hindi ako busy every friday to sunday kaya eto yung mga days na maga-update ako :>
Yedda
Months passed
Sabi nga nila, sa buhay hindi kailangang laging masaya. Sapagkat kakambal ng kasiyahan ay kalungkutan.
Kagaya ng sitwasyon ko ngayon, ito na yata ang pinakamasayang mga araw sa buong buhay ko dito sa panahong ito. Ngunit hanggang saan aabot ang kaligayahan ang natatamasa ko ngayon? Malapit na ba itong magwakas?
"Agata anong buwan na ngayon?" Sobrang nalulungkot kong tanong kay Agata. Agad naman syang napatayo at tiningnan ang kalerdaryo na nasa likod ng pintuan. Meron pala kaming kalendaryo?
"Hunyo na po, ate" nalaglag ang panga ko.
I came here in August, 2 days after my birthday. So it mean, 10 months na ako dito? So ...... Almost 2 months nalang ang natitira kong oras sa panahon na to.
2 fucking months only.
"Salamat" tinago ko ang kalungkutan sa aking pagsasalita. "Agata, punta nga tayo sa hacienda agoncillo."
"S-sige po ate. Ngayon mismo na po ba?" Tumango pa.
"Seb!" Napawi ang kalungkutang nadarama ko nang makita ang pinakamamahal ko. Agad akong lumapit sa kanya at yumakap... Ng napakahigpit, tila ba ayaw ko syang pakawalan.
"Sinta" aniya at kumalas sa yakap. Napapikit ako nang halikan nya ako sa aking noo.
"Seb" nagtuluan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ayoko naman silang patuluuin pero nagkula ang mga iyon. "S-seb" ulit ko pa, nais sanang dagdagan ng 'dalawang buwan nalang ako dito' . "Sebbb hindi ko kaya." patuloy lang ako sa paghagulgol sa dibdib nya.
Hinangod hangod nya ang likod ko, pati narin ang ulo ko. "May problema ka ba, sinta ko?" Nag aalala nyang tanong.
Umiling ako at humiwalay sa kanya, pinalis ang mga luha na dumadaloy sa pisngi ko at pinatahan ang sarili... Saka pinilit na ngumiti—yung totoo.
"Napuwing lang" tipid akong tumawa. "Tara upo muna tayo" iginaya ko sya sa isang mahabang bangko na napapaligiran ng magaganda't mababango nilang bulaklak.
Nang makaupo na, dinantay ko ang ulo ko sa balikat nya saka nag-hum na pinakatumatak saking kanta.
"Seb, what if— iniwan kita. Anong gagawin mo?" Tanong ko.
"Wala, mahal ko. Sapagkat gagawin ko ang lahat wag ka lamang mawala sa aking piling" aniya. Napangiti naman ako ng mapait. Yabang mo. Hindi mo yan magagawa tss.
"Magmamahal ka ba ng.. iba?"
"Bakit pa, mahal ko? Bakit pa ako magmamahal ng iba kung ikaw at ikaw lang rin naman ang hinihiling ng puso ko. Isa pa, sinta. Kahit pa pilitiin ko ang sariling puso't isipan na magmahal ng iba, palagay ko'y hindi ko makakaya. Ika'y nakatatak na sa aking sistema, konektadong konektado tayo, mahal ko"
Umayos ako ng upo, tiningnan ang magkahawak naming kamay na hindi ko namalayang pinagsaklop nya pala.
"Mahal na mahal kita, Seb ah? Wag mo yang kakalimutan kundi hambalos ang abot mo sakin" ngumisi ako.
"Basta ikaw, sinta"
Sa kanila na naman ako balak magpalipas ng gabi. Pangatlong pagkakataon na magkatabi kaming matutulog.
BINABASA MO ANG
A Love That Sealed For Eternity (Completed)
Historical Fiction"Mundo'y magiging ikaw, Sebastian" Hindi lahat ng kwentong pag-ibig ay kailangan ng masayang pagtatapos..... Story title (in Tagalog): Isang Pag-ibig Na Nabuklod Magpakailanman. Story Inspired by: IV of Spades Mundo.