Chapter 12: What will I do?

1.4K 84 7
                                    

EM / MAYCEE'S POV

    "Sure ka bang hindi na tayo magbabaon ng food?" Shine asked.

    "Ikaw gusto mo ba?"

      Saglit siyang nag-isip. Noon kasi mas gusto niyang busog na kami bago manood ng sine para pagdating do'n ay kamay ko na lang ang hawak niya.

    "Ahmm…zagu you want?"
    "Malamig naman. Chips chips na lang d'yan tsaka water or anything."
    "Okay wait, hintayin mo ako dyan."
    "Sama na ako, ano ka ba."
    "Okay fine tara," sabi niya at muntik na niyang hawakan ako pero nag-alangan siya. Sumunod na lang ako sa kanya.

    "Sandwich hotdog?" she asked habang nakatuon ang mukha nya sa menu sa taas ng counter.

    "Nachos na lang?"
    "Sige. Ayaw mo talaga ng heavy ah."
    "Busog pa kasi ako."
    "Okay po."

     Pagkabigay ng order ay nagkusa na akong kunin ang inumin at siya na ang humawak ng nachos. Pumila na kami.

     "Ticket po Ma'm," tanong ng nasa entrance.

    "Ay Em nasa bulsa ng polo ko. Pakikuha na lang," pakiusap ni Shine. Hawak kasi ng dalawa niyang kamay 'yung nachos. Nag-alangan pa akong kunin kasi tatama ang kamay ko sa boobs niya pero no choice. Maingat kong pinull-out ang ticket at para akong nakuryente ng nadampian nga ng kamay ko ang dibdib niya.

    "Here," abot ko sa lalaki tsaka kami pinapasok. Umupo kami sa balcony at pansin ko agad na karamihan ay lovers ang mga nanonood.

    "Kainin na kaya natin 'yan?" Suggestion ko. Nilapag niya ang bag namin sa sahig, sa tapat namin. Sinuksok namin ng sabay 'yung drinks namin sa armrest at tahimik na kumain ng kumain habang pinapanood ang mga commercials bago ang palabas.

     "Em o, bawal daw ang bumili ng pirated. Hinuhuli."

    (Eh bakit ako? Pinirata mo ang puso ko noon, hindi naman kita nahuli? Bilis mong tumakas noon eh!) - (Oh, humuhugot ka te? - sabi ng konsensya kong mahadera, hmpfs!)

     "Naku di naman na ako mahilig sa mga dvd na 'yun mula ng mawala ka." ( PPrrrt…. Naku, di ako nakapreno, tsk!)

     "Ito naman," sagot lang niya.

     Maya-maya ay nagsimula na ang movie at eksaktong tapos na akong kumain. "Di ka pa rin nagbabago Ash, bagal mo pa ring kumain 'no? Dinadasalan mo ba talaga pagkain mo?"

   "Hehe! Ninanamnam ko pa," sagot niya sabay ngiti sa akin. Ash naman, tigilan mo ng ngumiti susko! Isa 'yan kumbakit ako naattract sa kanya, 'yung ngti nya. Huminga na lang ako ng malalim at tinuon ang mata ko sa palabas.

    "Grabe namang lamig dito. Di naman siguro dapat ganito kalamig," puna ko.

    "Sakto lang 'yan. Sa atin kasi hindi ganito. Masasanay ka rin."

   Ano daw? Saan? Lagi ba kaming manonood? Eh aalis na siya? ( Baliw! Masasanay ka rin sa sinehan sa Maynila pero di ibig sabihing magdedate kayo lagi ni Shine! Asa ka 'te?)

     Ang konsensya ko, sabatera ano? Bakit pa kasi pati konsensya ko sumama-sama pa at di na lang nag-paiwan sa Mindoro!

    Tahimik lang kaming nanood at pinipigilan kong manginig sa lakas ng aircon. Sabihin ni Ash ang arte-arte ko. Nagfocus ako sa movie. Nu'ng di ko na mapigilan ay kinurus ko na ang braso ko sa tapat ng dibdib ko. Maya-maya ay napansin kong gumalaw si Ash.

     Nagulat ako ng itinaas niya ang armrest sa pagitan namin. Ay! Ang galeng! Natataas pala  'yon?! Pero bakit niya ginawa? Di ko siya pinansin. Nakita ko sa gilid ng mata kong nakatitig siya sa akin. Bigla akong nailang. Nilingon ko na siya.

Hanggang Kailan Maghihintay?  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon