YeddaNagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa paanan ko. Pakiramdam ko ay napakaganda ng gising ko.
Lumabas na ko ng kwarto ko kahit sa tingin ko ay mukha akong ewan ngayon dahil kakagising ko palang. So what? Lakayongpake.
"Agataaaa" tawag ko habang nababa sa hagdan.
"Binibini, gising na po pala kayo. Sandali lang po at ihahanda ko na ang iyong pampaligo at isusuot" tumango lang ako at umupo.
Ilang minuto ang nakalipas.....
"Binibini, maari na po kayong maligo" tumayo nako at nagpunta sa banyo. Feeling ko tuloy baby ako na kailangan pang alagaan. Kaya ko namang gawin yun pero tinatamad lang ako hehe.
Pagkatapos kong maligo sinuot ko na yung baro't saya na hinanda nya. Kulay puti ito sa taas at dilaw naman sa baba, tinernuhan rin nya ito ng brown na bakya. Kinuha ko yung suklay na nakapatong sa make up vanity table at nagsuklay na saka tinali ng lahatan yung buhok ko.
"Binibini, may misa po ngayong umaga. Nais ko po sanang makasama kayo sa pagsimba." ani Agata habang naglalakad kami, tango lang ang sinagot ko.
Nang makarating kami sa simbahan, ilang minuto nalang magsisimula na. Madami narin ang tao. Sa tingin ko its my first time to enter a Catholic church at makadalo ng misa dahil hindi katoliko ang pamilya namin kundi Born Again Christian. And to be honest hindi ako maka-Diyos. Madalang pa nga sa patak ng ulan kung umattend ako sa church.
Nakinig nalang ako ng maigi sa pari para hindi ako mabagot.
Laking pasasalamat ko ng matapos na ang misa. Agad akong lumabas na simbahan at umupo dun sa isang bench na nasa ilalim ng napalaking puno. Sumunod naman sakin si Agata.
"Binibini. Nakikita mo ba ang pamilyang lumalabas ngayon sa simbahan? " bigla nalang nyang tanong. Tiningnan ko ang pamilyang palabas na, syempre may tatay, pati din nanay, sa likod ng magasawa naroon yung dalawang anak nila. Dalawang lalaki at bunsong babae.
"Yan ang pamilya ng mga Villar. Nabibilang sila sa mga mayayamang pamilya dito sa Bayan ng Malipayon. Si Ginoong Màximo, siya panganay" paliwanag nya napatango tango naman ako. Kaya pala mukhang mayaman yung mokong na yon.
Nang makauwi kami nagtungo ako sa likod bahay. Isa itong hardin. Maraming bulaklak, limang di kalakihang mga puno. May kahoy din na duyan na sa tingin ko ay kasya ang dalwa. Nagduyan lang ako hanggang sa maramdam ako ng antok.
.........
"Binibini, gising napo. Madilim na po at malamok na" pag-gsing sakin ni Agata at tinapik tapik nako. Agad kong minulat ang mga tama ko at tumayo na. Nagstretching muna ako at naglakad papasok na bahay.
Hindi na ako naghapunan at dumeretso sa kwarto at natulog ulit.
*KINABUKASAN*
"Binibini, halina na po at kumain" yaya sakin ni Manang Consetta ng makababa ako sa hagdad. Nakaligo nadin ako at nakapagbihis. Isang simpleng baro't saya na kulay puti lang ang suot ko at bakya.
Nang makakain kami ng almusal, niyaya ako ni Agata na pumunta sa Plaza. Namangha ako ng makitang andaming kalapati sa plaza. Yung karamihan nasa lupa at yung iba naman ay nasa puno. Habang pinagmamasdan sila feeling ko ampaya paya ng paligid.
Pagkalipas ng ilang oras na pamamasyal kung saan saan napagpasyahan na naming umuwi. Sabay sabay kaming kumain ng tanghalian na adobong manok na niluto ni Manang Consetta, sino paba?
Nagpaalam nako sa kanila at nagpunta sa kwarto. Gusto ko sanang mahiga dahil pagod ako pero hindi pwede sapagkat kakain ko palang.
Habang nakaupo sa kama. May kumatok na pintuan at ng bumukas iyon ay si agata na nangiti sakin. Nginitian ko din sya pabalik.
BINABASA MO ANG
A Love That Sealed For Eternity (Completed)
Historical Fiction"Mundo'y magiging ikaw, Sebastian" Hindi lahat ng kwentong pag-ibig ay kailangan ng masayang pagtatapos..... Story title (in Tagalog): Isang Pag-ibig Na Nabuklod Magpakailanman. Story Inspired by: IV of Spades Mundo.