Yedda
"Good morning" matamlay na bati ko kina Manang at Agata ng makababa ako. Nakaligo at nakabihis narin ako.
Naupo na ako at sinimulang lantakan ang prinitong manok at itlog na niluto ni Manang, sino paba?
Naging tahimik ang pagaalmusal namin. Matapos kong kumain ay umakyat na ako sa kwarto.
Nagtungo ako sa study table at naupo dun. Dinampot ko yung quill at ink. Kumuha narin ako ng papel at nagsimulang gumunit.
Ginuhit ko yung Lugar Tranquilo y Pacifico, pero hindi ko nagustuhan yung kinalabasan dahil walang kulay. Bukas nga ay magpapasama ako kay Agata para bumili ng pang paint.
Nakakamiss gumuhit. May talent kasi ako sa pagd-drawing, hobby ko narin yun. Gumuguhit ako depende sa mood ko.
Ilang araw na ba ako sa panahong ito? At anong nangyari sa katawan ko sa panahon ko. Naglaho kaya ako?
Nang makaramdam ako ng uhaw ay dali akong bumaba at uminom ng tubig.
Nang matapos ay lumabas ako at naglakad lakad. May ilang binabati ako pero hindi ko sila pinansin. Bastos na kung bastos pero wala talaga ako sa mood ngayon.
Habang nagpapatuloy sa paglalakad ay nakita ko yung babae na nakausap ko nung bagong dating ako dito. What is her name again? Mar.... Margarine? Ahh! Margaritta.
Tsk. Napakapangit talaga ng pangalan nya.Nagtama ang mga mata namin ni Margarine, nginitian nya ako ng pagkatamis while I just gave her a blank face. Lumapit sya sakin.
"Binibining Yedda?.... Ikaw nga!" masaya nyang bulalas.
"Masaya akong makita kang muli" dugtog nya. Hindi naman obvious tss.
"Wala kabang balak magsalita, Binibining Yedda?"
"Wala. Hindi naman ako lumabas para makausap ka. Back off. Wala ako sa mood"
"Hah, binibini?"
I just 'tsk' at umalis na. Wala bang marunong mag English dito kahit isa? Nakakaburaot kasi yung pormal nilang pananalita.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at may nakasalubong akong dalawang asungot.
Aish. What with this day?"Mukhang napakagandang simula ng araw ito sapagkat isang napakagandang anghel ang aking nakasalubong" ani Màximo. At yung kasama nya? Walang iba kundi yung pinsan nya.
"Magandang umaga, binibini" si Seb.
Pinagsisihan kong lumabas pa ako ng bahay. First is yung nakakabwiset na Margarine nayun. Tapos etong magpinsan?
"San ang iyong punta, pinakamagandang binibini?" tanong ni Màximo.
Ganyan ba talaga sya magdadali?
Mambobola amp.
Pero sarehh. Hindi ako nadadaan sa mga ganyan.Imbes na sagutin ko sya at tumingin nalang ako kay Seb. Nung una ay nakakunot lang ang noo nya pero ng magtama ang paningin namin ay matamis nya akong nginitian..... Here it goes again. Tumitibok na naman ng pagkalakas ang dibdib ko. Wag please. Wag kang magwala. Manatili ka lang dyan sa kulungan mo.
"Mauuna na ako" at saka tinalikuran sila.
Alam ko na ang dahilan ng pagwawala ng dibdib ko tuwing ngingiti si Seb ng pagkatamis. Gusto nya ng makawala at mahulog. Pero hindi ko iyon hahayaan. Hindi maari.
Sinasabi ng puso ko na hayaan syang makawala, ngunit sinasabi naman ng isip ko na wag. At mas papanigan ko ang isip ko.
Nang makalabalik ako sa bahay ay mga tanong ni Agata ang bumungad sakin. Sinabi kong naglakad lakad lang ako.
BINABASA MO ANG
A Love That Sealed For Eternity (Completed)
Historical Fiction"Mundo'y magiging ikaw, Sebastian" Hindi lahat ng kwentong pag-ibig ay kailangan ng masayang pagtatapos..... Story title (in Tagalog): Isang Pag-ibig Na Nabuklod Magpakailanman. Story Inspired by: IV of Spades Mundo.