Chapter 14

1.2K 19 6
                                    

"Uh , Sean Lienne Arragoza." Simpleng sagot ko bago siniko si Lyza.

"Lyza Beatrice Dela Cerna." Nakangiting sagot ni Lyza.

"I'm Miguel Rage Villamor , oh Ely! Bakit ka nakatunganga diyan!" Sabi niya sa babae na nakatingin lang sakin.

"Sean Lienne ang pangalan mo ?" Tanong niya sakin , tumango naman ako.

"Hm , David naiisip mo ba ang naiisip ko ?" Tanong niya sa lalaking kasama niya , tumango naman ito.

"Kapatid ako ni Kuya Finley." Nakangiting sabi niya , nagkatinginan naman kami ni Lyza.

"Omo! Talaga po! Ano pong course niyo ?" Tanong ni Lyza.

"2nd year college na ako , nursing." Sagot niya bago nakipaglampungan ulit sa jowa niya.

Dumating ang mga order namin at nagsimula na kaming magkwentuhan.

"Gusto kasi ni Kuya na maging independent kaya lagi siyang lumalayo samin , kaya gumaya din ako sa kanya." Sabi ni Ely na kumakain ng fries.

"Oo , napadpad ka dito sa Zambales e taga Laguna ka naman." Sabi ni Kuya David na ahead sa kanya ng dalawang taon.

"Ano nga palang course mo , Lyza ?" Tanong ni Miguel sa kanya.

"Law." Sagot nito.

"Naku! Nakakaboring diyan , ang tagal tagal ng pag-aaral diyan." Sabi ni Miguel na kumakain ng ice cream ng Mcdo.

Nang matapos kami kumain , bumalik din kami ni Lyza sa condo niya at naghanap kami ng pwedeng pagkaabalahan.

"Hindi ko talaga alam bakit ka hilig na hilig sa sword of shadows na yan , may napapala ka ba diyan ?" Tanong ni Lyza sakin habang pinapapak ang nutella na binili niya kanina.

"Natutuwa kasi ako kay Master Jin , he's so sweet kasi." Sabi ko saka bumalik ulit sa paglalaro.

"O , baka mainlove ka na diyan sa Master Jin mo na yan." Asar niya sakin habang sinusundot sundot ba ang tagiliran ko.

"As if naman talagang magkikita kami nu!" Sagot ko sa kanya.

"Malay mo lang naman , nandiyan lang pala siya sa tabi tabi!" Tili ni Lyza , natawa naman ako.

Master Jin : I'm busy this week , can we chat instead ? Add my facebook acc , Master Jin. I can't show my profile yet but you can chat me using that acc.

Lady Lili : Why ? You can text or call me anytime naman e.

Master Jin : I lost my sim , just add me on that acc , chat me anytime.

Nag-search naman ako , sinearch ko ang pangalan niya sa facebook.

Lady Lili : Yung nakatalikod ?

Master Jin : Yup. Coverphoto ko picture mo.

Nagulat naman ako ng mabasa ko yun kaya tinignan ko , aba oo nga!

Stolen picture ko noong evening gown competition.

Lady Lili : Stalker alert.

Master Jin : Nope. I gave you that gown , remember ?

Lady Lili : Yaya , I sent you a friend request.

Master Jin : Accepted , chat me later. I'll be having a business meeting in a few minutes , baby. Sleep early. :)

Di na ako nagreply pagkatapos.

"Business meeting ? Baka naman matanda na yang kachat mo!" Nagulat ako sa sigaw ni Lyza , binatukan ko nga.

Always Rejected ✔ | UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon