Yedda
LIMANG ARAW na ang nakakalipas pero hindi parin kami nagkikita ni Seb. Sobrang miss ko na sya. Hindi parin kasi sya bumabalik galing sa kabilang bayan.
Ano ba kasing importanteng ginagawa nya doon?
"Binibini. Gusto nyo bang tikman ang niluto namin ni Agata na maruya?" sulpot ni niña na may dalang plato na naglalaman ng maruya habang sa likod naman nya ay si agata dala dala ang isang pitsel at mga baso. Nandito kami ngayon sa hacienda ng mga agoncillo. Kasalukuyang nasa kanilang hardin.
Agad kong tinikman ang gawa nilang maruya. At ang masasabi ko lang.... Lasang maruya.
"Masarap" simpleng giit ko sa kanila. Sunod kong ininom ang buko juice na timpla nila. Matamis! May lasa!
"Yon! Ang tamis. Masarap" magiliw na wika ko naman para mapangiti sila ng wagas.
Nang maubos namin iyon ay agad nilang niligpit ang pinagkainan namin at ibalik sa kusina para maiwan akong mag isa ulit ngayon.
"Magandang araw, binibining Yedda" napagitla ako ng may mag slita.
"Patawad kung nabigla yata kita"
"Okay lang" sagot ko nalang.
"Ano yon binibini?" nga pala english yung 'okay'
"Ayos lang kako" napatawa sya ng marinig ang pagkairita sa boses ko.
"Maari ka bang sumama sakin upang mamasyal binibini?" maya maya'y tanong nya. Napaisip ako. Tutal boring naman dito, pumayag ako.
****
"San tayo pupunta Màximo?" tanong ko sa kanya. Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon patungo kung saan habang may dalawang nakasunod samin.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang tumigil kami sa..... isang bangin.
O_o
"A-anong ginagawa natin dito?"
"Masdan mo ang napakagandang tanawin, binibini" utos nya. Nilibot ko ang aking mga mata at talaga namang nakakamangha ang tanawin.
"Ito ang dulong bahagi ng bayan na ito, ang dagat na iyan ang dinadaan patungong ibang bansa, binibini." aniya pa.
Nasa isang bangin kami ngayon at mamali ka lang ng tapak ay maari kang mahulog.
Matatanaw mo ang asul na asul na kalangitan, mapuputing ulap. Ang malawak na kaasulan ng karagatan na animo'y kumikislap dahil sa sinag ng haring araw. May mga ilang rock formations din.
Bahagyang napawi ang pangungulila ko ngayon kay Seb ng dahil sa breathtaking view na ito.
"Anong tawag sa lugar na to?" tanong ko sa kanya.
" 'Bangin ng Walang Katapusan' " sagot nya.
Woww.
"Bakit 'Bangin ng Walang katapusan' ?"
"Bangin. Batid kong una agad na papasok sa iyong isipan ang 'katapusan' kapag maririnig moangsalitangyon. Dahil maraming nagsasabi na kapag bangin, ito ay katapusan na, binibini. Ngunit sadyang kakaiba ang bangin na ito dahil mayroong dagat na maaring pang pagsimulang muli. Ang dagat ay walang katapusan. Patuloy lang ang agos nito at hindi natatapos" napanganga ako sa sagot nya. Kahit hindi ko masyadong maintindihan ay hindi ko maiwasang mapanganga.
"Salamat" kusa kong nasambit.
"Salamat?" takang tanong nya. Ngitian ko muna sya bago magsalita.
BINABASA MO ANG
A Love That Sealed For Eternity (Completed)
Historical Fiction"Mundo'y magiging ikaw, Sebastian" Hindi lahat ng kwentong pag-ibig ay kailangan ng masayang pagtatapos..... Story title (in Tagalog): Isang Pag-ibig Na Nabuklod Magpakailanman. Story Inspired by: IV of Spades Mundo.