Mahigit isang buwan na ang lumipas since nung break up nila Jaki. Hindi nawala sa tabi niya si Vice. Kaya mas lalo pa silang naging close. Parang hindi na nga mapaghiwalay and dalawa.
Mag holy week na kaya todo kayod sila para magtape ng mga episodes na ipapalabas sa linggong yun. Wala silang pahinga at halos gabi na matapos ang taping. Nung huling gabi na ng taping, nilapitan ni Vice si Jaki.
Vice: Bes! Gusto mo sumama sa akin? Pupunta akong Hong Kong next week
Jaki: Eh di ba malapit na yun? May ticket pa ba? Saka naka book ka na
Vice: May kasama dapat ako kaso di daw siya pwede bigla
Jaki: Seryoso?
Vice: Ayaw mo? Tatanong ko sa iba?
Jaki: Sige sama ako sayo!
Vice: Nice.
Ang hindi alam ni Jaki, kakabook lang din ni Vice at dalawa talaga binili niya kasi gusto niyang makasama si Jaki. Para makumpirma nga ang feelings niya.
Dumating na ang araw ng kanilang departure.
Jaki: Ok lang ba na makita kang may kasama na babae?
Vice: Oo naman. Pake ko sa kanila. Buhay ko to
Jaki: Baka sabihin nila fluid ka na
Vice: So? Baka nga fluid na kasi ako
Jaki: Baka mawalan ka ng chance magka boyfriend niyan sa future kasi akala nila lalake ka na ulit
Vice: Ok lang. Girlfriend na kasi sa tingin ko ang gusto ko *dagdag niya ng mahina*
Jaki: Uy boarding na daw!
Naglakad na sila papunta sa boarding gate at sumakay ng eroplano. Hindi sila nakatulog sa eroplano kasi sobrang excited ni Jaki. First time niya kasi sa HK.
Vice: San mo gusto pumunta?
Jaki: Syempre HK Disneyland. Gusto ko din magshopping. Mura daw sapatos dun
Vice: Sige isang araw shopping, isang araw Disney tapos yung iba free and easy na lang kung saan tayo mapadpad.
Jaki: Okie. Picture tayo!
Nagselfie silang dalawa.
Vice: Uy maganda. Send mo sakin yan
Pinost ni Jaki sa IG yung picture. Pero tinakpan niya ng sticker ang mukha ni Vice. Caption ay "With this one ❤️"
Nagcomment ang mga kaibigan ni Jaki.
Maddie: Sino yan???
Mica: Is that who I think it is??
Hinayaan na lang niya sila manghula. Ayaw niya sabihin.
Pagdating sa HK, nagcheck in sila sa hotel nila. Fate Hotel. Natawa si Vice.
Jaki: O bakit ka natatawa bigla?
Vice: Wala. May naalala lang ako.
Jaki: Siraulo to
Ang kwarto nila sa level 31. Exactly the same, isip ni Vice. Pero imbes na magkahiwalay kami ng kwarto, ngayon iisa na lang.
Pagkapasok nila, dalawang single bed ang tumambad sa kanila.
Jaki: Buti dalawang single bed to
Vice: Pwede nating papalitan kung gusto mo kong katabi
Jaki: Feelingera ka?
Vice: Kita ko sa mata mo. Ang lagkit eh o
Jaki: Balakangadyan
Vice: San mo gusto? Sa may bintana?
![](https://img.wattpad.com/cover/150346666-288-k844431.jpg)
BINABASA MO ANG
Destiny's Return
FanfictionBook 2 of Destiny's Flight. Panaginip lang pala ni Vice ang mga nangyari sa Destiny's Flight. He finds himself thinking and looking for the girl in his dream. Some events are parallel to his dream. Should he take this cue as a sign that she's the o...