Doubts

1.4K 67 17
                                    

Nakalanding na ang eroplano ni Jaki sa Germany. Kakaon lang niya ng cellphone niya pero ang dami na agad notifications. Mga likes, comments at dms. Hindi niya ito pinansin kasi malamang puro fans lang yun.

Nagcheck in siya agad sa hotel niya. Wala siya sa mood gumala kaya nakahiga lang siya sa kama. Tumitingin sa twitter at ig.

Wala pang post si Vice. Si Velle meron ulit igs. Silang tatlo nila Anne kumakain at nagtatawanan.

Masaya pa rin siya. Sige, makita kitang masaya ok na ko.

Madami din siyang nakitang pictures na kuha ng mga fans na nasa set. Pictures nila Vice at Velle. Hindi niya alam king eksena pa rin ba yun sa pelikula or behind the scenes lang. Kumirot ang puso niya ulit. Sa bawat kirot, nararamdaman niya parang nawawalan siya ng hininga.

Mas mabuti wag ko na lang tignan. Nasasaktan lang ako.

Tinignan niya ang schedule niya at napansin sunod sunod ang mga rehearsals niya. Parang natuwa siya kasi at least malilibang niya ang sarili niya. Inayos na niya ang gamit niya. Gabi na sa Germany kaya natulog na lang siya. Pero bago siya natulog nag, tweet siya.

Jaki Gonzaga: Lonely. Good night.

Madami agad nag like nito at nag comment. Halo halo ang comments. May mga encouraging, meron ding bashers, meron ding tinatanong kung may problema ba sila ni Vice.

*Ting*

Jaki Gonzaga tweeted:
Lonely. Good night.

Nakita ni Vice ang notification kaya agad niya tong binuksan. Nag comment din siya.

Vice Ganda: I miss you. Nakarating ka ba ng maayos? Good night

Di ito nakaligtas sa mga mata ng mga fans na agad agad naman nag screenshot ng tweet ni Vice at tinag si Jaki.

Pagkagising ni Jaki, punong puno nanaman ang notification wall niya. Wala talaga siya sa mood na magbasa ng comments. Usually, babasahin niya yun. Silent reader kasi siya. Pero ayaw niya muna makipag communicate sa tao. Naligo na siya at gumayak papunta sa theater. May briefing kasi. Sa kawalan sa mood ni Jaki, nakalimutan niya ang cp niya sa hotel.

Saktong pagalis niya, nagdm si Vice sa kanya sa twitter.

Vice Ganda: Good morning, Baby.

Vice Ganda: Jaki, please reply ka naman. It's just a misunderstanding. I swear. Please

Vice Ganda: I miss you...

At dahil nga madaming followers si Jaki, natabunan nanaman yung notification na yun.

Sa briefing, madaming nameet si Jaki na mga ka age group niya. Kaya madali siyang nakagawa ng mga bagong kaibigan. Nag pictures sila at nagbigayan ng ig accounts. Tinag nila si Jaki. Madami ding mga foreigners ang nagagandahan kay Jaki kaya panay picture sila at tag kay Jaki.

Parang nangungulila si Vice kay Jaki. Wala kasi siyang paramdam. Check siya ng check ng ig ni Jaki. Tinignan niya ang mga tagged photos. Nandun yung mga pictures kasama ang ibang contestants. Parang gumaang ang pakiramdam ni Vice kasi nakita niya ang mukha ni Jaki. Pero umiling siya nung nakita niya yung mga hawak ng ibang dancer sa bewang ni Jaki.

Ganito din siguro naramdaman niya nung nakita niya kami ni Velle. Kaso mas masakit siguro kasi nakaakbay ako sa kanya habang tulog.

Nilakihan ni Vice ang picture para mas maiging tignan ang mukha ni Jaki. Miss na miss na niya kasi ito.

Parang mugto yung mata niya. Sorry, baby. Nakasmile ka man, alam kong malungkot ka. Kilala kita.

Nag tweet na lang si Vice.

Destiny's ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon