"Ano ka ba! Wag ka ngang sumimangot diyan!" Bulyaw sakin ni Lyza habang papasok kami sa gym kung san gaganapin ang graduation ceremony.
"Bat pa kasi ako sumama dito e ?" Inis na sabi ko sa kanya , binatukan niya lang ako.
"Ikaw! Sumusobra ka na ah! Kanina ka pa sa bahay!" Sabi ko sa kanya sa sinapak ang braso niya.
Buti nalang talaga at hindi ayos ang sitting arrangement at katabi ko si Lyza ngayon. Ayaw kong sumama sa mga kaklase ko at baka nandun si Jupiter o si Jamaica.
"Tinitignan ka ni Jupiter." Bulong ni Lyza pero nanatili ang mata ko sa stage kung saan nag-aayos sila ng mga diploma na ibibigay sa mga students.
"Omo! Lalapit siya dito , bes." Bulong niya ulit , dun na ako naalarma.
"Alis tayo." Bulong ko pabalik.
"Too late." Bulong niya ulit.
"Sean , can we talk ?" Tanong ni Jupiter na naka squat sa harapan ko at nakahawak sa kamay ko.
"No." Malamig na sagot ko.
"About last time. Sorry , sorry I just can't —." Hindi ko siya pinatapos at sumabat na ako.
"Go back to her. I don't need you." Tugon ko , kita ko naman ang gulat sa mga mata niya , tinignan ko din si Lyza at ganun din siya pero nakangiti siya sakin.
"But you love me , you just can't push me off —." Natigil siya ng sinampal ko siya.
First time kong manampal! Okay ?
"I don't need your fvcking explanation , go away!" Sigaw ko sa kanya , mas nagulat naman siya sa ginawa at sinabi ko.
"Okay." Sabi niya bago umalis sa harapan ko.
Bigla namang nag-ring ang phone ko. Si Master Jin pala.
"Sorry kung hindi ako makakapunta sa graduation mo. Ipapadala ko nalang yung regalo ko bahay na tinutuluyan mo." Panimula niya.
"Okay lang naman. Hindi mo na kailangan mag-abala pa para bigyan mo ako ng regalo." Sabi ko sa kanya.
"No. Congratulations to your success , baby. See you soon." Sabi niya bago niya binaba ang tawag.
"Magsisimula na. Nandiyan na sila Mommy at Daddy." Excited na sabi ni Lyza.
Ngumiti naman ako sa kanya.
Nag-start na ang program , si Lyza ang nag-opening remarks , at ang ibang mga valedictorians ang na-assign sa iba pang gawain sa opening ceremony.
Nagsimula na ang awarding.
Malapit na akong matawag pero wala parin akong natatanaw ni isa sa mga kamag-anak ko. Parents ko o kahit si kuya man lang.
"Arragoza , Sean Lienne B." Tawag ng emcee.
Bago pa ako makatapak sa unang baitang ng hagdan ng stage , may humawak na sa kamay ko.
"Kuya." Tawag ko sa kanya , ngumiti siya at sinamahan ako sa stage.
Pagkababa namin , niyakap ako ni kuya ng mahigpit.
"I'm so proud of you , Lili." Sabi niya.
"Thank you kuya , where's mom and dad ?" Tanong ko.
"Uh , they're busy." Sagot niya.
Bumalik ako sa upuan , aakyat ako ulit mamaya pa makukuha ang honors & awards , una kasing binigay ang mga diploma.
After a few minutes , malapit nanaman akong tawagin.
"And for the Science , Technology , Engineering & Mathematics Class Valedictorian Batch 2018 , Miss Sean Lienne Arragoza. Sean Lienne will also receive that following awards , Best In Computer , Best In Mathematics , Best in English , Best in Science , Best in Biology , Best in Christian Living Education , Best in MAPEH , Debate Champion in the field of Science , Silver Medal Awardee Math Quiz Bee National 2018 , Gold Medal Awardee Sci Art National 2018 , she's the reigning Miss Campus 2018." Announce ng emcee.
"You're an achiever." Sabi ng Dean namin na siyang nag-award ng lahat ng medals na nakuha ko.
"Thank you." Sagot ko naman sa kanya.
Pagbaba namin nagp-picture kami ni Kuya bago siya nagpaalam na umalis.
"Dinaan ko na sa bahay nila Lyza yung regalo ko. Keep safe always. My work pa si Kuya , Bye , I love you." Sabi niya saka siya umalis.
Samantalang ako ? Bumalik ako sa dating pwesto namin ni Lyza.
"Lyza , hindi pa tayo aalis ?" Tanong ko sa kanya , umiling naman siya.
Baka meron pa siyang award mamaya.
"May we call on , Miss Sean Lienne Arragoza , the highest among the valedictorians of the school year 2017 - 2018 to give her Valedictory Speech." Sabi ng emcee.
Napatingin naman ako kay Lyza at sinabi niya na pumunta na ako. Kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod kesa mapahiya ako.
"Good Evening to all of you , I'm kinda shock that I'm here in front of you giving a valedictory speech. In this school , we earned all of our memories together , memories of happiness , sadness , truly , Highschool life is the most memorable for all of us. Right now , it's our last day here in this school , we are half way to our dreams. We need to bid our goodbyes to each other including our dearest teachers , who are always there to help us , to teach us. This school is our second family where everyone is a member. Congratulations graduates!" Nagpalakpakan sila habang pababa ako sa stage.
"And finally! The long wait is over , raise you toga up & free it in the air! Congratulations Graduates Batch 2018!" Sabi ng emcee kaya binato namin ang toga namin pataas.
"Let's celebrate!" Masayang sabi ni Lyza saka kami nagyakapan.
"Congratulations , bes." Sabi ko sa kanya.
"Congratulations din! Bestfriend goals!" Sabi niya saka niya ako hinila papunta kila Tita at Tito.
"Congratulations Future Attorney Dela Cerna and Architect Arragoza!" Sigaw ni tito saka kami inakbayan ni Lyza pareho.
I guess , I have my new family naman e.
Vote & Comment!
BINABASA MO ANG
Always Rejected ✔ | UNDER REVISION
RomanceUno Series No. 02 Date Started: May 27, 2018 Date Finished: June 25, 2018 [ cover was taken from unsplash ]