Chapter 38: Magsimula na

1.1K 55 0
                                    

Ems:

       Kinabukasan ay mabigat ang pakiramdam kong gumising. Nagkaro'n kasi ako. Nagtaka ako nang wala si Isha sa tabi ko. Pagtingin ko sa wallclock ay 9:35 na ng umaga.
Inisip ko na bakit di ako nag-alarm? Wala pala kong schedule sa tindahan ngayon. Pero nasa'n ang anak ko?!

     Lumabas naman ako ng silid ng di nagpapanic. Early riser naman ang anak ko at malamang kasama na ni Yella sa kusina 'yong bata.

    Pupungas-pungas pa akong lumabas at nagpusod ng buhok.  Di naman ako nagkamali. Kumakain na si Isha ng cereal.

     "Goodmorning Sis," sabi ko ng di binabalingan ang babaeng nakatuwad sa ref at may hinahanap.

      "Ba't ka nakabihis? Diba si insan tatao ngayon do'n?" Tanong ko habang nasa tapat ako ng lababo at nagmumumog. Sinara nya ang ref at sya namang pihit ko sa direksiyon nya.

    "Ash!!" Laking gulat ko. "A-anong ginagawa mo rito?! Si Yella asa'n?"
     "Hot mo babe.." saka nya sinipat ulo ko hanggang bewang. Saka ko naalalang nakapantulog pa ako at walang bra.
     "Bastos mo po."
     "Tsk tsk! Mula noon sabi ko wag lalabas ng walang bra."
     "Malay ko ba?! Ano? Bakit nandito ka? Sa'n yung isa?"

      Humila siya ng upuan at sumenyas na umupo na ako. Nahalina naman ako sa tuyo at sinangag sa hapag.

    "Sige na, mag-almusal na muna tayo," umupo sya sa tabi ko at pinagsilbihan ako. "Magsisimba raw si Yella. Sinundo ni Garry."
    "Garry?"
    "Manliligaw nya siguro."
    "Ah oo nga si Edgardo. Bakit di nya ko ginising?"
    "Pagod ka raw. Hamo na sya magkalovelife. It's time na for her. Ayaw mo ba ko makasama?"
    "Wala ka bang trabaho?"
    "I have my people. My day is for you and Isha."
    "You don't have to do this."
    "But I want to... at di mo ko mapipigil. You know me."

      Matapos kumain ay hinayaan ko na sya sa kusina. Gusto nya yan e. Inasikaso ko na ang anak ko at susunod kami sa alas onse na misa. Paglabas ko ng kuwarto ay nagulat ako ng nakabestida na si Ash.

     "Bilis mo magbihis ah?"
     "Sasama ako magsimba."
     "Mukhang pinaghandaan mo talaga 'to ah?"
     "Iba na ako ngayon, handa na ako. Good  girl pa, he! He!"

      Sa kotse nya kami sumakay at umupo sa likod since may bata. Inaamin ko na masaya akong nandito sya. Slowly but surely. Sana nga hindi na ako magkamali kung tanggapin ko sya uli.
    
    Sa simbahan ay tahimik lang kaming tatlo. Pormal naman si Isha. Gitna nila akong dalawa. Taimtim akong nanalangin. Hiniling ko na bigyan ako ng maayos na pag-iisip sa pagdedesisyon sa pagdating ni Ash.

    Paghudyat ng Our Father ay naghawakan ng kamay. Naiilang man ay sabay kaming naghawak ni Ash. Ramdam nya siguro ang tensiyon kaya't banayad niyang pinisil ang palad ko. Bumilis ang tibok ng puso. Siya pa rin... siya pa rin. Matagal na panahon ding nangulila ako sa presensiya niya, sa hawak nya. Pagdating naman ng peace be with you ay matamis syang ngumiti sa akin. Peace - I am indeed at peace being beside her.

     Paglabas ng simbahan ay inaya niya kami maglunch. Halos hindi mo sila mapaghiwalay sila ng anak ko.

    "Dito na tayo maglunch sa Mcbhee, bago lang ito pero super sarap ng lechong kawali. Pati manok, super crispy. You like chiken baby?" Tanong niya kay Isha. Tumango lang ang anak ko. Hindi pa siya masyadong matatas mangusap. Gusto nga nila ipacheck up ko na pero sabi ko naman may kanya-kanyang development ang bata. Nagsasalita naman siya pero pigil pa ang kulit especially bago ang mukha ni Ash na nakakasama niya.

     "You want icecream? Ano'ng flavor? Chocolate?" Tumango lang uli si Isha pero this time nakangiti na siya.

    "Sa chocolate at fries mo mahuhuli ang batang 'yan."
    "Ah okay sige baby, sa resort ni Tita masaaaarap ang fries. Then you want to go swimming?"

Hanggang Kailan Maghihintay?  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon