"Lili , you sure you'll be fine ?" Tanong ni Mommy habang hinihintay namin si Finley dahil nagpasundo ako.
"Yes , Mom. I'll be fine , I'll just buy a condo siguro but for the meantime sa hotel muna ako. Nga pala , I'm going back to Zambales days from now. Binyag ng anak ng kaibigan ko. You shoukd visit me there then let's have a bonding." Sabi ko kay Mommy , tumango naman siya.
"Anak , ako nalang ang bibili ng condo mo. Just tell me kung saan para —."
"Mom , I can buy it. I have lots of investments , my friend taught me how to invest so." Natatawang sagot ko sa kanya.
"You've been great , anak. Oh , ito na yata ang sundo mo." Sabi ni Mommy at tinuro ang sasakyang huminto sa harap namin.
Nilagay ni Finley ang nga maleta ko sa sasakyan niya at tumingin sakin at kay mommy.
"Uh , mom. He's Finley Josch Ibañez , kapatid ng friend ko. Finley , this is my mom , Vel Arragoza." Pakilala ko sa kanila.
"Nice meeting you , Madamé." Sabi ni Finley , ngumiti naman si Mommy.
"Mag-ingat kayong dalawa. Bye , anak." Sabi niya saka hinalikan ang sentido ko.
"Bye , Mom." Paalam ko saka pumasok sa loob ng sasakyan.
Pinaandar na ni Finley ang sasakyan , ewan ko kung saan kami pupunta.
"I'm hungry. Let's go sa Jollibee." Sabi ko sa kanya , tumango naman siya.
Pinark niya ang sasakyan ng may makita kaming isang malaking bubuyog.
"I'll go with you sa counter." Sabi ko sa kanya , tumango siya at pumila.
"What do you wanna eat ?" Tanong niya.
"Uh , Jollispag , Chicken joy , fries , burger & nestea." Sabi ko.
"Hindi ka diet ?" Tanong niya , umiling ako.
"Where are we going ?" Tanong ko sa kanya.
"Sa condo ni Lyza." Sagot niya.
"Bakit sa condo ni Lyza ?" Tanong ko ulit.
"Silly , I bought that." Sagot niya kaya binatukan ko naman siya.
"You can stay there with me , Lili." Sabi niya , tumango naman ako.
Libre yon! Dibale , dalawa naman ang kwarto e.
Nag-order siya saka kami humanap ng magandang pwesto.
"Hey , it's your secretary & miguel ? Why are they together ?" Tanong ko kay Finley.
"I don't know." Medyo naiinis na sabi niya.
Tinignan ko naman silang magkasama , they're so sweet. Maybe , they like each other.
We started eating in silence.
"You done ?" Tanong ni Finley sakin.
"Yup." Sagot ko naman , tumayo na siya kaya mukhang aalis na kami ng bigla siyang pumunta sa table nila Miguel at Thalia.
"Back off." Sabi ni Finley saka hinila palayo si Thalia mula kay Miguel.
"You can't have them both. Mind as well share Thalia with me , or you want me to take Sean away from you ?" Asar na tanong ni Miguel kay Finley.
Ako naman natahimik lang , hinila lang din ako ni Finley palabas ng Jollibee at pinagbuksan sa passenger seat samantalang si Thalia ay sa back seat.
"I told you to stay away from him!" Sabi ni Finley kay Thalia.
"Fin , we're over! Don't meddle with my own business!" Bulyaw ni Thalia pabalik saka lumabas ng sasakyan.
Susundan na sana siya ni Finley kaya lang naalala niya yata na nandito ako.
Agad niyang pinaandar paalis ang sasakyan. Ayaw kong magsalita kaya natulog nalang ako.
"Lili , we're here."
Nagising ako sa boses ni Finley , nandito na kami sa parking lot ng Cheng Condominiums.
"Wait for me at the lobby. I'll fix your things." Sabi niya , tumango naman ako at lumabas ng sasakyan.
Naglakad ako papasok sa loob at naghintay sa lobby , wala pang ilang minuto , hila hila na ni Finley yung dalawang maleta ko at sinenyasan niya ako na pumasok na sa elevator.
"You'll sleep here ?" Tanong ko.
"Nope. Uuwi ako sa Laguna , babalik ako dun. Baka bukas balik ako ulit dito." Sagot niya , tumango naman ako.
Nang makapasok kami sa loob ng condo , nilagay ko ang maleta ko sa kwarto at bumalik sa sala.
"Omg!" Tili ko ng makita ang mga paperbacks at chocolates na nagkalat sa sala.
"Oh! Bago ko makalimutan." Sabi ko saka minuha any tshirt na bibili para sa kanya.
"Thank you , please fix this condo architect , yung panglalaki. God! Everything is pink!" Reklamo niya bago nagpaalam na umalis.
"Finley , we're friends. You can court every girl you want but when I tell you , I'm yours. You need to stop being a womanizer." Paalala ko sa kanya , ngumiti siya at tumango.
~ ♡♡♡ ~
"You sure you're safe here ?" Tanong ni Mommy pagkatapos naming mag dinner.
"Yes , Mom. Finley respects me , perhaps there are two rooms inside." Sagot.
Tapos na ang binyag ni Daniella & bonding ko with my mom. I've been great!
"See you on your graduation day , Lili. I'll be there." Sabi niya saka niyakap ako ng mahigpit.
"Lili , you don't know how happy I am. You're finally fulfilling your dreams." Sabi ni Mommy , naiyak naman ako pero pinunasan ko kaagad ang luha ko.
"Thank you , Mom. This is all for you naman e." Sabi ko , ngumiti siya bago sumakay sa elevator.
This day went well! Sana magtuloy tuloy na , hoping for Daddy's fast recovery.
Pumasok ako sa unit after umalis ni Mommy , narinig ko namang tumunog ang phone ni Finley kaya sinilip ko.
Thalia : Fetch me later , I didn't bring my car. See you , keep safe.
Sinilip ko ang kwarto ni Finley , he's still sleeping peacefully.
"Finley , Thalia texted you." Gising ko sa kanya.
Bigla naman siyang napabangon , inabot ko naman ang phone sa kanya.
"Oh , shit. Pupuntahan ko lang siya." Sabi niya saka dali daliang nag ayos ng sarili.
Tinignan ko naman siya habang nagmamadali siyang puntahan si Euthalia.
"I'll be back." Sabi niya saka umalis.
Why do I feel like my heart is pierced with a knife ? It hurts like hell. Damn you , cupid.
Vote & Comment!
BINABASA MO ANG
Always Rejected ✔ | UNDER REVISION
RomanceUno Series No. 02 Date Started: May 27, 2018 Date Finished: June 25, 2018 [ cover was taken from unsplash ]