New Everything

1.8K 61 8
                                    

Pagkabalik nila sa Manila, pumunta muna silang Rizal para dun nga sa dadaanan ni Vice.

Nang makarating sila sa isang village na may security at malalaking bahay, nagtataka si Jaki kung sino bibisitahin nila.

Jaki: Sinong pupuntahan natin, baby?

Vice: Yung future house natin

Jaki: Ha?

Dumating sila sa dulo ng isang street kung saan may bahay na ginagawa. Patapos na ang construction. Bumaba sila ng sasakyan.

Vice: Welcome to our house!

Jaki: Satin to?

Vice: Oo pinagawa ko

Jaki: Hala bakit hindi mo sinabi sa akin

Vice: Wedding gift ko na to

Jaki: Sabi ko naman sayo hindi mo kailangan gawin lahat eh. Dapat share tayo

Vice: Oo nga. Wala pang interior yan. Ikaw papadesign ko

Jaki: Talaga???

Vice: I trust your judgment

Nagyakapan silang dalawa at tinignan ang bahay.

Vice: This is the beginning.

Nagdrive na ulit sila pabalik ng Ortigas sa bahay ni Vice. Pagkapasok nila, sinalubong agad sila ng madaming regalo galing sa iba nilang kaibigan na hindi nakarating o mga fans.

Jaki: Grabe sila magmahal no?

Vice: Oo nga.

Jaki: Bukas pala dadaan ako sa bahay. Kailangan ko kunin yung ibang damit.

Vice: Sige daan tayo after showtime

Jaki: Anong gusto mong dinner? Ako magluto

Vice: Wow asawang asawa ang dating ah. Ikaw na bahala. Kahit naman ano lutuin mo sure ako masarap yan eh

Jaki: Mangbobola ka talaga. Sigurado ka bang hindi mo ko ginayuma para pakasalan kita

Vice: Eh yung ginawa natin sa honeymoon, sa tinging mo ginayuma kita? Gustong gusto mo din eh

Jaki: Oh sige na. Mag prepare na ako

Naglabas si Jaki ng pangulam at mga gulay. Menudo lulutuin niya. Pinanuod lang siya ni Vice. Parang pinagaaralan din pano magluto. 

Vice: Gusto mo maging housewife na lang? Meron naman tayong sapat na savings kahit ako lang magisa ang magwork

Jaki: Ayoko. Nakakabagot kaya yung nasa bahay lang araw araw. Saka gusto ko din magsayaw no

Vice: Sige ikaw bahala. Basta kung ayaw mo na, sabihin mo lang sakin. Papayag naman ako

Natapos nang magluto si Jaki at kumain na sila.

Vice: Ang sarap mo talaga magluto. Baka tumaba ako nito ah

Jaki: Ok lang. mamahalin pa rin kita. Eh ako? Pagtumaba ba ako mamahalin mo pa rin ako?

Vice: Syempre naman. Pero baka hindi tayo madalas maglabinglabing

Jaki: Ah ganun? Sige manigas ka magisa mo. Wag mo kong hahawakan mamaya

Tumayo si Jaki at umakyat papunta sa kwarto.

Vice: Baby! Huy! Nagbibiro lang ako eh

Pagdating sa kwarto nagtalukbong ng kumot si Jaki. Kiniliti siya ni Vice.

Vice: Baby! Nagbibiro lang! Wag ka nang magtampo! Kahit araw araw nating gawin

Jaki: He! Tumigil ka! Layuan mo ko! *habang tumatawa*

Destiny's ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon