"Philippines representative for So You Think You Can Dance rushed to the hospital. Jaki Gonzaga was found unconscious in the dressing room by the producer."
Nabitawan ni Vice ang cp niya.
Velle: OMG. Anong nangyari kay Jaki??
Anne: Hindi pa nila alam ang cause. Vice?
Nakatayo lang siya at hindi makagalaw.
Anne: Vice, upo ka muna. Breathe. Hintayin natin ang reports kung ano ang nangyari.
Kumalat na din ang balita sa twitter. Yung mga fans ni Jaki ay sobrang nagaalala.
After 10 minutes, natapos na ang commercial break.
"We regret to inform the Philippines and Jaki's fans that she has been brought to the hospital earlier during the show. She was found unconscious on the floor by one of the staff members. We have the early diagnosis of the doctors. They said it is due to exhaustion and too much stress. Until she recovers, Jaki will still remain on the show and her standing in the competition will be based on her previous performances. Let us now call out the next competitor..."
Vice: Anne..anong gagawin ko?
Anne: I'm sure she's fine. Kailangan lang siguro niya magpahinga kasi ang dami niyang rehearsals eh. Pray for her
Vice: Gusto kong pumunta sa tabi niya. Gusto ko siyang alagaan. Bakit iba? Bakit ibang iba ang nangyayari?
Anne: Sabi ko sayo wag mo masyado panghawakan yung panaginip mo eh. Kasi sabi mo na dati na may nagiba. For now, I'm sure they will keep updating us about her. Saka maganda naman ang medical facilities sa Germany so I'm sure she'll be in good hands.
Vice: Sana nga, Anne.
Rewind to 30 minutes ago...
Nakaupo lang si Jaki sa DR niya. Tapos na siya magayos. Gusto niyang irelax sarili niya kaya nag cp lang siya. As usual, ig at twitter.
Tinignan niya ang igs ng mga kaibigan niya. Finollow na rin niya si Velle since tingin ng tingin din naman siya. Hindi niya namalayan kay Velle na pala yung igs na pinapanuod niya. Nakita niya si Vice. Nasa bar sila. Siguro pang release ng stress. Tapos si Velle akmang nagpose na parang hahalikan si Vice sa pisngi. May tumusok sa puso ni Jaki. Naramdaman niyang sumikip ang dibdib niya. Nawawalan siya ng hininga. Napahawak siya sa upuan niya. Tatawag sana siya ng tulong kaso walang lumalabas na boses. Nag blur ang vision niya at nawala sa focus. Huli niyang nakita ay ang sahig.
Pumasok ang isang staff ng show para tawagin si Jaki kasi siya na ang susunod. Nakita niyang nakahandusay sa sahig si Jaki. Walang malay.
Staff: Security! Help! Ms Gonzaga? Ms Gonzaga?
Nagtakbuhan ang security papasok sa DR na may dalang stretcher at tinakbo siya sa ambulansya. Pumunta yung staff sa may tabi ng MC at sinabihan ni hindi makakaperform si Jaki ngayon.
Back to present...
Hindi nagrereply si Jaki sa mga dm ni Vice. Kaya mas naging worried siya kasi wala pa ring narerelease na statement galing sa show. Naglalakad si Vice pabalikbalik sa tent.
Velle: Vice, umupo ka nga. Nahihilo ako sayo
Vice: Hindi ko kayang umupo lang ng walang ginagawa, Velle. Girlfriend ko si Jaki. Mahal ko siya. Hindi ko kayang nakikita siyang hindi ok.
Velle: Eh bakit hindi ka pumunta dun?
Vice: Gusto ko nga eh kaso may shooting tayo saka parang may iba sa relasyon namin ni Jaki. Parang ang cold niya sa akin. Baka dahil pa rin dun sa nakita niya nung pumunta siya dito.
BINABASA MO ANG
Destiny's Return
FanfictionBook 2 of Destiny's Flight. Panaginip lang pala ni Vice ang mga nangyari sa Destiny's Flight. He finds himself thinking and looking for the girl in his dream. Some events are parallel to his dream. Should he take this cue as a sign that she's the o...