Yedda
Ilang araw ang lumipas at palala ng palala ang nararamdaman ko. Kingina! Yung pinipigilan mo pero mas lalo pang umalaala. Hindi na to dahil sa kinginang feeling maria clarang Margarine nayon kundi dahil bawal nga kami ni Seb!
Baka masaktan lang kasi kami sa dulo. Tch. Feelingera. Akala mo naman may gusto din sayo si Seb!
Err. Eto talaga problema sakin eh. Pag naiinlove para akong nakahithit ng katol.
Naglalaho yung cold na Yedda tuwing naiinlove ang gaga!
Ngayon nandito kami ngayon ni Agata sa pamilihang bayan at kamalas malasan eh nandito din yung Feeling Maria Clara na si Margaritta. Kwento kasi sakin ni Agata. Matagal na daw syang may gusto at nagpapansin sa Sebastian 'KO' pero wala sa kanyang gusto si Seb haha. Kawawang bata.
"Magandang umaga Binibining Agata at Yedda" bati nya samin.
Ngitian lang sya ni Agata kasi sabi ko wag syang kausapin. Bad ko na ba? Hehe
"Let's go Agata" giit ko at tumango lang sya at sumunod sakin. Bibili kasi ako ng iba pang kulay sa pagpinta. Nang makabili kami nakasalubong namin si Aling Merche.
Kaya pala nadismaya nung sinabi ni Seb na ako daw yung pinakamaganda na nakita nya. Kase gusto nya si Seb para sa anak nya. Well sorry. Hindi yun mangyayari *flips hair*
Bumili muna kami ni Agata ng minatamis na saba at kinain saka napagpagpasyahang unuwi.
Pagkatapos kong ayusin ang mga binili ko ay nagtungo ako sa balkonahe ng kwarto ko at nagisip isip.
Kung nandito ako ngayon sa panahon nato. Anong nangyari sa katawan ko sa panahon ko? Naglaho kaya ako?
'Sulitin mo ang lahat ng oras ng naroroon ka at kapiling sya sapagkat babalik ka ulit dito pagkalipas ng isang taon'
Bigla nalang pumasok ang mga katagang iyan ni Lola Cora sa isip ko.
Sulitin?
Mali ba ang desisyon kong pigilan ang nararamdaman kong ito at iwasan si Seb?
Bakit nga ba hindi ko iyon naisip? Mas inisip ko pa kasi yung mangyayari pag nakabalik nako. Mas inisip ko pang masasaktan ako.
Ano naman kung masaktan ulit diba? Nasaktan nako, siguro pwede naman kung maulit pa?
Hindi naman ako nagfefeeling, peropakiramdam ko may nararamdaman din sakin si Seb. Ewan ko, feeling ko lang. Hindi ako sigurado.
Siguro kailangan kong sundin yung sinabi ni Lola Cora na sulitin nalang ang oras na kasama ko sya. Saka ko nalang iisipin ang mangyayari sa pagtaya ko.
Pag nakita ko si Sebastian aamin ako! Pramis. Bahala na kung mareject o ano. Basta aamin ako at susulitin ang mga oras na kasama ko sya.
Kaylan ko lang kasi narealize na mahal ko na pala si Sebastian. Dahil sa tuwing papasok sa isipan ko si Bry hindi na ko nasasaktan.
Tataya ba ako? Aishh bahala na.
KINABUKASAN
"Binibini! Nais mo bang sumama sakin patungo kila Niña?" malakas na tanong ni Agata sa labas para mapabangon ako. Binibigyan na yata ako ni Lord ng tyansang umamin kay Seb.
"Binibini?! Kung hindi po ay mauuna na-----"
"Hindi! Sasama ako!" giit ko at mabilis na nagtungo sa banyo para maligo.
BINABASA MO ANG
A Love That Sealed For Eternity (Completed)
Historical Fiction"Mundo'y magiging ikaw, Sebastian" Hindi lahat ng kwentong pag-ibig ay kailangan ng masayang pagtatapos..... Story title (in Tagalog): Isang Pag-ibig Na Nabuklod Magpakailanman. Story Inspired by: IV of Spades Mundo.