Bato Bato sa Langit

2.1K 62 12
                                    

Nasanay na silang dalawa sa busy nilang schedule. Alam naman nila para sa future nila ang ginagawa nilang dalawa. Dalawang buwan na ang nakalipas since Valentines' day.

Habang nagtatape si Vice ng GGV, may naramdaman siyang kirot sa may tagiliran niya. Yung una dinedma lang niya kasi akala niya pagod lang. Hindi muna niya sinabi kay Jaki baka magalala.

Vice: Benita, anong ibig sabihin pag sumakit ang tagiliran mo?

Benita: Usually, appendicitis. Kung hindi appendicitis, baka may kutsilong nakasaksak sayo

Vice: Sira ka talaga. Appendicitis? Di ba kailangan tanggalin yung appendix pagmalala na?

Benita: Oo nga. Pero wala naman talaga kasing function yung appendix kaya pwedeng tanggalin. Bakit? may nararamdaman ka ba?

Vice: Wala naman. Baka pagod lang talaga ako

Benita: Pahinga din pag may time

Habang nakaupo siya sa van, naramdaman na naman niya yung kirot. Baka gutom lang ako

Pagdating niya sa bahay, kumuha siya ng pagkain sa ref kaso parang wala naman siyang gana kumain kaya pumanig na lang siya sa kwarto niya. Nag text pala si Jaki.

To: Baby Boy
Baby, nakauwi ka na ba?

To: Baby Girl
Oo kakauwi ko lang. Anong gawa mo?

To: Baby Boy

Nanunuod lang ng tv. Matutulog na rin mamaya. Susunduin mo ba ako bukas? O gusto mo ako sumundo sayo?

To: Baby Girl
Sunduin na lang kita.

May date kasi sila bukas. Yun ang usapan nila. Dapat meron silang date kahit busy sila. Simple lang naman naisip nila. Sa Tagaytay para malamig saka maganda din ang tanawin dun. Pagkatapos nila magusap ni Jaki, uminom si Vice ng painkillers at natulog.

Kinabukasan...

Maaga nagising si Vice dahil sa sakit sa tagiliran niya. Gusto na niya sana magpahinga kaso gusto din niyang makasama si Jaki. Ayaw niyang icancel yung date nila. Kaya kumain na lang siya ng mga limang painkillers at nawala naman ang sakit.

(A/N: Masama po yung painkillers ng painkillers. Wag gayahin)

Naghanda na siya para sunduin si Jaki. Dun daw sila magbreakfast kanila Jaki. Nagbihis siya na simple lang. Naka sweatshirt saka ripped jeans at white shoes. Kinuha niya ang sports car niya at umalis na. Nagdala din siya ng painkillers in case na sumakit ulit.

Pagdating niya kanila Jaki, naliligo pa daw siya kaya sa sala nalang muna siya naupo. Nandun si Yaya Ising. Bilang mas nakakatanda si Yaya Ising, inisip ni Vice na siguro may alam si Yaya Ising sa sakit na nararamdaman niya.

Vice: Yaya Ising, may tanong po ako. Ano pong ibig sabihin pag sumakit ang tagiliran?

Yaya Ising: Depende yan iho eh. Kung sa kanan, appendicitis. Kung medyo mataas malapit sa may ribs, pwedeng kidney stones.

Vice: Kidney stones...

Yaya Ising: Bakit? May masakit ba sayo?

Vice: May onting sakit lang naman po sa kanan.

Yaya Ising: Ipatingin mo yan ha. Bago lumala

Vice: Sige po

Narinig niyang bumababa si Jaki. Naka shorts lang si Jaki at sando pero may dalang denim jacket.

Destiny's ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon