Balik routine nanaman sila after nilang bumalik sa LA. Unti unti na rin na develop ang communication skills ni Jaice. May mga sentences na siyang nasasabi.Nung minsan ay may shooting si Vice ng GGV, nagpadala ng video si Jaki. Pinanuod ni Vice habang nagreready.
Jaice: I wuv you, dada
Napatakip ng bunganga si Vice. First time niyang narinig yun. Ginawa niyang ringtone ito para naririnig niya ang boses ng anak niya lagi. Sa sobrang saya niya, gusto niyang ishare ito sa mga audience.
Vice: Gandang Gabi, Kapamilya!
Audience: Gandang Gabi, Vice!
Vice: Bago ako magstart, I would like to share something. Panuorin natin sa screen.
Pinalabas ang video na yun ni Jaice.
"AWWWW"
Vice: Gusto ko lang po ishare pampa good vibes. Ang sarap po sa puso na marinig ang mga salita na yun galing sa anak natin. Ngayong gabi ang guest natin.....
Tatlong buwan ang nakalipas. Napansin ni Vice na parang laging masama ang pakiramdam ni Jaki. Hindi rin siya masyadong kumakain. Lagi namang sinasabi ni Jaki na pagod lang siguro. Kaya minsan nagagalit na si Vice tuwing pumipilit itong pumasok.
Vice: Wag ka nga kasing pumasok
Jaki: Papagalitan ako ni direk
Vice: Eh hindi nga maganda pakiramdam mo eh
Jaki: Kayo ko naman
Vice: Anong kaya? Hindi ka nga makatayo nang deretso pano ka sasayaw niyan
Jaki: Basta kaya ko nga
Vice: Sige magpumilit ka pa, hihiwalayan kita
Jaki: Grabe naman blackmail mo. Sige na nga. Hindi na po papasok
Vice: Tigas kasi ng ulo eh. Alam mo namang ayaw kitang nakikitang may sakit di ba? Higa ka na ulit sa kama
Inalalayan ni Vice si Jaki at hinalikan sa ulo.
Vice: Matulog ka na lang dyan. Hayaan mong sila Yaya ang magalaga muna kay Jaice. Bibilhan kita ng gamot pagbalik.
Jaki: Thank you. Love you
Vice: I love you too. Pahinga ka na
Umalis na si Vice at sinarado ang pinto. Bumaba siya para magpaalam kay Jaice.
Vice: Princess, mummy is sick ha. Take care of her for me
Jaice: O-K
Vice: Very good naman talaga ang baby ko. Pakiss nga
He smothered her with kisses.
Vice: Babye muna si Daddy. I love you, princess
Jaice: I wuv you too
Umalis si Vice.
Ilang araw ang nakalipas, mas maging mabuti ang pakiramdam ni Jaki. Kaya pinayagan na siya ni Vice na pumunta sa showtime. Sakto naman na birthday celebration ni Vice sa showtime ngayon.
Kailangan mag prod ni Vice kasi yun yung nasa kontrata niya kaya maaga ang call time nito. Sinamahan sila ni Jaki. Ang hindi niya alam, may plano pala si Jaki.
Nagrerehearse si Vice habang naglalaro lang sila Jaki.
Nagsimula na ang showtime, pati na rin ang prod ni Vice. Pagkatapos ng prod naglabasan ang mga hosts for the theme song.
BINABASA MO ANG
Destiny's Return
Fiksi PenggemarBook 2 of Destiny's Flight. Panaginip lang pala ni Vice ang mga nangyari sa Destiny's Flight. He finds himself thinking and looking for the girl in his dream. Some events are parallel to his dream. Should he take this cue as a sign that she's the o...