Time Out

1.6K 70 27
                                        

Nasaktan si Jaki sa sinabi ni Vice. Hindi naman kasi niya talaga kinakampihan si Matt. Ayaw niyang maniwala na break na sila ni Vice. Kaya kahit natatakot siya, bumalik siya sa bahay ni Vice. Nagaalala din siya kasi baka kung ano ang ginawa ni Vice kagabi.

Ding dong ding dong

Jaki: Ate? Gising na po ba si Vice?

Kasambahay: Tulog pa po

Jaki: Pasok ako ah

Pinuntahan ni Jaki si Vice sa kwarto niya. Binuksan niya ito at sumilip. Nasa kama si Vice. Pero may nakita siyang dugo sa sahig at sa isang basag na bote. Pumasok siya agad para tingnan kung saan galing ang dugo. Nakita niya na duguan ang kamay ni Vice. Sinigurado niyang humihinga muna ito bago bumaba para kunin ang first aid kit.

Pagkakuha niya nung kit, tumabi siya kay Vice at ginamot yung sugat. Nilagyan niya ng alcohol. Napangiwi si Vice sa tulog niya.

Jaki: Tiis lang...ano ba kasi ginawa mo

Nakita din niyang may mga bubog sa kamay niya kaya tinanggal niya to isa isa. Mas lalong napangiwi si Vice at nagising sa kanyang tulog. Nakita niya si Jaki na ginagamot ang kamay niya. Hinatak niya ang kamay niya

Jaki: Akin na yang kamay mo. Kailangan magamot yan baka magkainfection

Vice: Anong ginagawa mo dito?

Jaki: Gusto kitang icheck baka may ginawa ka kasi

Vice: Di ba sabi ko break na tayo?

Jaki: Hindi ako naniniwala na yun ang gusto mong mangyari. Ayaw ko din

Vice: Break na nga tayo. I mean it

Jaki: Hindi ako naniniwala. Wala ka pa sa wisyo

Vice: Sorry ka na lang kasi alam ko ang sinasabi ko.

Jaki: Sige. Tignan mo ko sa mata at sabihin mo

Tumingin si Vice sa mata ni Jaki. Kitang kita ni Vice ang takot sa mata ni Jaki. Si Jaki hindi niya mabasa ang iniisip ni Vice.

Vice: Break na tayo.

Pagkasabi niya nun. Parang nakita ni Vice na may nabasag sa mata ni Jaki. Napapikit na lang si Jaki at pagkabukas ng mga mata niya may mga luha nang pumapatak. Tumayo si Jaki.

Jaki: Sige. Dahil muka namang alam mo ang sinasabi mo, I'll respect your decision. But don't forget this, Vice. I loved you.

Umalis si Jaki. Akala ni Vice walang nang mas masakit pa sa naramdaman niya kahapon. Pero mas masakit yung ngayon kasi nakita niya lahat ng emosyon ni Jaki.

Shet. Bakit kasi lagi na lang ako sawi sa pagibig.

Umuwi na si Jaki sa kanila habang umiiyak. Gusto niyang ipagsigawan ang sakit at galit na nararamdaman niya. Wala siyang masabihan. Wala siyang mayakap. Walang tao ang kaya niyang lapitan para humingi ng comfort kasi all along si Vice ang nagbigay nun sa kanya.

Vice, I loved you. I love you still. And I always will.

Dapat masaya sila ngayon. Dapat paalis na sila papuntang airport mayamaya papuntang New York. Dapat magaanniversary na sila. Dapat magkasama sila.

Pag nagstay lang ako dito, wala naman akong magagawa. Since nasa akin naman yung tickets, pupunta na lang akong New York. Inisip ni Jaki.

Kaya nagimpake na siya ng ilang damit at nagpaalam kay Yaya Ising. Dumeretso na siya sa airport. Naka habol naman siya sa eroplano. At ilang oras ang nakalipas, nakalipad na si Jaki.

Destiny's ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon