parang may ibang tao ang may hawak sa cp niya. Kaya pala, kaya pala kanina pa ako nakatambay eh hindi niya ako napapansin.

      Nagdalawang isip ako kung sasagot ba ako. Hmmm.. Iba naisip ko. I decided na ivideo call na lang pero hindi naman niya sinasagot. Bumilis ang tibok ng puso ko. Sino na naman may hawak ng cp niya? Knowing na alam niyang AKO lang ang tumatawag sa kanya ng Ash.

    Naiinis kong nilapag ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko. Di naman nagtagal ay nagvibrate as a call. Si Ash.

    "Hello Em…." pabulong niyang bati.
    "Hmmm?"
    "Tulog ka na ba?"
    "Kung tulog ako, di ko 'to nasagot."
    "Okay, rephrase. Matutulog ka na ba?"
    "Hindi pa."

     Bumangon ako at sumandal dingding sabay lagay ng unan sa lap ko. Tumitibok ang puso ko ng mabilis pero nagpaka-kalma ako.

    "Ah okay… "

   Patlang.

   "Em…"
   "Hmm?"
   "Galit ka pa rin ba?"
   "I'm sorry. Alam kong hindi dapat." ( at hindi porket nagpahalik ako sa 'yo before ay may right na akong makaramdam ng ganito.)

   "Sorry. Hindi ko mean na ma-felt bad ka. Promise Em, wala --- "

   "Sssssh… I know. Wag mo ng ituloy at wag na lang nating pag-usapan."

   "Nakita ko 'yung pm mo kanina. Pamangkin ko may hawak ng cp ko. Nainis nga ako at kinalkal, nanahimik. Natuwa nga ako ng nag pm ka."

   "Okay."
   "Alam ko kasing pag naiinis ka at makikipag-usap ako, mas naiirita ka."
  "Good."
  "Good? Are we good?"
  "Hmmm… why not?"
   "Uhmmm… antok ka na ba?"
   "Nagpapa antok."
   "Gusto mo ng ibaba ko?"
  "Puwede para hindi magastos. Lagi mo na lang ako tinatawagan."
  "Aaah… Videocall can we?"
  "Okay."
  "Okay wait lang. Sige bye na muna."

Hanggang Kailan Maghihintay?  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon