Ex Turned Friends

1.7K 66 15
                                    

Vice Ganda:
Can we talk?

*Ting* Jaki Gonzaga tweeted:
Sure

Nanlaki ang mata ni Vice. Ang bilis kasi nung indirect reply ni Jaki. Nataranta siya bigla.

9pm na. Baka bukas na kami makapagusap. Anong rereply ko? huhuh sabi ni Vice sa isip niya.

*Ting* Jaki Gonzaga posted a picture on instagram for the first time in awhile

Tinignan ni Vice ang picture. Nasa starbucks siya. Starbucks kung saan sila unang pumunta as friends. Caption "Dito lang ako."

Nagbihis agad si Vice. Kinuha ang sports car niya at nagdrive papunta dun sa Starbucks. Hindi niya alam bakit siya kinakabahan at napapangiti. Wala pang sinasabi sa kanya si Jaki pero masaya na siya kasi magkikita na ulit sila habang walang ibang tao.

Sa starbucks kung nasaan si Jaki...

Tama ba yung ginawa ko. Handa na ba akong kausapin siya? Pero matagal ko na siyang gustong kausapin saka pagkatapos nung nangyari kanina. Hindi ko na matiis. Kinakabahan ako. Pero parang excited ako. Relax lang, Jaki.


Pagkadating ni Vice sa Starbucks, hindi muna siya pumasok. Inisip muna niya kung anong sasabihin niya. Tumingin siya sa loob. Nakita niya si Jaki nakaupo sa may corner nag cecellphone. Huminga siya ng malalim at pumasok na.

Vice: Hi Jaki

Jaki: He-hello

Vice: Ah order muna ako ng drink ko. May gusto ka?

Jaki: Ah wala ok na ko dito sa drink ko

Bumili ng drinks si Vice.

Bakit ang gwapo niya talaga huhu. Madalian lang yun pero kahit simple lang bihis niya ang gwapo pa rin niya. Inisip ni Jaki.

Ang awkward nun Viceral. "Hi Jaki?" ano first time niyo nagkita? My gahd.

Pagkakuha ni Vice nung kape niya bumalik siya kung saan nakaupo si Jaki. Pinapakiramdaman nila ang isa't isa.

"Kamusta ka na?" sabay nilang sinabi

Natawa sila.

Jaki: Sige, ikaw muna

Vice: Kamusta ka na?

Jaki: Ok naman. Ikaw?

Vice: Ok lang din.

Bigla silang tumahimik.

Vice: Congrats nga pala sa teleserye mo. Narinig ko mataas daw ratings

Jaki: Salamat...May ibang projects ka ba?

Vice: Wala. Nagpapahinga lang ako ngayon kaya showtime at GGV lang ulit ako.

Jaki: Ahhh..that's good..importante din ang health

Vice: Ikaw? Meron ka pa bang mga shows kasama si Matt?

Jaki: For now wala kasi ongoing pa yung Me for You kaya nasa showtime ako.

Vice: Mas gumanda ka Jaki.

Nagblush si Jaki

Jaki: Salamat..ikaw din mas naging gwapo ka

Kinilig si Vice.

Jaki: May inspiration ba?

Naku bakit tinanong ko agad yun huhu obvious tuloy

Vice: Wala wala...hindi ko nga alam nagbago na style ko eh..nasasabihan lang ako..eh ikaw? Inspired ba?

Jaki: Wala rin..nakakapahinga lang siguro ng maayos.

Destiny's ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon