Yedda
"Sorry ma, pa kasalanan ko ang lahat."
"Anong ibig mong sabihin, Yeska?!"
Nagising ako sa ingay ng paligid. Teka nasaan ba ako? Pinagmasdan ko ang paligid..... Bat ako nasa hospital?
Naramdaman kong basa ang mukha ko kaya agad itong pinunasan. Umiyak ba ako?
"A-ko po ang dahilan kung bakit na coma si Yedda" boses yun ni Ate hah? Bat sya umiiyak? At ano daw? Na coma ako?!
"Anong ibig mong sabihin?!" si Daddy na galit. Ano bang nangyayari?
"Ka-kase po Dad..... Si L-lanz may gusto kay Yedda. Ginirl-friend nya lang daw po ako para mas malapit kay Yedda. Tapos p-po nakipaghiwalay na siya sakin."
The fuck?
"Oh bat mo naman naging kasalanan?!"
"I-inagaw ko po sa kanya si B-bry para sya naman p-po ang ma-masaktan. She s-saw us kissing in our school f-field. Yun po ang dahilan kung bakit sya labis na nasaktan para humuntong sa kany-kanyang depresy------"
Labis na nasaktan? Depresyon. What the actual shit? I don't have feelings for Bry, anymore.
*PAK!*
Napapikit ako.
"What the heck?!! Kaya pala pansin ko ang alitan nyong dalawa! Para kang hindi ate, Yeska?! How could you do that to your sister?! Look at her! It's been one week at hindi pa sya nagigising!!!" sobrang lakas at galit na galit na sigaw ni Mom.
1 week na akong coma?
Na-depressed ako ng dahil sa break up namin ni Bry? Pero bakit pakiramdam ko ay wala na akong nararamdaman para sa kanya?
Ramdam ko ang bigat ng dibdib ko. Para akong may naiwang mahalaga. Shit. Ang sakit.
"S-sorry Dad, I didn't mean to do i-it. Please forgive me-----"
"Mom?" tawag ko para mapatigil si Ate sa pagsasalita at mapapunta sa kama ko. Nandyan lang pala sila sa tabi kaya pala rinig na rinig ko.
"Anak?" Si mom at ng makita nya akong nakaupo sa kama at gising na ay napayakap sya ng mahigpit sakin. Tiningnan ko si Dad. Bigla syang napaiyak.
"Thank God, gising kana"
Sunod naman akong niyakap ni Dad. Hindi ko sila masisisi kung ganyan ang mga reaksyon nila. Isang linngo ba naman daw akong tulog?
"Nauuhaw po ako" That's true. Sobrang nauuhaw talaga ako. Aligaga nyang dinampot ang isang may kalakihang bottled mineral water sa tabi at binigay sakin.
Mabilis ko iyong naubos. Damn. Bigla akong nabusog. Napapikit ako ng mariin ng kumirot ang dibdib ko. Shit! Ang sakit.
"Ayos ka lang, nak? Teka tatawag ako ng doctor" Lumabas si Mom.
"Yedda. Wala ka bang nararamdamang kakaiba?" Meron. Napakabigat ng dibdib ko.
It feels like, parang may something.. someone? akong naiwan. Basta parang napakahalaga sakin.Bumukas ang pinto at iniluwa non si Mom at isang doctor kasama ang ilang nurse sa likod.
"Just like I said, Mr. and Mrs. Vienna, Ms. Yedda experienced a one week comatose, because of too much stressed. Sobrang nadrained ang energy nya na sinabayan pa ng depression. She's physically and emotionally tired. So..." Tumingin sakin si Doc. "So next time, Ms. Yedda. Don't stressed yourself too much. Have a healthy eating and regular exercise. Also, do what you love to make you happy." Tumango lang ako. Nonsense. Gising na nga ako diba?
BINABASA MO ANG
A Love That Sealed For Eternity (Completed)
Historical Fiction"Mundo'y magiging ikaw, Sebastian" Hindi lahat ng kwentong pag-ibig ay kailangan ng masayang pagtatapos..... Story title (in Tagalog): Isang Pag-ibig Na Nabuklod Magpakailanman. Story Inspired by: IV of Spades Mundo.