MAYCEE'S POV:
PAGDATING sa kitchen pina-upo ko muna si Shine. Binuksan ko ang ref at hinanap ang cake. Hinalughog ko na pero bakit parang nawala? Sinara ko na ang ref at bumaling na kay Shine. "Sorry Ash, nawala eh. Ah…"
"Okay lang, busog pa naman talaga ako eh."
"Ah okay… so tara, do'n na tayo. Pasensiya ka na slipper, tsinelas ko pa 'yan sa probinsiya."
"It fits naman eh. Diba nga dati, advantage 'yon na magka-size tayo?"
"Hehe, oo nga. Tara, do'n muna tayo. Mas comfy do'n sa salas."Bumalik kami ng salas at umupo ng magka-tabi sa sofa. Nando'n pa rin ang pamilyar na kuryente sa tuwing nagda-daiti ang mga legs namin.
"Ano'ng oras kaya titila ang ulan? Hindi ko sure kung bumabaha rito eh," sabi ko habang sinisipat ang ulan sa labas ng bintana. "Okay lang kaya 'yung kotse mo ro'n?"
"Hamo 'yon, okay lang 'yon do'n. Ano'ng oras na ba?"
"Magte-ten na. Gusto mong dito na matulog?" (Sa wakas! Nasabi ko rin! )
"Ha?"
"Ay! Kung sakali lang na hindi tumila ang ulan at mahirapan kang umuwi, kasya naman tayo siguro sa kama ko?"Hindi kumibo si Shine. Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Napaka desperada ko na talaga.
"Naku hindi na, makaka-abala pa ako. Hintayin ko na lang tumila, I can manage."
Napansin kong parang maluha-luha siya at malamlam na ang mata. Sinalat ko ang leeg niya. "Mainit ka Ash. Mali yata 'yung binigay kong gamot. Teka, magtatanong ako sa iba kong kasama."
"Wala, lagnat-laki lang 'to."
"Eh ba't ka ba kasi nagka-ganyan?"
"Ang hot mo raw kase."
"Ash!"
"Joke lang, ito naman."
"Puro ka biro! Dito ka na matulog. May sinat ka na. Ano pa mangyari sa 'yo sa daan."
"Maabala kita. Malikot akong matulog diba? Ikaw ang hindi mapapahinga. Ayos lang ako."
"Hay naku! Tara na, pumasok ka na sa loob."Pagpasok sa loob ng kuwarto ay pinahiga ko na muna siya sa kama ko at nilagay sa ilalim ang hinubad niyang tsinelas.
"Ash, dyan ka lang muna ha, saglit lang may kukunin lang ako."
"Okay."
Lumabas ako ng bahay para bumili ng extrang gamot kay Ash. Mukhang hindi pa titila ang ulan na 'to. Well, salamat Ulan! Makakasama ko ang mahal ko.
Pagbalik ko ng kuwarto galing tindahan ay tulog na si Ash. Nakapikit siya pero sa galaw ng talukap niya ay parang hindi pa siya totally tulog.
Hindi naman bawal sa apartment namin ang may makitulog kaya okay lang naman.Mabilis akong kumilos ng routine ko, brush teeth, shower etc. Kinapa ko ang noo ni Ash, medyo bumaba na ang temperature nya. Kinuha ko ang extrang kumot na baon ko at isang unan sa gilid ni Ash. Sa lapag ako natulog dahil single lang talaga ang kama ko.
Pabaling-baling ako. Alas dose na ng gabi at ang diwa ko ay na kay Ash lang at sa nagdaang araw kanina. Bakit kaya kami nagkita muli? Bakit kaya pinag-adya ng tadhana na magkrus ang landas namin ulit? Hmmm. .. Dibale na, aalis din naman siya so carry lang. Papikit na sana ako nang marinig ko siyang parang umuungol.
"Emm…..Emmmm…" bumalikwas ako at tiningnan siya. Tinatawag niya ako pero naka-pikit pa rin siya.
"Eeeemmm…." Bumangon ako at tumabi na sa kama. "Ash…. Ash…" bulong ko sabay hawak sa kamay niya. Unti-unti siyang dumilat.
"Nandito ka?" tanong niya na alalang-alala.
"O-oo, andito ako. Nanaginip ka Ash." Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Dinama ko ulit ang noo niya, okay naman na kumpara kanina.

BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan Maghihintay? (Completed)
RomansaGxg ( june 2017-Apr. 2020) A typical "Maybe this time" story. They were separated when they were young. Thirteen years had passed, they met again. Is there a chance to start the fire or will they just leave things as it used to be?