Naglanding na ang plane ni Vice sa airport. All of this is too familiar. Nakita na niya to dati. Pero may pinagkaiba. Sa panaginip niya, single si Jaki at naging instant friends sila. Pero ngayon, may boyfriend yung so-called girl na si Jaki. At mag isa lang si Vice.
Dinedma na lang niya ito at kinuha ang bagahe niya. Nag lakad siya palabas kung saan sinalubong siya ng security team niya. Madami kasing fans at press ang naghihintay sa pagbabalik ni Vice kasi nga more than 6 months siyang nawala sa Pinas dahil sa nangyari. May nakaschedule siyang presscon bukas para sabihin lahat.
Si Jaki at ang boyfriend na si Tony naman, hindi nila kilala si Vice kasi laki silang LA.
Tony: Let's go?
Hinawakan niya ang kamay ni Jaki at naglakad palabas kung saan sila sinalubong ng mga pinsan ni Jaki. Kilala ng mga pinsan ni Jaki si Tony kasi medyo matagal na sila magkasama.
Pinsan: Welcome to the Philippines, couz! and of course Tony!
Jaki: Salamat sa pagsundo!
Pinsan: Kayo pa. Kasabay niyo pala sa flight si Vice?
Jaki: Vice? Katabi ko siya kanina
Pinsan: WHAT THE?? KATABI MO SI VICE?
Jaki: Yun yung pangalan nung katabi ko. Pano mo alam pangalan niya?
Pinsan: Gagi! Artista siya dito sa Pinas! Nawala lang siya ng matagal kasi hiniwalayan siya ng boyfriend niya tapos nag attempt ng suicide sa LA. Kasi dun siya hiniwalayan.
Jaki: Ang tindi naman ng pinagdaanan niya. Hindi halata sa itsura niya ah. Saka wait. boyfriend? Bading siya?
Pinsan: Oo! Sagad sa buto
Jaki: Ha? Parang hindi naman halata..gwapo pa din niya..
Pinsan: Huy baka magalit yung boyfriend mo
Jaki: Di naman niya narinig eh. Tara na?
Kinabukasan...
Tumungo si Vice sa ABS studio para sa presscon niya. Sinalubong siya ni Sir Carlo Katigbak para bigyan siya ng warm welcome after a long hiatus.
Nagsimula na ang presscon.
Vice: Hello po mga Kapamilya. Sana po naaalala niyo pa po ako. Si Vice Ganda po ito. Kakabalik ko lang po galing sa LA kagabi after 8 months of hiatus. Some of you know what happened. Baka yung iba hindi kaya explain ko na lang. Hiniwalayan po ako ng boyfriend ko of 3 years sa LA. Pinakilala niya sa akin ang babae niya na pinagbubuntis ang kanilang anak.
Tahimik ang lahat.
Vice: Masakit po. Masakit na ganun ang nangyari. That's why I tried to kill myself. Nabangga po ako at sa sobrang tindi ng impact, I was comatosed for 6 months. Yes, 6 months po akong walang malay. I want to thank my family kasi hindi sila bumitaw agad. Kundi wala ako ngayon sa harap niyo.
Vice: Pero may nangyari po sa 6 months na yun. Hindi ko alam kung sign ba iyon o sadyang kabaliwan lang ng utak ko. Pero I'm willing to try. Hindi ko po sasabihin kung ano yun pero malalaman niyo din pag nangyari na.
Vice: I dont know how or why but I think I already moved on? Wala ng sakit tuwing naaalala ko ang nangyari. Wala na rin ang galit. Dahil sa anim na buwan na yun, parang may nagbago sa akin. May ibang nagpasaya sa akin.
Press: Pano ka napasaya kung sino man yun kung wala kang malay?
Vice: Yun din ang hindi ko maintindihan. Basta ang naaalala ko, masaya ako nung nandun siya.
BINABASA MO ANG
Destiny's Return
FanfictionBook 2 of Destiny's Flight. Panaginip lang pala ni Vice ang mga nangyari sa Destiny's Flight. He finds himself thinking and looking for the girl in his dream. Some events are parallel to his dream. Should he take this cue as a sign that she's the o...