Nagising si Vice mga tanghali na. Masakit ang ulo niya. Hang over.
Bakit ang sakit ng pisngi ko.
Hinawakan niya ang kaliwang pisngi. Mahapdi ito. Tumayo siya at tinignan sa salamin. Namumula ang pisngi niya.
Anong nangyari bakit namumula?
Lumabas siya ng kwarto at bumaba. Napansin niya ang tahimik ng bahay.
Vice: Jaki? Jaice? Princess?
Hinanap niya sila sa dining room kaso walang tao. Wala rin sila sa sala. Wala din sa bakuran at pool.
Vice: Ate, nasan yung magiina ko?
Kasambahay: Wala po sila Sir. Narinig ko po yung kotse kaninang 3:30
Vice: 3:30??
Tumakbo si Vice sa garahe. Wala ang kotse ni Jaki. Umakyat siya sa kwarto nila ni Jaki. Nandun pa naman ang mga gamit nito. May kutob si Vice.
Wait. Sana hindi tama ang nararamdaman ko.
Pumunta siya sa kwarto ng mga anak niya. Dun niya nakita ang mga bukas na drawers at kulang kulang ang mga damit. Wala na din ang mga paboritong stuffed toys nila.
Shet. Ano bang nangyari kagabi. Think, Vice. Think.
Bumalik siya sa kwarto nila at napaupo sa kama. Nakita niya ang tshirt niya kahapon at kitang kita ang lipstick stain.
FCK.
Nag flashback sa kanya ang mga nangyari simula nung sa bar. Nag inuman. Binigyan siya ng alcohol kahit sabi niya juice lang siya. Nalasing dahil sa away nila ni Jaki. May lumapit na babae. Hinalikan siya. Sinubsub ng babae ang katawan niya kay Vice. Hanggang nakauwi siya at ang mga pinagsasasabi niya kay Jaki.
Napapikit na lang si Vice at napahawak sa ulo. Sumasakit talaga ang ulo niya. Binale wala na lang niya ito at kinuha ang cellphone. Tinawagan niya agad si Jaki.
"The number you've dialled is not available. Please try again later"
"Jaki naman o. Please."
Tinawagan niya ulit pero yun pa rin ang sumagot sa kanya. Tumawag siya sa bahay nila Jaki sa Makati. Ayaw man niyang gawin kasi malalaman ni Yaya Ising pero importante ang magina niya sa kanya.
Yaya Ising: Hello, Gonzaga residence
Vice: Yaya Ising, si Vice po. Nandyan po sila Jaki?
Yaya Ising: Bakit naman sila pupunta dito?
Vice: Wala po siya dyan?
Yaya Ising: Wala. May problema ba iho?
Vice: May konting hindi pagkakaintindihan lang po. Sige po tanong ko po sa mga kaibigan namin.
Yaya Ising: Ayusin niyo yan agad ha. May mga anak na kayo
Vice: Opo. Wag po kayo magalala
Sunod niyang tinawagan si Anne.
Vice: Anne! Nandyan sa inyo si Jaki?
Anne: Wala. Hindi pa rin ba kayo nagkakaayos?
Vice: hindi pa eh. Lumala nga lang eh
Anne: Bakit??
Vice: Eh mukang naglayas sila eh
Anne: Ano??? Anong ginawa mo???
Vice: Sa susunod ko na lang iexplain. Kailangan ko silang hanapin.
Nagisip si Vice kung san pa sila pwede pumunta. Kanila Maddie.
BINABASA MO ANG
Destiny's Return
FanfictionBook 2 of Destiny's Flight. Panaginip lang pala ni Vice ang mga nangyari sa Destiny's Flight. He finds himself thinking and looking for the girl in his dream. Some events are parallel to his dream. Should he take this cue as a sign that she's the o...
