More Projects

1.8K 63 19
                                    

Sabay na umuwi ang dalawa. Mag kahawak kamay na lumabas ng airport kung saan sila sinalubong ng media at fans. Sumagot sila ng ilang tanong bago sumakay ng kotse. Hinatid muna ni Vice si Jaki sa bahay nila.

Pagdating sa bahay...

Vice: Are you sure you're going to be okay?

Jaki: Oo nandyan naman si Yaya Ising saka kailangan mo na din magpahinga.

Vice: Lagay mo ko sa speed dial mo para mabilis mo kong matatawagan

Jaki: Opo ikaw ang una kong tatawagan kapag may problema

Vice: Sige, good night. Love you*humalik kay Jaki*

Jaki: Good night. Love you din

Umalis na si Vice at pumasok si Jaki sa loob ng bahay. Namiss niya ang bahay nila pati na rin ang luto ni Yaya Ising. Puro kasi german food ang kinakain nila dun.

Yaya Ising: Welcome back, Jaki!

Jaki: Salamat po, Yaya Ising

Yaya Ising: Kain ka muna ng sopas para mainitan yung tiyan mo bago ka matulog

Jaki: Sige po

Habang kumakain, nakipagkwentuhan siya kay Yaya Ising. Nalaman din niyang dumaan dito si Vice nung paalis na siya at humabol pa ito sa airport.

Jaki: Hindi ko siya nakita eh..

Yaya Ising: Baka hindi ka lang niya naabutan. Matraffic eh

Mas napanatag ang loob ni Jaki na mahal nga siya ni Vice kasi malayo yung shooting location nila pero pumunta pa siya sa kanila. Umakyat na siya sa kwarto pagkatapos kumain at naghilamos. Tinext siya ni Vice.

From: Baby Boy
Kumain ka na? Tulog ka na?

To: Baby Boy
Kumain na ko ng sopas para makainom ng gamot. Patulog pa lang po. Ikaw?

To: Baby Girl
Nakahiga na ko pero di ako makatulog. Nasanay kasi akong may kayakap eh

To: Baby Boy
Unan mo?

To: Baby Girl
Gusto ko kasi yung humihinga

To: Baby Boy
Yung angels mo?

To: Baby Girl
...Ewan ko sayo hahah

To: Baby Boy
Ako din naman eh. Nasanay akong may katabi pag kagising. May nagpapakalma pag gumigising akong umiiyak

To: Baby Girl
Wag ka ng matakot. Hindi kita iiwan, promise cross my heart hope to die

To: Baby Boy
Ako din. Hinding hindi kita iiwan. Mamatay man si superman

To: Baby Girl
Baka buong mundo na ang mamatay kakaganito natin haha. Tulog ka na. Kahit Sunday bukas, matulog ka pa rin ng maaga. Good night, baby. Love you *kissy emoji*

To: Baby Boy
Good night, baby. Love you too

Sabay silang nakatulog na may ngiti sa kanilang labi.

Kinabukasan...

Medyo late na nagising si Jaki. Naramdaman niyang may mabigat na nakapatong sa may tiyanan niya. Kamay. Umikot siya para tingnan kaninong kamay yun.

"Vice?"

Gumalaw lang si Vice pero hindi siya gumising. Hinila niya palapit sa kanya si Jaki.

Jaki: Good morning, baby *hinalikan sa labi si Vice*

Destiny's ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon