Ang Pagbubuntis

1.8K 64 18
                                    

Alam na ng Showtime family na buntis si Jaki kaya naman hindi na siya binibigyan ng masyadong nakakapagod na prods.

Ang balak ng production crew, bibigyan si Jaki ng matinding prod sa last day niya bago siya magpaalam hanggang sa manganak na siya.

Ballroom dance ang pinagawa sa kanya kasi mas mahinhin naman yun kaysa sa hiphop na lagi niyang ginagawa.

Pagkatapos niyang sumayaw sa closing, lumabas lahat ng hosts.

Anne: Madlang pipol, may announcement po ang Vicerals.

Vice: Yes, madlang pipol! May magandang announcement po kami ng misis ko. Buntis po si Jaki!

Naghiyawan ang mga tao sa tuwa.

Hosts: Congratulations!!

Vice: At dahil po dun, kailangan po muna mag leave ni Jaki hanggang manganak siya at makarecover. Alam po naming mamimiss niyo siya. Promise po namin na laging maguupdate sa mga social media accounts namin

Tsang: We wish you a safe pregnancy, Jaki anak

Jaki: Salamat po, Tsang. Babalik po ako agad madlang pipol!

Simula nun, lagi na lang nasa bahay si Jaki. Lumalabas din sila minsan para magdate at tinitignan ang progress ng bahay nila. Medyo lumalaki na din ang bump ni Jaki. Pinaglilihian din ni Jaki ang mansanas. Kaya ang dami nilang mansanas sa ref.

Isang gabi...

Natutulog na sila nang biglang nagising si Jaki. Tinignan niya ang phone niya. 3am. Tinry niyang matulog ulit pero may gusto siyang kainin. Jollibee. Tumagilid siya para tignan si Vice. Tulog na tulog ito.

Jaki: Baby...baby...

Vice: Hmm? *habang nakapikit pa rin*

Jaki: Gusto kong kumain

Vice: Anong oras na ba?

Jaki: 3 oclock

Vice: Anong gusto mong kainin?

Jaki: Jollibee

Dumilat si Vice. Tatayo na siya.

Jaki: Sama ako

Vice: Ayaw mo take out na lang?

Jaki: Wag na. Mas masarap kapag mainit.

Vice: Sige bihis ka na

Nagbihis silang dalawa. Dahil madaling araw naman, hindi na sila nagayos masyado. Naka cap lang si Vice. Nagdrive sila sa malapit na Jollibee na 24/7. As expected walang customers.

Vice: Anong gusto mo?

Jaki: Burger steak. Yum burger saka pie

Vice: Mauubos mo ba yun?

Jaki: Dalawa naman kaming kumakain eh

Vice: Sige upo ka na. Ako na lang magorder

Naupo si Jaki sa may bintana. Excited na siyang kumain. Pagkabalik ni Vice nanlaki ang mata ni Jaki.

Jaki: Baby anong kakainin mo?

Vice: Burger lang ako

Nagsimula na silang kumain.

Jaki: MMMMM ang sarap talaga. Thank you, baby!

Vice: Basta kayong dalawa

Habang kumakain si Vice, pinicturan siya ni Jaki at pinost ito sa IG. Caption: Thank you, baby! Swerte talaga naming dalawa sayo! <3

Nagani ng madaming likes at comments ang post na ito.

Fan #1: Wow ang sweet naman ni Vice. Sana all

Destiny's ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon