Chapter 7: Reasons

1.6K 90 20
                                    

EM'S POV:

Nakatingin lang ako sa kalangitan at pumikit. Sa isang iglap, bumalik na naman ang isang tagpo sa nakaraan namin ni Ashang. Hindi pa kami noon pero nararamdaman ko ng may gusto sa kanya si Leila. Feel mo naman kapag ang isang tao ay kaibigan lang ang turing sa 'yo o higit pa.

I can sense that dahil babae rin ako. Alam kong that time ay nakarating kay Leila ang balita na kami na ni Ash no'n and yet, hindi siya tumigil ng pagdikit-dikit sa girlfriend ko. No'ng time na naiirita na ako at di ko na nakayanan ay kinausap ko si Ash sa sulok ng library.

"Ano ba Ash? Sinabi ko naman sa 'yo na naiirita ako kay Leila. Bakit ba away mo pa siyang iwasan?"
"Eh pano ko nga iiwasan? Magkagroup kami, kailangan naming matapos ang research na 'yon. Wala ka bang tiwala sa akin Em?"
"Sa kanya wala."
"Mahal na mahal kita Em, alam mo 'yan. Trust me okay?"

Tiniis ko ang mga araw na nakikita ko silang magkasama kasama ang iba niyang kagroup. May time nga no'n na gusto ko na silang sugurin sa bahay ni Leila kasi baka hinahalay na siya.

Oo, gano'n ako kapraning pagdating kay Ash. Trust daw so I trust my instinct. Tinantya ko ang oras at ng mafeel kong patapos na ang groupwrok nila ay lihim akong nagpunta kina Leila.

Kunyari ay may bibilhin ako sa tindahan nila. Hindi ako nagkamali. Nakikita ko mula sa labas na may pini-paint sila sa illustration board at sobrang dikit na dikit at halos isubsob na ni Leila ang dibdib niya sa mukha ni Ash. Nakaupo kasi si Ash sa sahig at si Leila nama'y nakaluhod sa tabi niya. Isang lingon lang ni Ash ay paniguradong tatama sa utong ni Leila ang labi niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Nilalandi na eh! Kumatok ako sa pinto nila at tinawag si Ash.

"Ano'ng oras ka ba mananatili dyan?"
"Em ang lakas ng boses mo, hinaan mo nga."
"Umuwi ka na, sumama ka na sa 'kin."
"You're being unreasonable. We need to finish this."
"Finish that o tayo ang magtatapos?"
"Em...."
"Ano?"
"Em... ano ba 'yan? Si Leila pa rin?"

Tinawag ni Leila si Ash mula sa likuran. "Ash, lika na." Tinignan lang ako ni Ash at nagkamot siya ng ulo. "Sige na Em, please? Usap tayo after nito."

That night ay umuwi akong masama ang loob. Mula noon ay hindi ko na inungkat ang tungkol sa kanila. Pinuntahan niya ako sa bahay at tinanggap naman nya ako ulit.
Alam ko naman kasi ako ang may kasalanan. Mahal ko lang siya ng sobra kaya sobra din ako magselos.

-----

Bumalik ang diwa ko sa ngayon nang marinig ko ang boses ni Rein. "Em, ano'ng ginagawa mo dyan?"

"Ha? Bigla lang kasi sumakit ang ulo ko. Napagod na. Ganito talaga pag pawala na sa kalendaryo. Sumasakit na mga kasu-kasuan."
"Ako nga rin eh. Minsan nga maglaro tayo ulit ng volleyball katulad dati."
"Nye, di kaya magbreak mga bones natin nyan?"
"Hehe! Kamusta ka na ba?"

"Ako pa rin 'yung dati. Nadagdagan lang ng anak. Hindi madali pero at least for now, I have reason to open up my eyes every morning."

"At least diba? Kayo ni Allie. Kami ni Shine, heto, single pa din."
"Single? Ikaw oo pero diba si Shine engaged na siya? Three years ago?"
"Pano mo nalaman? Wala ka namang Fb?"
"Meron dati pero closed na ngayon. Ano nangyari sa kanila?"

"Aah... eh ayun! Pinagpalit sa lalaki. Gusto raw magka-pamilya ng normal. Shine was so devestated kaya. Struggle 'yon ah. Pero mukha namang tanggap naman na niya eh."

"Ah iniwan pala siya."

"Naku! Iniisip nga no'n nakakarma siya dahil iniwan ka nya no'n. Ooooops," sabi ni Rein at mabilis na tinakpan ang bibig niya.

Hanggang Kailan Maghihintay?  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon