Epilogo

18 2 0
                                    

Salamat sa lahat! ❤️

Yedda




Aking sinta
Ikaw na ang tahanan at mundo.

Sa pagbalik,
Mananatiling nasa piling mo.

Mundo'y magiging ikaw.

~

Kumurap kurap ako at pinagmasdan ang kinaroroonan ko. Panay puno na kulay kahel. Ang daming duyan at bench na gawa sa kahoy ang nakapaligid.

May kamay na tumakip sa mga mata ko. Ambango. Amoy sampaguita na may halong rosas ang pabango ang taong nasa likod ko.

"Sino ka?" Tanong ko.

"Ako ito, sinta" bulong nya sa kanang tenga ko. Nakakakiliti. Ambango rin ng hininga nya.

Tinanggal nya na ang kamay nya mula sa mga mata ko at iniharap ako sa kaniya.

"Sebastian ang aking ngalan. Nakalimutan mo na ba ako, sinta?".

Shems ang gwapo.

Ang tikas.

Filipinong-Filipino.

Yung mga mata niya itim na itim. Yung ilong niya matangos nakakainggit. Yung labi nya ampulala dinaig pa ako.

Sinta daw? Kyahh. Keleg.

"Natatandaan ko nung unang beses tayong magkita, sinta. Ganiyan rin kung paano mo pagmasdan ang aking mukha. Nakalimutan mo na ba ako?" Mahinahon niyang sabi ngunit may halong kalungkutan.

Pamilyar ang mukha, boses at pagkatao niya. Tila ba ay may malaking pwesto sya sa aking buhay... sa aking puso.

Ngunit.

Hindi ko matandaan ang kahit ano tungkol sa kaniya.

Bakit?


"Sinta" sigaw nya ng unti unting maglaho ang paligid. Palayo sya ng palayo sa aking paningin.

Hanggang sa...

Tuluyan maging itim ang aking paningin.

~

Napabalikwas ako ng bangon. Basang basa ng pawis ang aking mukha. Gulo gulo ang aking buhok at hingal na hingal ako. Nanghihina ang katawan ko.

Dali-dali akong bumangon upang pumunta sa lamesa para makainom ng tubig.

Pero isang hakbang ko palang ay nahulog ako sa sahig.

Nanginginig ang tuhod ko.

Napatingin ako sa ilalim ng kama. Para bang inaakit ako nitong tingnan siya.

Dahil sa kuryosidad kung anong meron don. Lumapit ako para tignan.

Binuksan ko muna ang ilaw at tiningnan na kung ano ang nasa ilalim ng kama ko.

Wtf?

Nakakita ako ng isang ataul na sobrang alikabok. The heck. Di yata nililinis ng maigi ni Manang ang kwarto ko.

Hinili ko ang medyo malaking ataul na yon at pinagpagan para maalis ang alikabok.

Binuksan ko ang ataul ng malinisan ko na.
Nagulat ako sa mga laman non.

Barot saya?

Makalumang sapatos?

At sandamakmak na artworks na may mga title at signature ko! What the fuck. Hindi ko matandaang pinaggagawa ko ang mga 'to!

A Love That Sealed For Eternity (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon