Kabanata Vl

10 2 1
                                    

Yedda

"Binibini, mahilig ka palang gumuhit" ani Agata habang nakasakay kami ng kalesa patungong Pamilihan ng Bayan para bumili ng mga gamit sa pagpinta.

"Yeah. Hobby ko narin kasi yan"
And just I expected hindi nya nagets. Hays kung turuan ko kaya sya ng kaunting English words?
Nakakadugo kasi sa ilong ang pagiging masyadong pormal :<

NANG makarating kami sa Pamilihang Bayan, agad akong naghanap ng mga gamit pagpinta at mabilis naman akong nakahanap. Bumili ako ng ilang paint brush, color green, black, pink, blue, white, at brown  na pangpinta at benteng piraso ng makakapal na papel.

Habang kinakalkyula nung tindero kung magkano ang lahat. Naagaw ng pansin ko ang naglalakad patungo sa kabilang direksyon. Masaya silang nagtatawanan at kitang kita sa mga mata nila ang spark.

Parang pinipiga ang dibdib ko sa nakitang iyon kaya ng matapos kalkyulahin ng tindero ay mabalis naming nilisan ang lugar nayon.

Bat ba ako nasasaktan? Wala naman akong karapatang masaktan ah? At bat naman ako masasaktan? Nang dahil lang....... don?

Dali akong dumetetso sa kwarto ko at nilapag ang mga binili ko sa study table saka sumalampak sa kama.

Hindi sigurado pero nasasaktan. Crush lang diba yun, paghanga lang. Bat ako nasasaktan?

And then suddenly pumasok sa utak ko yung nakita ko kanita. Seb's eyes were sparkling while looking at Margarine. He likes her probably. And they seem very close to each other.

Naga-assume pa naman ako na ako ang gusto ni Seb dahil sa mga ginagawa nya sakin ngunit hindi pala. Bat kasi ang ashumera ko?! Yan tuloy ako ang labis na nasasaktan ngayon.

Parte ba lagi ng pagibig ang masaktan?

Kung oo, ayoko ng umibig pa. Kota na ko sa dalawang beses. Nakakasawa.

Sa hindi namamalayan, may tumulong luha sa kanang mata ko. Agad ko iyong pinunasan.

Siguro tama na yung ganito. Yung may gusto yung gusto ko sa iba. Ako na nga ang nagsabi bawal kami sa kahit anong anggulo. Mas maigi na'to. Iiwasan ko nalang sya hanggang sa mawala na tong kinginang nararamdaman ko.

Pinakalma ko muna ang sarili ko saka umupo sa study table. Hinanda ko na yung mga gagamiting ko gamit saka nagsumulang magpinta.

Dahil malungkot ako, napinta ko ang isa babaeng umiiyak habang malakas na umuulan, may hawak syang yellow na payong. Nang matapos ko ito, idinikit ko iyon sa dingding.

Nagpinta uli ako, and this time. Yung Lugar Tranquilo y Pacifico na. Namangha ako sa kinalabasan nun. Mga malalagong puno na kulay kahel ang mga bulaklak, mga duyang gawa sa kahoy, at yung lupa na natatakpan ng mga nalaglag ng petals ng mga bulaklak.

Sandali kong nalimutan ang kalungkutan ng tumitig ako sa pininta ko. Masyado akong humanga sa sarili ko dahil sa ganda non. Idinikit ko din iyon sa dingding at humiga na sa kama.

Nakakamiss magpinta. Kailan ba ako huling nagpinta? Matagal tagal din kasi akong tumigil simula nung maging broken hearted ako.

(TOK! TOK! TOK!)

Tatlong katok mula sa labas ang aking narinig. Hindi ko iyon pinansin at nanatiling nakatitig sa kisame.

"Binibini........ Narito po si Ginoong Sebastian. Nais nya daw po kayong masilayan ngayong araw" ani nya na ikinabangon ko. Nandito si Seb para sakin? Kyahhh------ STOP YEDDA. Diba iiwas kana? Diba labis kang nasaktan kanina sa nakita mo?

Nawala ang ngiti sa labi ko at napilitan ng lungkot. Nga pala, may gusto sya sa pesteng Margarine na yun. Nandito lang sya dahil trip nya, hindi dahil gusto ka nyang makasama. TAMA.

A Love That Sealed For Eternity (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon