Chapter 18: Haba ng Hair

1.2K 65 12
                                    

     May mga salitang kahit paulit ulit         mong sabihin... hindi na kayang      baguhin ang kasalukuyan.

      Mga salitang dadating ang oras na Nakasanayan mo na lang sabihin...
At hindi na nararamdaman.

Shan.
Dec. 7, 2017

------------------

SHINE'S POV:

   Ang sakit ng ulo ko pag gising ko. Nagising ako sa kuwarto ni Alora. Walang nangyari sa amin at hindi ko hinayaang may mangyari sa amin kahit alam kong medyo nakainom na ako.

     Pilit kong pinagtatabuyan si Alora, nurse din siya sa ospital na pinag-tatrabahuhan ko pero ibang floor siya. Marami kasi kaming common friends at marami rin kaming galing Pilipinas na bumalik ng Dubai kaya nagkaro'n saglit ng get together.
Oo, natulog kami sa iisang kama ni Alora pero nagwalk out din ng hindi niya ako napakinabangan. Nagbago na kaya ako.

      Kahit walang commitment sa pagitan namin ni Em, feeling kong committed na rin ako… Ang maging maayos na ako, ang ako na deserving para kay Em, ang Ako na maipagmamalaki na niya. Feeling ko nagtataksil ako sa kanya kung sakaling bumalik na naman ako sa mga ka-fling-an na 'yan.

    Pag-gising ko ay nag aalmusal na si Alora at nagpaalam na may biglaang duty. Mabait naman si Alora, hindi lang niya naitago kagabi ang pagkahumaling niya sa akin, haha.
Nagstay muna ako sa apartment niya at kumain.

       Binuksan ko na ang cp ko at ang tagal kong naghihintay kung magbubukas siya ng FB si Em. Hanggang sa nakaligo na ako at lahat, wala pa rin.

     Paalis na ako ng muli kong icheck ang messenger at yun! Nag online din. Kaya lang parang may mali. Parang ang cold niya? Ramdam ko eh.  Sabi nya ay aalis muna sya, mamimili raw. So I used the time para makauwi. Pag-uwi ko sa apartment ko, malamang tapos na rin siya.

     Pagdating ko sa bahay ay agad akong nagbihis. Medyo maalinsangan kaya nag maluwag na lang akong damit na spaghetti strap. Marami ako nito pero pinili ko ang kulay ni Em, light orange. Naglinis ako ng bahay at nagsort ng mga kalat sa cabinet ko para lang pampa-ubos oras.

   After a while ay nagring ang phone ko. Hindi ko kilala pero sinagot ko na rin.

   "Hello…"
   "hello…"
   "Yes?"
   "Shine?"
   "Yes, ito nga. Sino 'to?"
   "Si Jack."

     Iisang Jack lang na babae ang kilala ko sa buhay ko. Ang isang inalok ko ng kasal pero mas pinili ang lalaki para sa isang normal na relasyon. Ang babaeng tatlong taon kong nakasama at inakalang pang habambuhay na.

    "Jack?"
    "Shine, Jackie. Please, I know you know me."
   "Oh yes…."
   "I got you number from your cousin, Ponyong. Nagkita kami kahapon."
   "Nandito ka rin?"
   "Uhm.. Nadestino lang, isang project. Less than a year maybe."
   "Oh okay."
   "Puwede ba tayong magkita?"

     Ayoko sana pero parang napaka-immature ko naman kung papairalin ko ang pride ko to think it was several years ago na. I forgave her, nakapag move on  na ako pero di pa rin maalis na maisip ang masalimuot na paghihiwalay. Parang… may mga ganito ba talagang tao na akala mo wala lang kung makasakit ng iba? Pero past na 'yon, iba na ako ngayon at marami ng nangyari.

   "Oh sure. But, Idon't think I can make it today. Tawag ka na lang ulit?"

   "Oh sige sige. I know you're busy rin. Free ako until end of August. So in two weeks, okay sched ko."
   "Okay."
   "Sige, hindi muna kita abalahin. Bye Shine."
   "Bye."

    Inalis ko na sa isip si Jackie. One past love, a hurting experience for me, ayoko ng balikan. Lalabas naman na bitter pa ako after all these years kung tatanggi akong makipag-kita.

Hanggang Kailan Maghihintay?  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon