Nasa loob kami ng bahay nila Jamaica , hinihintay namin ang funeral para magsimula na kaming magtungo sa sementeryo.
"Babe , stop crying." Tahan ni Finley sakin.
Sinilip ko ang kabaong ni Jupiter , his face is so peaceful , parang natutulog lang siya , unfortunately panghabang buhay na ang pagtulog niya.
"Atleast , he told you what he feel. Hinintay ka lang talaga niya. He died without a burden." Sabi sakin ni Jamaica saka yumakap.
Kinalong ko naman ang anak ni Jupiter , he really looks like Jupiter.
"He looks like his father." Sabi ko kay Finley , hinawakan naman niya ang mukha nito.
Isa siyang batang walang muwang. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa paligid niya.
"Come on , magsisimula na. I'll carry him." Sabi ni Finley , tumango naman ako at humawak sa isang braso niya.
Nang makarating kami sa sementeryo , nagmisa ang pari para sa kaluluwa ni Jupiter.
"Ang ating kapatid na si Jupiter ay namayapa na , matatamasa niya na ang buhay na walang hanggan kasama ang panginoon ... "
Nang matapos ang misa , nagbasbas kami gamit ang holy water. Bago siya binaba sa hukay na siyang tutuluyan niya sa mahabang panahon.
"He'll be okay." Bulong ni Finley saka hinalikan ang buhok ko , niyakap ko naman siya.
"Where's Shan ?" Tanong ko.
"He's with Jamaica." Sagot niya habang hinahagod ang likod ko.
"Babe , let's take a break. I want to go to Korea." Sabi ko sa kanya.
"Next week , we'll go there. I'll fix my sched." Sagot niya.
"But if you're busy —."
"No , it's okay. You can take Dred with us , she's been ranting about it all the time." Sabi ni Finley , tumawa naman ako.
That Kdrama addict!
Nang matapos ang mga seremonyas sa bahay nila Jamaica , umuwi na rin kami ni Finley. We need to go back to our condo.
"Lagi ka nalang nag iimpake , Lili. Hindi ka ba napapagod ?" Tanong ni Kuya.
Inirapan ko naman siya , pinalo siya ni Jamaica.
"Love , stop it." Sabi sa kanya ni Jamaica , niyakap naman siya ni kuya.
Dumating si Mommy at Daddy dala si Shan , dito ata siya magstay ngayong gabi.
"Gusto ko ng magka apo , Sheen. Baka naman pwedeng bilisan niyo na." Sabi ni Daddy , siniko naman ako ni Finley.
"Manahimik ka." Bulong ko sa kanya , ngumuso naman siya.
Nang matapos akong mag impake , bumaba kami sa kusina para mag dinner.
"Ngayon ba kayo aalis ?" Tanong ni Daddy , tumango naman si Finley.
"Drive safe , Fin." Paalala niya , tumango naman ito.
Habang kumakain kami , hindi ko maiwasang humanga dahil kahawig na kahawig ni Shan ang tatay niya.
"He'll live here ?" Tanong ko kay Mommy.
"Yes , your brother & jamaica is quite busy that's why." Sagot ni Mommy , ngumiti naman ako.
"Babe , baka naman gusto mo ng magkaroon din ng cute na anak ?" Tanong ni Finley , agad namang namula ang mukha ko.
"Babe , stop it." Sipat ko sa kanya , tumawa lang naman sila Daddy.
BINABASA MO ANG
Always Rejected ✔ | UNDER REVISION
RomanceUno Series No. 02 Date Started: May 27, 2018 Date Finished: June 25, 2018 [ cover was taken from unsplash ]