Kabanata XXV

11 2 0
                                    

"Alis nako Mom, Dad" paalam ko sa kanila at kinuha ang susi ng kotse ko na nakapatong sa lamesa. "Bye Yeska"

"Ingat Yedda" si Dad.

Tumango ako at tipid na ngumiti saka nagtungo sa garage at sumakay sa kotse saka umalis na.

Nakakapanibago.

Dahil hindi ako nagbreakfast, dumaan muna ako sa drive thru ng isang fast food chain.

"Sebastian!" Ewan ko kung bakit pero pagkarinig ko ng pangalang iyon ay aligaga akong napalingon sa likod. Wala namang ibang sasakyan kundi ang akin. Weird.

Nang mabayaran ko na ang binili ko ay mabilis kong hinarurot ang kotse patungo sa unibersidad kung san ako nagaaral.

Pagkaubos ko ng pagkaing binili ako ay bumaba na ako at pumasok sa loob. Muntik nakong hindi papasukin dahil naiwan ko ang I.D ko pero buti nalang mabait si Manong Guard.

"Seb!" Napalingon na naman ako sa likod ng dahil sa sigaw nayon. Ang bigat parin ng dibdib ko. Hindi ko na talaga maintindihan ang mga nangyayari. Baliw na ba ako? Eto ba ang naging resulta ng isang linggong pagiging coma ko?

Isinalpak ko nalang ang earphones ko para hindi na makarinig ng kung ano ano at nagpatuloy sa paglalakad.

Lahat ng kaklase ko ay sinalubong ako ng makita ako sa pinto. Tinanggal pa nila ang earphones na nakasalpak sa tenga ko. Mga peste.

"O my gosh! We miss you Yedz! Shit ka! Isang linggong straight kang tulog pero ang ganda mo parin?! Mas pumayat ka nga lang pero shitttt mas sumexy ka! How to be you!" Nakakairita at nakakarinde ang pagsigaw ni Lorraine sa mismong mukha ko.

Peste talaga oo.

"Tabi!" Inis kong wika at nagsitabihan naman sila. Kinuha ko ang opurtunidad nayon para makaupo na sa upuan ko.

"Yedda! First sub natin ang history ngayon. Baka gusto mong lumabas na agad hehe" ani Adonna. Hindi ko siya pinansin at umirap sa ere.

"Hey. Kamusta?" Si Zhask na ngayo'y katabi ko. "I miss you"

Grrr.

Pang bwiset ng umaga.

"Nandyan na si Prof. Cariaso!" Anunsyo ng isa at nagsibalikan na ang mga peste kong kaklase sa kani kanilang upuan. Para silang elementary students

—____—

Pumasok na nga si Panot.

There's something wrong about me.

I don't like his subject— History pero bat parang naeexcite ako?

"Good morning" bati nya at inilibot ang dalawang mata sa buong room. Napadako ang tingin nya sakin, nanlaki pa ang mga mata.

"Ohh? Yedda Vienna? Maayos ka na pala? Ayaw mo bang lumabas para bagsak kana talaga?" Aniya at tumawa. "Hindi ba masakit ang tiyan mo? Ang ngipen mo? Ang ulo mo? Hindi ka ba nac-cr?"

Umiling ako at ngumiti. Lahat sila nagulat, pati din ako.

"Wow. That's so unusual of you, Yedda. So let's start our discussion." Inilabas nya na ang kanyang sandamakmak na papel mula sa bag nyang green. "Ay oo nga pala. May transferee ngayon."

Lahat ay nagsibulungan.

"Speaking of the transferee, ayan na sya" aniya at lumabas. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino ang kasama nya.

A Love That Sealed For Eternity (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon