Kapit Lang

1.6K 70 19
                                    




"VICE!! MAY DUGO!!"

Napatakbo agad si Vice sa CR kung nasaan si Jaki. Nakita niyang may dugo sa sahig.

Vice: Tara, Jaki! Bilis.

Kinarga na lang niya si Jaki. Kahit hindi ganun kalakas, kinaya niya. Sinakay niya si Jaki sa likuran at agad nag drive.

Vice: May masakit ba?

Jaki: Oo parang may kumikirot.

Vice: Tiis lang ha. Bibilisan ko. My princess, kapit lang kay Mummy. Wag kang bibitaw

Dahil gabi na, walang masyadong kotse at nakarating agad sila sa ospital. Nagpatulong si Vice sa mga nurse.

Nurse: Ano po nangyari, Sir?

Vice: Nag CR siya tapos may dugo

Nurse: Sige po antay na lang po kayo dito sa labas.

Napaupo si Vice sa mga silya. Hindi siya makapakali. Gusto niya parehas na healthy ang mag ina niya. Ilang sandali pa, may lumabas na doctor.

Doc: Mr Viceral?

Vice: Yes po

Doc: I'm sorry to tell you this. We have to have an early delivery for your baby. May complications kasi na nangyari sa womb kaya nagkadugo. Kung hindi natin siya idedeliver ngayon, manganganib ang buhay nung baby.

Bumagsak ang puso ni Vice. Bakit ganun? Inaalagaan naman namin siya.

Vice: Sige po, doc. Please do whatever you can to save them both

Doc: We will do our best

Pumasok na ulit ang doctor at umupo si Vice. Nagdadasal siya at umiiyak. Wag sanang may mawala sa kanilang dalawa.

Tinawagan niya agad si Vhong.

Vice: Vhong! Nasa ospital ako ngayon

Vhong: Bakit? Ano nangyari?

Vice: Nagkadugo kasi si Jaki. Tapos dineretso ko siya dito. Sabi ng doctor kailangan na daw ideliver yung baby ngayon. Di ko pa alam kung ok ang kondisyon nilang dalawa.

Vhong: Kumalma ka lang. Matatag yang mag ina mo. Ipagdadasal din namin sila. Kailangan mo ba ng kasama?

Vice: Hindi

Vhong: Tawagan mo lang ako kung kailangan mo ng kasama. Pupunta agad ako diyan

Vice: Sige, salamat ah

Vhong: Wag ka ng umiyak. Magiging ok sila

Vice: Sana nga.

Ilang oras din ang tinagal ng operasyon bago lumabas ang doctor.

Vice: Doc, kamusta po sila?

Doc: The mother is doing fine. Yung baby kailangan naka incubator kasi premature siya. May heartbeat naman kaya don't lose hope. Kailangan siyang imonitor ng maiigi. Dun siya sa ICU ng mga babies muna.

Vice: Salamat po doc ah

Doc: Hahatid na lang ng mga nurse si Mrs Viceral sa room niya. Pwede ka nang mauna

Vice: Sige po


Pumunta si Vice sa private room ni Jaki at naupo sa sofa habang hinihintay si Jaki. Nagtext siya sa mga kamaganak nila. May GC sila.

Mama: Tutoy, ano na ang balita kanila Jaki?

Vice: Ok daw si Jaki, Ma. Si baby kailangan nasa incubator kasi premature

Destiny's ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon