Gising

1.9K 63 12
                                    

Nakarating na sila sa ospital at deretso emergency room si Vice.

Makalipas ang ilang araw, nagising na si Vice.

Ilaw sa ceiling ang nakita niya. Puting dingding. Nakita niya ang mukha ng mga ate niya. Pati na rin ang Mama niya.

Vice: Ma? Anong ginagawa niyo dito?

Mama: Tutoy!! Buti nagising ka agad. Ano bang nangyayari sa yo?

Tiningnan ni Vice ang kamay niya. Wala ang mga singsing.

Shet. Panaginip nanaman ba yun?

Natatakot siyang tanungin ang ate niya. Pero gusto niyang malaman.

Vice: A-Ate...nasan si Jaki?




















Parang ang tagal bago sumagot ni Ate Ara.














Ate Ara: Lumabas lang. May inaasikaso na papeles. Babalik din siya

Vice: So totoo to?

Ate Ara: Oo. Alam ko akala mo panaginip lang ito.

Vice: Nasan yung mga singsing ko?

Ate Ara: Tinanggal sa OT kasi baka marestrict yung blood flow mo habang inooperahan ka. Na kay Jaki yung mga singsing

Vice: Kilala mo nga si Jaki di ba?

Ate Ara: Oo. Fiancee mo. Hindi nga to panaginip, Tutoy. Engaged ka kay Jaki. Wag kang magalala.

Napahinga ng malalim si Vice. Pero hindi siya mapapakalma ng husto hanggat hindi niya nakikita si Jaki mismo.

Bumukas ang pinto, inangat ni Vice yung ulo niya para tingnan kung sino. Doctor lang pala.

Doc: How are you feeling, Mr Viceral?

Vice: Ok naman po doc

Doc: Wala na yung sakit ng ulo mo?

Vice: Wala na po

Doc: What do you remember?

Vice: Huli ko pong naaalala nasa ambulansya kami nung fiancee ko. Mukha niya ang huli kong nakita

Doc: That's good. Hindi ka nagsuffer ng memory loss

Vice: Ano po nangyari doc?

Doc: Dahil sa aksidente mo last time, may isang maliit na artery ang nablock. Dahil maliit lang ito, hindi masyado ganun kalakas ang epekto. Kaya it took a couple of years before realizing na may blocked artery ka pala. Buti na lang hindi pa ganun kalala ang damage sa brain mo.

Mama: Pero ok na po doc? Hindi na po ulit mangyayari to?

Doc: The chances of it happening again is very low kasi nacheck na namin at ok naman yung ibang arteries.

Mama: Salamat naman. Salamat po, doc

Doc: Rest ka lang, Mr Viceral. You'll be out in no time.

Destiny's ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon