Back to Work

1.5K 66 10
                                    

2 days after nilang makabalik galing Japan, pumunta sila Jaki at Jaice sa Magandang Buhay studio. Hindi makakasama si Vice kasi may taping daw siya sa GGV. Sabay naman silang pumunta sa ABS. Gusto sanang pasamahin ni Vice ang kasambahay nila ara may katulong si Jaki kaso umayaw si Jaki. Kaya na daw niya.

Vice: Call me if you need anything. Sige bye na *humalik kay Jaki*

Vice: Bye, my princess. Listen to Mummy ha. I know you'll behave naman eh

Jaice: Dada

Vice: Yes, kailangan mag work ni Dada eh. Babye. I love you both

Humiwalay na si Vice at itinulak ni Jaki ang stroller ni Jaice papunta sa studio.

Inayusan ng unti si Jaki kasi hindi naman niya kailangan ng madaming make up. Maganda na kasi siya. Terno sila ng dress ni Jaice.

Staff: Mag start na po

Jaki: Ah sige po. Jaice, come to Mummy na


Karla: Ang first guest natin ngayong araw ay dati isang dancer na nagpatibok sa isang Vice Ganda. Pero ngayon, isa na siyang ganap na Momshie. Let's all welcome, Jaki Viceral and their daughter, Jaice Viceral!

Jaki: Magandang buhay po!

Jolina: Hello, Jaki! Ay ang cute cute naman talaga ng baby niyo!

Melai: Oo nga eh. Nakikita ko lang pictures niya sa social media pero mas cute sa in person

Karla: Hello, baby Jaice. Upo kayo

Umupo sila sa sofa at kinandong ni Jaki si Jaice. Si Jaice manghang mangha sa mga bago niyang nakikita at mga bagong mukha na nasa paligid niya.

Melai: Tignan niyo siya o. Ang laki ng mata

Jolina: Inoobserve niya yung surroundings niya

Jaki: First time po kasi siyang makakita ng ganito kadaming tao na nakatingin sa kanya

Karla: Ah hindi ba kayo masyado lumalabas?

Jaki: Hindi po eh. Kasi dinudumog kami ng tao. Overprotective kasi si Vice pagdating kay Jaice. Kaya umiiwas kami sa madaming tao

Melai: Oo nga. Dinig ko daw princess ang tawag niya kay Jaice?

Jaki: Opo. Actually, full name niya is Jaice Amira G. Viceral. Amira means princess in Arabic. Si Vice nakaisip nun

Karla: How does it feel to be a first time mother?

Jaki: Nagpapasalamat nga po ako dahil hindi ganun kahirap ang naging journey ko. Kasi premature si Jaice nung pinanganak siya. So parang kinabahan talaga kami na baka magka complications ang health niya. Pero as of now she's so healthy and is developing normally. Advanced nga daw siya sabi nung doctor namin

Jolina: Wow naman. Nakakapagsalita na ba siya?

Jaki: Nung pumunta po kami sa Japan. Dun niya sinabi ang first words niya

Melai: Ano ang first words niya?

Jaki: Dada, Mama saka wow

Karla: Ay may wow talaga ha. Can we hear her speak?

Jaki: Jaice, can you say Dada?

Jaice: Dada

Jolina: Awww ang sweet ng boses niya

Jaice: Mama *sabay turo kay Jaki*

Karla: Nangingilala na siya ah

Jaki: Oo nga po eh

Jaice: Dada?

Melai: Hinahanap niya si Daddy niya

Jaki: May work si Daddy eh

Destiny's ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon