SHINE'S POV:
Alam kong maraming tine-take consider si Em sa ngayon. I just don't wanna lose her and I don't know the right things to do. Masyadong kalat ang isip ko at di ko alam paano ko siya mapapanatili. I'm so afraid to lose her.
For a week, medyo naglie-low muna ako at nagfocus sa trabaho. Kung puwedeng mas maaga akong makapag resign, mas maigi at ng makauwi na ng Pilipinas.
One Friday night ay pina-unlakan ko ang paanyaya ni Jackie over dinner sa place niya.
"I'm glad you came Shine," bati niya sa akin pagbukas ng pinto. Dalawa lang sila sa unit ng condo na sagot ang kalahati ng kompanya nila.
"Hmm…. Nice place. Asa'n nga pala 'yung kasama mo?"
"Bukas pa ang dating, upo ka muna."
Umupo ako at nilibot ang kabuuan ng unit nila. Sakto lang sa dalawa, simple, malinis at maaliwalas. I'm sure, inayos ito ni Jackie. Medyo OC kasi 'yang babaeng 'yan. Iniwan niya muna ako sa salas habang tinatapos niya ang paghahain sa dining. Habang nando'n siya ay sinilip ko ang Fb ni Em.
Wala namang bagong post bukod sa nakatawang picture ng baby niya na may caption na "My inspiration."
Ako kaya? Insipirasyon din niya? Ah maybe… :)"Shine, tara kain na tayo," tawag ni Jack. Do'n lang ako natigil sa pagbrowse ng Fb. Tumayo ako sumunod sa kanya sa dining.
"May red wine akong dinagdag. Di kita aaying uminom baka sabihin mo ang bad ko, haha."
"Sus! Alam kong good girl ka na. Ilang taon na nga ang anak mo?"
Sinandukan niya ako ng kanin sunod ang niluto niyang piniyahang manok. Alam niyang isa sa paborito kong ulam 'yun.
"Yan, kumain ka ng marami para tumaba ka. Namayat ka kaagad dito."
Sumubo na rin siya. Narinig niya kaya 'yung tanong ko? Nakaka offend ba? O baka namimiss niya kaya ayaw niyang pag -usapan? Kumain na rin ako pero bigla naman akong nailang.
"Don't you think, may purpose kumbakit tayo nagtagpo ulit?" Basag niya ng katahimikan pero ikinagulat kong tanong.
"Sa tingin mo ano ba?" pinatulan ko ang tanong niya.
"Forgiveness?"
"Matagal na kitang napatawad Jack. Naka move on na ako sa ating dalawa. Walang sense kung mamumuhay pa tayo sa nakaraan. Ako naman 'yung lalaban pero kung di ka na masaya noon, wala akong magagawa."
Uminom siya ng wine, komportableng sumandal sa upuan bago nagsalita.
"Kinasal ako Shine, nabuntis but I lost the baby," dinig ko ang pait sa sinabi niya. Natigilan ako sa pagsubo at tinitigan ko siya.
"I'm sorry."
"Nagkaro'n ako ng komplikasyon. After no'n, nag try ulit kaming magka baby. Masyado siyang desperadong mag kaanak. Palibhasa'y chinese, gusto niyang sa kanya manggaling ang unang apong lalaki. Eventually, di na ako maaaring magka anak pa. Nagdivorce kami at may asawa na siyang bago. Nagpalipat lipat ako ng bansa para ubusin ang lakas ko, para makalimot. Ito na yata 'yung karma ko dahil iniwan kita noon. Hindi ako nakontento at naghangad ng iba."
"Jackie, sumama ang loob ko, oo pero I'm sure hindi naman dahil sa naghiwalay tayo bakit gano'n ang kinahinatnan ng relasyon niyo."
"Maybe, itong Dubai ko, last na 'tong pangingibang bansa ko. Pagod na rin ako. Gusto ko lang ulit humingi ng tawad."
![](https://img.wattpad.com/cover/111205844-288-k384293.jpg)
BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan Maghihintay? (Completed)
RomanceGxg ( june 2017-Apr. 2020) A typical "Maybe this time" story. They were separated when they were young. Thirteen years had passed, they met again. Is there a chance to start the fire or will they just leave things as it used to be?