Chapter 28

972 14 0
                                    

Ugh! Hindi ako makatulog , sinilip ko si Finley mukhang tulog naman na siya. Ang hirap namang matulog ng ang lakas lakas ng kulog at kidlat.

Sabihan niya na akong magaling chumansing , hindi talaga ako makakatulog!

Dali dali akong pumunta sa kama ni Finley at tinanggal ang kumot na yakap niya saka humiga sa tabi niya , bahagya naman siyang gumalaw kaya nag-steady lang ako.

"Why are you here , baby ?" Tanong niya.

"I can't sleep , I'm afraid of lightnings & thunders." Sabi ko sa kanya , natawa naman siya , pati ba naman pagtawa ang manly pa din!

Niyakap niya naman ako ng mahigpit saka bumulong. "Good Night. I love you." Sabi niya saka natahimik na siya.

Sobrang pagod niya siguro kaya talagang inaantok na siya. He's always busy kasi , ugh! Hindi ko naman pwedeng bawiin yung sinabi ko kanina baka sabihin niya ang easy to get ko diba ? Kailangan ko ding magpakipot minsan.

Nagising ako dahil sa naramdaman kong may nakatitig sakin , pagmukat ko ng mata nakatingin lang sakin si Finley.

"Good Morning , Baby." Sabi niya saka inayos ang tikwas na buhok ko , inirapan ko naman siya.

Chineck ko ang damit ko kung meron pa , okay pa naman so walang dapat ipag-alala.

"Omg! Finley Josch Ibañez!" Duro ko sa kanya pagtayo ko sa kama.

"What ? Sigaw ka ng sigaw , ang aga aga." Sabi niya saka naupo , tinuro ko naman ang dugo sa kama , halata rin sa kanya ang pagkagulat.

"I didn't touch you! Swear!" Kinakabahang sabi niya.

Hindi rin naman masakit katawan ko , ibig sabihin virgin pa ako! Magdiwang! Hooray!

"Meron ka lang." Sabi niya saka humiga ulit.

"Walang sanitary napkin diyan." Sabi ko sa kanya.

"Bumili ka diyan sa labas , may convenient store ata —." Hindi ko siya pinatapos at binatukan ko na siya.

"Bilhan mo na ako." Sabi ko saka hinila ang kamay niya paupo , hinila niya din ako  kaya ang ending patagilid akong naka-kandong sa kanya.

"Kiss muna." Sabi niya saka nginuso ang labi niya , sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Bibili ka o hindi ?" Tanong ko sa kanya bigla namang lumukot ang mukha niya.

"Oo na , bibili na." Sabi niya saka dumiretso sa banyo , mags-sepilyo siguro.

Bago pa siya lumabas ng suite , andami niyang bilin na kesyo wag daw akong lalabas , hintayin ko daw siya.

"Oo na , bumili ka na." Sabi ko sa kanya saka tinulak palabas ng suite.

Naghanap naman ako ulit ng tshirt niya na pwede kong gamitin at kinuha ang maong short na nandun , high waist pa nga.

"I'm here." Sabi niya saka inabot sakin ang isang pack ng sanitary napkin.

Agad akong pumasok ng cr para magpalit , inayos kong mabuti ang ginamit kong mga damit.

"Miss , what's your name ?" Tanong ni Finley dun sa naglilinis na Amerikana.

"Halley Hunglebrag." Sagot nito , magsasalita pa sana siya ng mapansin niyang nakatingin na ako ng masama sa kanya.

"Napaka ano mo!" Sabi ko sa kanya , natawa naman siya sa inasal ko.

"Sorry na , baby. Tinatanong ko lang naman kung anong pangalan niya e." Sagot niya kaya binatukan ko siya.

We ate breakfast pagkatapos maglinis nung babae , bumili si Finley ng breakfast sa Starbucks.

"Anong nangyayari sayo ?" Tanong niya ng bigla kong hinawakan yung puson ko.

"Ang sakit ng puson ko." Sabi ko sa kanya saka humiga sa kama.

"Anong gagawin ko para mawala yan ?" Tanong niya saka hinawakan pa ang kamay ko na nasa puson ko.

"Itutulog ko lang to." Sabi ko sa kanya.

"How does it hurt ?" Tanong niya.

"Kuha ka ng lagari tas gawin mo sa puson mo , ganun kasakit." Sagot ko , bigla naman siyang naalarma at nag dial sa phone niya.

"Ely! Ano bang gamot sa sakit ng puson ?— basta! — ano nga ? — bahala ka. — yun lang ? — oo na!" Sabi niya saka binaba ang tawag.

"Kukuha lang ako ng hot compress." Sabi niya saka umalis sa suite.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako dahil sa paghihintay sa kanya.

Pagkagising ko may hot compress na sa puson ko at nakahiga sa tabi ko natutulog si Finley.

"I'm hungry." Gising ko sa kanya , agad naman siyang naalimpungatan at bumango para kunin ang mga pagkain sa table.

"Feeling better ?" Tanong niya , tumango naman ako.

"Uh , I was so worried a while ago. You looked really pained." Sabi niya saka inalalayan akong makaupo.

"It's normal for girls like me." Sagot ko sa kanya , sinubuan niya naman ako. 

"But it looks really painful , I'm worried." Sabi niya saka sinubuan ako ulit.

"It's girl's monthly routine." Kibit balikat ko , sumimangot naman siya.

"We're going to stay here all day." Sabi niya , hindi pa kasi talaga maganda ang panahon.

"Uh , I want to sleep." Sabi ko saka nag inat sa higaan.

"I'll watch you." Sabi niya saka inayos ang pinagkainan ko.

"You can sleep beside me naman." Sabi ko sa kanya , natawa naman siya.

"You're trusting me this much , huh ?" Natatawang tanong niya , tumango naman ako.

"Okay , I'll sleep with you." Sabi niya saka tumabi sakin at niyakap ako.

"Kelan ka uuwi sa Pinas ?" Tanong ko sa kanya.

"Siguro 4 days lang ako sa Korea tas uwi na akong Laguna then punta ako sa inyo ni Lyza." Sabi niya saka niyakap pa ako ng mas mahigpit.

"Uh , don't forget my chocolates & korean stuffs." Sabi ko , naramdaman ko naman ang pagtango niya.

Hanggang sa makatulog ako.

"God , thank you for bringing Finley into my life." Mahinang pasasalamat ko bago ako natulog.


Vote & Comment!

Always Rejected ✔ | UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon