Nakalipas ang ilang buwan, natuto na magdrive si Jaki. Fast learner kasi siya kaya nakakuha siya agad ng lisensya. Red na Mercedes ang regalo ni Vice. Pag lumalabas sila, minsan si Jaki ang nagddrive.
Malapit na magpasko at todo kayod ang showtime na matape ang mga shows kasi nakabaksyon ang mga hosts hanggang new year. Morning to night ang taping nila. Dahil nga halos nasa lahat ng segment si Vice, napapagod na siya. Inaalagaan naman siya ni Jaki pag break.
Nakaupo si Vice sa upuan niya sa DR at nakapikit. May naramdaman siyang mainit sa may balikat niya. Binuksan niya ang mata niya at nakita si Jaki. Minamasahe siya.
Jaki: Baby, pikit ka lang para makapahinga ka din.
Pinikit na lang niya ang mga mata niya at inenjoy ang masahe ni Jaki.
Vice: Masarap ka pala magmasahe
Jaki: Madalas kasi sa dance school tumitigas yung muscles namin kaya minamasahe namin ang isa't isa.
Vice: Mga lalake?
Jaki: Hindi po. Bawal sa school nun dati. Girl to girl at boy to boy lang pwede.
Vice: Buti naman
Jaki: Ang tagal na nun baby ah baka magselos ka
Vice: Hindi. Basta ako lang mamasahiin mo from now on
Jaki: Sayo lang ang kamay ko. Wag kang magalala
Vice: Naka impake ka na?
Jaki: Hindi pa nga eh.
Ilang araw na lang kasi, lilipad na sila papuntang Amerika. Gusto nilang magpasko at bagong taon kasama ang mga pamilya nila sa US.
Vice: Onti na lang impake mo. Shopping na lang tayo dun
Jaki: Ang gastos mo talaga
Vice: Dun tayo sa mga outlet mamili. Mura naman dun saka dapat new clothes for the new year
Jaki: Pag nagkaanak tayo wag mong sasanayin na laging may bagong gamit. Baka masanay
Vice: Magkakaanak na ba tayo?
Jaki: HIndi. In the future
Vice: Payag ka ng magpakasal sa akin?
Jaki: Kabayo ka nga. ang bilis mo eh. O inumin mo tong energy drink para hindi ka mapagod mamaya
Vice: Salamat.
Ininom ni Vice yung energy drink at lumabas na pabalik sa stage.
Sa wakas natapos na rin ang sunod sunod na taping kaya naman mas naging excited sila. Dumating na ang araw ng flight nila. Dederetso muna sila sa bahay nila Jaki sa LA.
Fast Forward...
Nakarating na sila ng LA at nagrent ng kotse sila Vice para kahit papaano, makakagala sila ni Jaki.
Si Vice ang nagdrive papunta sa bahay.
Jaki: MY FAMILY! I'M HOME!
BINABASA MO ANG
Destiny's Return
FanfictionBook 2 of Destiny's Flight. Panaginip lang pala ni Vice ang mga nangyari sa Destiny's Flight. He finds himself thinking and looking for the girl in his dream. Some events are parallel to his dream. Should he take this cue as a sign that she's the o...
