Chapter 23: Mahal

1.2K 63 10
                                    


SHINE'S POV:

     HINDI ko naman talaga inaasahan na sasagutin ako ni Em, I mean not this soon. So sino ba naman ako para tumanggi?

      Walang pagsidlan ang tuwa ko kaya ako naiyak, sobrang saya ko. Ang sad part lang ay 'yung malayo kami sa isa't-isa. 'Yung tipong gusto ko siyang buhatin at iikut-ikot atsaka pupupugin ng halik sa mukha, at yayakapin ng mahigpit. Nagkasya na lang ako sa pagtingin sa screen at hindi na ako kumukurap masilayan lang din ang mukha niyang maganda.

   "Em… seryosohan 'to ha. Wala ng bawian."
   "Loka!"
   "Mahal mo ba ako talaga? Di naman ako namimilit."
   "Oo, Ashang… Mahal kita," sagot niya ng nakangiti. Abot tainga ang ngiti ko sa kilig.

   "Namimilipit ka na sa kilig ano?"
   "Heheheh! Oo, sobra! Parang gusto ko ng umuwi agad sa Pilipinas."
    "Sira! May trabaho ka. Atsaka ano ba sabi ko eversince? Wag tayong magfocus masyado sa isa't-isa dahil hindi lang tayo ang nasa paligid.
And one thing Ash, iba noon, iba ngayon. May anak ako at… natatakot din akong hindi maibigay ang nararapat na para sa'yo."

     "Em, nauunawaan ko yon. Let's just take one step at a time."
     "Yeah tama. Atsaka oy! Ikaw ah! Ayoko na 'yang mga extra curricular mo. Bahala ka."
     "Grabe naman Em! Wala pa nga tayong isang oras mag nobya, militar agad?"
     "Follow the rules, or else…"
     "Opo, opo, opo. Behave naman po ako."
     "Siguraduhin mo lang. Pag ako may nahuli sa 'yo, kakalbuhin ko kayo pareho."
     "Warfreak bebe ko?"
     "Hindi ako warfreak! At anong bebe? Tumigil ka nga, baduy mo! Para kang bagets, tanda tanda mo na."
     "Bakit? Young at heart? Eh ano itatawag ko sa 'yo?"
    "Em.. Pangalan ko. Sweet naman ah."
     "Pa'no naging sweet yon?"
    "Em.. Letter M.. Start ng Mahal kita."
    "Hahahahah! Ikaw ang baduy eh!"
     "Sige na Shine, tumatawag sa isang phone ko si Isha. Mamaya na lang."
     "Okay… I love you."

   Ngumiti lang si Em. Hindi siya nag Iloveyou back. :(

_____

    Kinabukasan ay nag-paalam si Jackie na hindi siya uuwi. Hindi na ako nag-urirat saan siya nagpunta. Wala naman sa akin na nagma-gandang loob akong patirahin siya.
Kung kaya namang tumulong why not?

   Pumasok ako sa work at umuwi rin ng magaan ang pakiramdam. Halos maghapon kaming nagbabad sa video call ni Maycee. Biglaan ang off niya at ako nama'y magaan lang ang schedule. Masaya ako, sobrang saya ko.

     Pinangako ko sa sarili ko na aalagaan ko ang second chance na binigay sa akin ni Em. Hinding-hindi ko siya bibiguin at sumumpa na akong siya lang ang tanging babaeng gusto ko ng makasama habang buhay.

     Bago umuwi ay nag-grocery muna ako. Lulutuin ko ang paborito niyang kalderetang butu-buto. Kahit ipakita ko lang sa kanya na nagluto ako at makita siyang ngumiti, enough na 'yon. Matapos kong magluto ay tinawagan ko agad siya sa Viber.

   "Hi Mahal!" Bati ko. Luminaw na siya sa screen. Alas tres ng hapon sa kanila at saktong afternoon breaktime naman niya.

   "Mahal?"
   "O diba sabi mo Em? Start ng Mahal kita? Ayaw mo namang patawag ng bebe, babe, biebie… Eh di yan lang?"
   "Hmm… sige na nga."
   "O asan ka? 'La patient?"
   "Eh, eto pagod, pawis."
   "Maganda ka pa rin Shine."
   "Parang hindi naman."
   "Di kaya…"
    "Charot!"
    "Baliw! Kahit naman noon diba? Lagi kong sinasabing maganda ka, ayaw mo lang maniwala. Atsaka, pawis ka na't lahat, ikaw na mukhang fresh pa rin!"

    "Whatever."
    "Eh bakit nga ba? Nag jogging ka ba?"
    "Eh… nagluto ako ng ribs caldereta."
    "Wowww!!! Hala! Fave ko 'yan! Daya!"
    "Se-celebrate ako kasi sinagot mo na ako."
    "Di ko naman matitikman, hu! hu! hu!"
    "Pag-uwi ko Mahal."
    "Bet ko 'yan, mahal. Parang totoong mahal na mahal mo ako."
    "Hmmm… ano naman 'yan? Wag mo akong pagdudahan Em, I love you."

Hanggang Kailan Maghihintay?  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon