Same Thoughts

1.6K 70 23
                                    

Dinedma na lang ni Vice yung tweet na yun kasi hindi naman niya talaga alam ang ibig sabihin. Ayaw na din niyang umasa pa.

Ilang buwan din tumagal ang promotions ng JackMatt kasi highly demanded sila. Kaya natagalan bago bumalik ng showtime si Jaki.

Pinalitan na ang Ate Girl sa Miss Q and A kasi matagal nang wala si Jaki at kahit na bumalik siya, hindi sila pwede mag sama sa isang stage ni Vice. Hindi mabilis na nakapagadjust ni Vice kasi nasanay din siyang tinatawag si Jaki sa segment na iyon. Pero slowly, naka adjust na din siya.


Nakabalik na si Jaki sa showtime. Ang arrangement nila ngayon, hindi pwede magsama sa isang stage ang ViceJack. Medyo mahirap kasi halos sa lahat ng segment, nandun si Vice. Kaya usually sa mga prod numbers lang sumasali si Jaki. Semi-finals na ng TNT kaya naman may mga special prods ang mga hurados habang hinihintay bomoto ang mga tao.

Laging napwepwesto si Jaki sa may harap ng upuan ng hosts. Kaya minsan naiilang siya kasi nandun si Vice sa harap niya. Hindi rin naman tumitingin si Vice kay Jaki kasi baka madistract ito. Pero kita pa rin niya sa gilid ng mata niya.

Ang sexy niya. Mas lalo siyang gumanda. Dahil ba kay Matt? Ang galing niya talaga sumayaw. Iniisip ni Vice.

Ahhh bakit dito ako pinwesto ni Ate. Alam naman niyang nagiiwasan kami ni Vice eh. Hindi na lang ako titingin sa kanya. Kanila Ate Anne na lang. Pero wait. bakit mas lalo siyang naging gwapo. Saka iba na pormahan niya ngayon. Mas bet ko. May pinopormahan na ba siyang ibang babae? Sana masaya ka, Vice. Kung sino man siya. Iniisip ni Jaki.

Lagi na lang nila iniisip na may iba na yung isa. Parang naging comfort thought nila yun. Akala nila mas makakatulong yun sa pag move on. Ang hindi nila alam, mas tumindi pa ang sakit at pananabik nila sa isa't isa.


Madalas magparamdam si Matt kay Jaki. Dumadalaw siya sa showtime at dinadalhan ng pagkain si Jaki. Kumakain sila kasabay ang mga dancers. Naging close na din ang ibang dancers kay Matt dahil syempre gwapo ito.

Dancer 1: Huy Jaki. Nanliligaw ba si Matt sayo?

Jaki: Di ko alam. Hindi naman niya ako tinanong

Dancer 2: Swerte mo naman, Matthew Stones ang nanliligaw sa yo ah

Dancer 3: Oo nga! Ang gwapo niya! I'm sure magiging cute ang mga anak niyo

Jaki: Anak agad? Di ko pa nga siya sinasagot

Maddie: So sasagutin mo siya?

Jaki: Hindi ko alam.

Nakikinig pala si Vice sa labas. Sakto kasing naglalakad siya papunta sa DR niya ng marinig niya ang pangalan ni Matt. Na curious siya kaya nakinig siya sa usapan. Narinig niya hanggang dun sa tanong ni Maddie. Umalis na siya bago pa niya marinig ang sagot ni Jaki kasi ayaw niyang marinig ang sagot nito. Malamang oo.


Sa Grand Finals, magpeperform si Vice. Walang choice kundi si Jaki ang dancer na magsasayaw habang kumakanta si Vice kasi yung ibang dancers meron ng prod. Hindi sinabi ng mga producers na si Vice ang kakanta kasi baka mag back out si Jaki. Sinabi na lang nila sa kanya na isang hurado ang kakanta. May partner naman siya kasi parang interpretative dance ang gagawin nila. Ang kanta ay Dancing On My Own.  Naisip ni Jaki na ang lungkot naman nung kanta na pinili nung hurado para sa Grand Finals.

Dumating na ang araw ng Grand Finals at nagreready na sila para sa prod nung hurado. Nasa likod lang sila nung singer kasi dun ang start point nila. Nagsimula na ang music. Nagsayaw na sila Jaki nang bigla niyang narinig ang boses ni Vice. Pero tuloy tuloy pa rin siya sa pagsayaw.

Si Vice ba yung kumakanta? Akala ko hurado? Focus Jaki. Focus.

Nang makarating sila sa may gilid ni Vice, nakita niya ang mukha nito. Naka suit si Vice at feel na feel niya ang kanta.

Destiny's ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon