Next week, ang nex update :)Yedda
Mabilis na lumipas ang araw habang naroon kami sa Manila. Mga tantya ko ay siguro magwa-one month na. Yes ganon kabilis. At ngayong araw, kakalapag palang ng barkong sinakyan namin papuntang Malipayon. Yesss. Nakabalik na kami.
Kasalukuyan kaming narito sa loob ng bahay. Kung dati ay ayaw ko sa bahay nato, ngayon ay hindi na. It like, it's a house that I can call a home. There's love in this house kahit tatatlo lang naman kami dito. Our house in 2018, I can't call it a home. Our parents, they are always in abroad. They've always see me as wrong and Ate as right. It feels like there's a competency between us. They're always comparing us. Ate is seeing me as a threat, she's insecured with me. And I hate that. I want us to bond, to be close with each other.
-
Pagkatapos naming magdasal ay nagsimula na kaming lumamon este kumain. Amoy palang ng ulam na niluto ni Nanay Consetta ay halata nang masarap. Sa wakas. Makakakain na ulit ako ng masarap.
Sumandok agad ako ng kanin at mechado pagkatapos ni Agatanga...
-
Naglakad lakad ako pagkatapos naming kumain, nagpapatunaw.
Damn. I miss this place so much. Mas gusto ko pa dito kaysa sa Manila, kahit na nandoon ang ilan sa mga makakasaysayang lugar..
Napadaan ako sa plaza nang makarinig ako ng mga nagsisigawan, mukhang nagkakagulo.
Napatakip ako sa bibig ng makita ang sinaryo. Nakadapa ang isang duguang matandang lalaki na mukhang magsasaka, habang nakatutok sa ulo nya ang isang mahabang baril na hawak ng isang guwardya sibil, na halatang galit na galit. Sa tabi nito ay isang babaeng duguan rin at mugto na ang mga mata sa kakaiyak.
"Hindi kami ang naglapastangang magnakaw sa bodega ng mansiyon ng Gobernador!" Sigaw nung babae.
Lumapit ako sa isang ginang na nanonood din ng pangyayari, halata sa kanyang gustong tumulong pero alam nya ng wala naman syang magagawa bagkus ay madadamay lang sya. "Ano pong nangyayari?" Tanong ko dito.
"Pinagbintangan ang mag asawang iyan, na si Berting at Tanya na nagkanaw ng ilang kaban ng bigas sa bodega ng mga Agoncillo" sagot nya, sa pagitan ng mga hikbi.
"Liar! Stupido indio! You have no respect!(Mentiroso! Stupido indio! ¡No tienes respeto!) nakakabinging sigaw ng isang guwardya sibil.
*BANG! BANG! BANG!*
Nagsipagtakipan kami ng tenga dahil sa sunod sunod na malalakas na putok ng baril. Napikit ako dahil don.
Ngunit pagmulat ko, nakahandusay na sa semento ang mag-asawa habang naliligo sa sariling nilang dugo. Napahugulgol ang ilan, kasama na ang ginang na katabi ko.
First time in my life, na makasaksi ng live na pagpatay. Nakakatakot. Namatay sila ng walang kalaban laban, ni hindi man lang nila sinigurado kung ang mag-asawa nga ba na yun ang talagang nagnakaw. Ganito ba namamatay ang mga Pilipino sa sinaunang panahon?
Mamatay dahil sa walang katotohang bintang? Mamatay dahil sa pagrerebelde ng dahil sa pangaalipusta ng mga nasa itaas? Mamatay sa dahilan ng pagkuha ng kalayaan mula sa espanya? Mamatay sa pakikipaglaban? Worst... Mamatay ng walang kalaban laban?
Nang mga minutong iyon bigla ko nalang naisip na "Deserve ko bang mabuhay sa panahon kung kailan malaya na ang Pilipinas?" Dahil hindi ko pinapahalagan ang kalayaang nakakamtam ko? Dahil hindi ko pinapahalagan ang historya ng Pilipinas at binabaliwala lang ito? Kesyo 'Past is Past?'
I remembered the times, the many times I've always go out when it's History time na. Ang dami dami kong dinadahilan kay Prof. Hemiosa tuwing magtuturo na sya ng pinaboring na subject para sakin. Kesyo 'Masakit po ang ulo/tyan/ngipen/kamay/paa/tyan ulit. Sa clinic po muna ako' 'Kailangan ko pong magcr' at madami pang iba. Pero hindi naman araw araw, tuwing sobrang boring lang talaga ng topic. Naiirita ako dahil kailangan pang sauluhin ang mga dates, kung kelan namatay si ganan? Kelan umusbong ang labanan? Kelan ganon? Kelan ganan? Naiirita din ako sa pagtanda ng mga pangalan ng lugar. Basta naiirita ako sa subject na yan. Pero....
BINABASA MO ANG
A Love That Sealed For Eternity (Completed)
Historical Fiction"Mundo'y magiging ikaw, Sebastian" Hindi lahat ng kwentong pag-ibig ay kailangan ng masayang pagtatapos..... Story title (in Tagalog): Isang Pag-ibig Na Nabuklod Magpakailanman. Story Inspired by: IV of Spades Mundo.