Kabanata XlX

5 0 0
                                    


"What if we rewrite the stars.

Say you were to be mine.

Nothing could keep us apart.

You'd be the one I was meant to find"


Yedda


"Magandang araw para sa'iyo napakagandang, binibini. Tagalang walang kupas ang iyong kagandahan!" Napairap ako sa kanya. Ganyan na nga lang talaga sya, mambobola. Jusko.

"Anong pang maganda sa araw ko ngayon eh nakita na kita?"

Sumimangot sya. "Saan ka magtutungo, binibini?"

Bilis mag change topic ah. "Sa balong malalim." Pagbibiro ko.


"A-ano ang gagawin mo roon?"

"Pagmasdan mo ako!" Tatawa tawa kong sabi.


"Hind kita maintindihan, binibini." Nagugulang sambit.


"Wala! Haha. Sige na!" Paalam ko at tinapik muna ang balikat nya. Akmang tatalikod na ako pero parang may gusto akong sabihin kaya tumiad ako at itinapat ang labi ko sa tenga nya. "Buong buhay ko. Isa palang ang naturing kong kaibigan. Pero ngayon dalawa na at ikaw yon, Máximo."

Tumalikod na ako roon at naglakad palayo.


Natanaw ko si Sebastian sa ilalim ng isang malagong puno malapit sa simbahan. Akala ko hindi sya nagsimba, hindi ko kasi sya nakita. Kakagaling ko lang kasi sa misa kanina, kasama sila Agata at Manang.

Kumaway muna ako sa kanya at ngumiti bago lumapit. Nang makaharap ko na sya, don ko napansin na mukha syang bad mood.


"Hoi! Problema mo?" Pag-uusisa ko. Seryosong seryoso syang nakititig sakin. Mukha syang galit.

"Woy! Nakakatunaw naman yang mga titig mo sakin, Seb!" Errr. Mukha talaga syang galit kaya mabilis ko syang binigyan ng halik sa pisngi. Umiwalas ang mukha nya pagkatapos non. Tsk. Tsk.


"Galit ka pa ba? Tekaa! Bat ka nga pala galit?"

"Hinalikan mo rin ang aking pinsan! May gusto ka ba sa kanya?" Lumaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

"Lul! Pinagsasabi mo dyan, Seb? Anong halik? Anong gusto?" Natawa ako.


"Wag mong gawing katawa tawa ang pinaguusap natin ngayon, bi-ni-bi-ni" lumunok ko ng ilan. "Nakita ko"


Ano bang nakita yun? Halik? ------ "Bobo! Hindi yun halik. Bulong yun, okay?" Jusko. Amvovo ng kasintahan ko.

"Bulong? Ano naman ang iyong binulong?" Pagusisa nya na naman.

Hinawakan ko nalang sya sa pulsuhan nya at hinila. Nagpatianod naman sya sa panghihila ko sa kanya.

Sa may malapit na maliit na tindahan kami pumunta. Bumili ako ng maiinom namin.p

Pagkatapos ay naglakad lakad ulit kami. This time, magkaholding hands na kami. As usual, nakukuha naming ang atensyon ng mga dumadaan.

"Holy sh!t" napamura ako ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Dali dali akong hinila ni Seb patungo sa masisilungan.

"Grrr. Lamig" nanginig ako ng tumama sakin ang malamig na hangin. Putcha. Nananadya.


"Halika dito, sinta" sabi ng katabi ko at agad ko namang sinunod. Lumapit ako sa kanya.


A Love That Sealed For Eternity (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon