Nagising ako na hindi ko alam kung kaninong kama tong hinihigaan ko.
"Good Morning." Bati ni Tita Daisy na may dalang breakfast ata yun.
"Where's Kuya Finley po ?" Tanong ko sa kanya.
"Nasa baba , nagkakape. Sobrang sakit daw ng ulo. O siya nga pala , tumawag kanina sayo yung isang professor mo. Hinahanap ka , nagc-class ka kahit semestral break ?" Tanong ni Tita , tumango naman ako.
"Gusto ko po kasi 4years lang ako mag-aral para kasabay ko sila na g-graduate." Tukoy ko kila Niña kung saan 4 years course lang ang mga kinuha nila , gusto din sana ni Lyza kaya lang grabe ang 10 years kung gagawin mo lang na 4 years. Hindi niya kakayanin.
"Hm. Sige na , magprepare ka na at dadalhan kita ng damit ni Ely dito." Sabi ni Tita bago lumabas ng kwarto.
Kumain muna ako ng almusal saka naligo , nakalimutan ko pa tuloy na may klase ako ngayon dahil sa kay Finley , hindi ko naman kasi siya masisisi na masktan dahil iniwan ba naman ni Kuya David ang kapatid niya pero hindi naman siguro tama na duruin niya ako ng basag na bote ng beer!
"Sean , nandito na yung damit mo sa kama. Il-lock ko yung pinto." Sabi ni Tita Daisy.
"Opo , tita!" Sagot ko at nagpatuloy sa paliligo.
Nang matapos ako , sinuot ko na ang binigay ni Tita , may note na nakaipit dun.
Lili ,
Sorry dahil sa kagabi. Wear this , I bought this a while ago.Mukhang si kuya Finley ang nagbigay , isang jeans at tshirt plus my undergarments , medyas at sapatos pa.
"Ang yaman niya talaga." Sabi ko sa sarili ko saka sinuot ang damit.
One Message Receive!
Master Jin :
Smile. :)
Natuwa naman ako sa isang simpleng text , buo na ang araw ko.
Lady Lili :
I'm smiling , thank to u. Lol :)
Hindi pa ako nakakalabas ng kwarto at tumunog ulit ang phone ko.
One message receive!
Master Jin :
Good , wait for my driver to pick you up in that house , Lili. You're already late.
Hindi na ako nagreply pabalik , late na ako at nandito pa ako sa Laguna , hindi naman siguro masama kung may absent akong isang beses diba ?
"Oh Sean , pahatid ka na kay Kuya mo Finley." Sabi ni Tito George pero umiling ako.
"May susundo po sakin." Sagot ko na ikinagulat nila.
"Sino ? Hindi mo naman sinabi na may boyfriend ka na pala , Lili." Sabi ni Tita Daisy.
Nagulat naman ako pero nagbawi din ako ng ngiti.
"Kaibigan ko lang po iyon , Tita." Sagot ko ng may bumusina sa gate , mukhang yun na yon. Kasi bumaba yung nagbigay dati ng breakfast mula sa sasakyan.
"Una na po ako , tita." Sabi ko saka bumeso at yumakap bago pumunta sa sasakyan.
"Good Morning , Lady Lili. Master Jin wanted to fetch you but he's busy at the moment so he sent us here. Go inside , Lady." Sabi ng secretary niya kaya pumasok naman ako sa loob.
"Good Morning , Lady Lili!" Bati ng nakangiting driver , bumati din naman ako pabalik.
Sumulyap ako sa bahay at nakitabg nakatingin si Kuya Finley sa sasakyan na sinakyan ko.
"Where will we drop you , Lady Lili ?" Tanong ng secretary niya.
"Sa school nalang , I still have a few more classes this day." Sagot ko saka tumingin sa bintana.
"Okay. —Master , she will go to school." Sabi niya sa kausap niya sa phone.
Hindi ko namalayan , nakatulog pala ako kasi paggising ko , nasa parking lot na kami ng school.
"Thank sa paghatid , guys!" Sabi ko sa kanila bago bumaba ng sasakyan.
Tanghali na at hindi pa ako nakakapag-lunch kaya napag - isipan kong pumunta nalang muna sa canteen.
Ibang barkada ko nagpapakasaya , samanatalang ako , nag-aaral dito.
"Oh , Sean. Bat ka malungkot ?" Napaangat ako ng tingin sa nagsalita , si Niña ?
"Uhm, you're not supposed to be here." Sabi ko sa kanila , oo , complete sila maliban syempre kay Ely na ngayon ay nagd-dalang tao parin.
"Syempre , hindi naman pwede iwanan ka naman dito. O , jollibee." Sabi ni Miguel saka pinakita ang tatlong bucket meal , may hawak din sila Angeline na pagkain , si Dred ay inumin , si Lyza naman desserts at umupo sila sa harapan ko.
"Hey , pwede namang magbakasyon kayo ng wala ako e." Sabi ko sa kanila habang inaayos nila ang mga pagkain.
"Nako! Hindi masaya kapag wala ang bunso kaya kumain nalang tayo at mamaya may klase ka pa!" Sabi ni Jeannie na may hinahanap sa bucket.
"Bakit wala yung may flag ?" Kunot noong tanong niya.
"Tinggal ko yung mga flag sa lahat ng buckets , bahala kayo diyan." Sabi ni Miguel , bigla naman sumigaw si Dred.
"You fvckin' !! It's so spicy!" Sigaw ni Dred saka uminom ng iced tea.
Napuno naman kami ng tawanan , hindi kasi sanay si Dred na kumain ng maanghang.
"Karma yan. You put chilly sauce sa jolli spag ko nun!" Sabi ni Angeline na tawa ng tawa kaya sumimangot naman si Dred at umirap habang kumakain ng sundae.
"I never thought that escaping from my parents will lead me to you , guys." Madamdaming sabi ko kaya naman tinawanan nila ako at binato ng tissue.
Vote & Comment!
BINABASA MO ANG
Always Rejected ✔ | UNDER REVISION
RomanceUno Series No. 02 Date Started: May 27, 2018 Date Finished: June 25, 2018 [ cover was taken from unsplash ]