Yedda's POV
"Happy birthday Yedda! Happy birthday Yedda! Happy birthday Happy birthday, Happy birthday Yedda!!! " masayang kanta nila sakin, sa sobrang saya halos mapunit nayong mga mukha nila.
^___^ -sila
-___- - ako
Hinipan ko na yung cake at nagwish.
'Sana matapos na ang labis na sakit na naratamdaman ko ngayon'
"Yeheyyy. Happy birthday bunso" malambing na bati ni Mom sabay halik sa pisngi ko.
–.–
"Para namang hindi happy yung may birthday. " sarkastikang sambit ng pinakamamahal kong ate.
"How can she be happy eh wala ang kanyang napakagwapong boyfriend ngayon.... Anyway bunso where's your handsome boyfriend, Bry? Bakit wala sya ngayon?" tanong ni mom.
Gusto ko sana syang icorrect at utusang ulitin ang tanong nya at gawing 'where's your handsome ex-boyfriend ,Bry?' Kaso tinatamad ako.
Wala kasing kaalam alam ang mga magulang namin sa nangyari sa pagitan namin ni Ate. Hindi nila alam ang pinaggagawa ng napaka-perpect nilang panganay.
"Busy" simpleng sagot ko sabay tingin sa ahas este sa sawa ayy I mean sa ate ko.
"Wanna know the the true reason why I'm not happy, 'Ate'?" nakangiti kong tanong sa kanya.
"Yeah sure. Why not?" nakangiti din nyang tugon. Napaglitan kami ng mga pekeng matamis na ngiti.
"Nalulungkot kasi ako, yung almost perfect na ahas na kilala ko insecure sakin. Naaawa ako sa kanya. Sobra" kunyari malungkot kong sabi. Napangisi sya dahil dun.
Nasa kasagsagan kami ng gyera sa titigan ng magsalita si Mom. "Ah right. Bakit hindi mo inimbitahan si Lanz, Yeska?"
"Busy din, Mom."
"I see. Your handsome boyfriend's are both busy pala today. Tara na't kumain"
Nagpaalam ako na may kukunin lang sa kwarto at sinabing babalik agad. Pero ang totoo wala nakong balak lumabas pa. Bahala sila may pa celebrate celebrate pa kasi e, daming kaartehan.
Dinampot ko yung phone ko na nasa kama. Nakita kong ang daming texts. Una kong binuksan yung galing kay Lanz, ex boyfriend ni ate. May gusto sya sa akin kahit nung sila pa ni ate. Like dafuc right? May girlfriend na pumoporma pa sa iba, at ang mas malala kapatid pa! Kaya bilib din ako sa katigasan ng mukha ng hinayupak na'to eh.
'Happy birthday my sunshine. Always remember that I love you so much ♡'
Lakas maka sunshine kala mo close kami eh. Parehas sila ni ate eh. Ang kapal ng faceeee!
Binasa ko nadin yung ibang messages at puro lamang yun greetings. Hindi nako nag abalang reply-han sila. Wala naman kasi akong sinabing batiin nila ako eh. Bahala sila.
Isa lang naman ang gusto kong bumati sa akin ngayon eh. Kaso baka nakalimutan nya na birthday ko ngayon. Ako nga nakalimutan nya na birthday ko pa tss?
Napatawa ako ng mapait kasabay na pagtulo ng luha mula sa mga mata ko. Deserve ko bang masaktan ng ganito?
Sumapit ang gabi ng hindi ko namamalayan.
Lumabas ako ng balkonahe ng kwarto ko at pinagmasdan ang mga bituin sa langit at ang buwan.'The moon split in half and the stars crumbled, falling like fireworks into the sea. I've watched my world fall apart the day my love left me'
BINABASA MO ANG
A Love That Sealed For Eternity (Completed)
Historical Fiction"Mundo'y magiging ikaw, Sebastian" Hindi lahat ng kwentong pag-ibig ay kailangan ng masayang pagtatapos..... Story title (in Tagalog): Isang Pag-ibig Na Nabuklod Magpakailanman. Story Inspired by: IV of Spades Mundo.