Choose

1.4K 64 20
                                    

Malapit na ang mukha ni Matt sa mukha ni Jaki.

"WALANG HIYA KA!" Sumugod si Vice kay Matt at sinuntok niya to ng malakas. Napaupo tuloy si Matt sa sahig. Nagising si Jaki sa sigaw ni Vice at nagulat sa nakita niyang duguan na pisngi ni Matt.

Jaki: Vice! Huminahon ka!

Vice: Pano ako kakalma eh gusto ka pa yatang pagsamantalahan niyang gagong yan

Jaki: Ano? Anong ibig mong sabihin?

Vice: Pumasok ako sa tent mo tapos nakita ko siyang lumalapit sa mukha mo

Jaki: Totoo ba yun, Matt?

Matt: No! That's not true! Pumunta lang ako dito para gisingin ka!

Vice: Wag mong baliktarin ang storya! Kitang kita kita kanina

Matt: I think you're just over reacting

Vice: OA na kung OA pero alam ko ang nakita ko!

Direk: Anong nangyayari dito? Matt anong nangyari sa mukha mo?

Matt: He punched me

Direk: Vice! Bakit mo ginawa yun?

Vice: Hahalikan niya kasi si Jaki habang tulog eh!

Matt: I told you I was just waking her up

Vice: Waking her up ka dyan. Bakit kailagan mong idikit yung mukha mo ha?!

Direk: Vice, this is enough. Please get out. Someone please call medic. Pano tayo magshoot niyan. May sugat si Matt.

Hinila palabas ni Jaki si Vice.

Jaki: Baby! Bakit ka gumagawa ng skandalo dito?

Vice: Ako pa ngayon?? Jaki nakita ko siya! Nakita ko ang gusto niyang gawin sayo!

Jaki: Baka nga gusto niya lang akong gisingin

Vice: So mas pinapaniwalaan mo siya, ganun ba?

Jaki: Hindi ko naman nakita kaya hindi ko alam

Vice: Believe me Jaki. Hahalikan ka niya

Jaki: Hindi ba nadala ka lang ng selos o insecurity mo kaya naisip mo yun?

Vice: Ha? Wait lang. Sinong kinakampihan mo dito? Siya ba? Mas kinakampihan mo ba siya kaysa sa boyfriend mo?

Jaki: Eh kasi napapansin ko na lagi mo na lang tinatanong kung mahal kita o kaya lagi mong kinukwestyon ang pagmamahal ko sayo. Hindi ba nadala ka lang?

Vice: So mas kinakampihan mo nga siya..ganyan ka na pala ngayon..mas pinapaniwalaan mo ang taong kakatrabaho mo lang kaysa sa jowa mo

Jaki: Wala nga akong kinakampihan. Ang sinasabi ko lang, baka naman nabigyan mo ng malisia ang gagawin niya

Vice: I know what I saw, Jaki. Lalake din ako. Nakikita ko pano ang tingin niya sayo. Nakikita ko pano siya kumilos pag nasa tabi kanya. May intensyon siya, Jaki.

Jaki: Vice..please..tama na..walang masamang intensyon si Matt. Co-workers lang kami

Vice: Kingina. Sige! Siya paniwalaan mo

Nagwalk out si Vice. Tinatawag naman siya ni Jaki

Jaki: Vice! Vice!

Tuloy lang ang lakad ni Vice papunta sa kotse niya at nagdrive siya paalis. Hindi niya alam san sya pupunta. Basta ang alam niya, galit at nasasaktan siya. Dumating siya sa bahay ni Vhong,

Vhong: O brad. Bat nandito ka? Akala ko pupuntahan mo si Jaki ngayon?

Vice: Gagong Matt na yun! Pinamukha pa ako yung masama

Destiny's ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon